𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝙽𝙸𝙽𝙴

691 30 0
                                    


𝐌𝐀𝐫𝐤 𝐏𝐨𝐯

Nagslow mo ang lahat...

Bumalik sakin ang mapapait na alala. Mga alala na matagal ko ng binaon sa nakaraan na hindi na dapat balikan.

Bumalik sakin ang dati kong nobya na namatay dahil sa sakit na cancer 4 years ago...

Imagine how time flies...

Naging ganito ako nang dahil sa kanya, naging miserable ang buhay ko simula nung mawalay siya.
Gumuho ang mundo ko non na hindi ko alam kung maaayos pa ba.

Dumating pa nga sa punto na gusto ko ng tumalon sa building nang magising sa katotohanang hindi matutuwa ang nobya ko sa gagawin ko.

Pinigilan ko ang sarili ko, I tried dating other girls but wala pa rin ni isa sa kanila ang nakabihag ng puso ko.

Yes you're right. I'm wasted, dahil sa nangyari na yon eh naging isa akong BAD BOY, alam niyo naman siguro ang mga katangian ng BAD BOY diba at isa na dun ang magdala ng babae sa sogo at kamahin sila.

Nagpakalunod ako sa saya. Nagpakalunod ako sa sarap ng buhay na hindi ko na pala alam na marami na pala akong nasasaktan.

May tumutulo na palang mga luha sa aking pisngi dahil sa mga naalala ko. Bakit ngayon ko nalang to naalala? Bakit ngayong sa laban ko pa? Hindi ko alam pero feeling ko na may ibig iparating ang nobya ko.

Sa kamalasang palad eh hindi yun pumasok, malapit ng pumasok, nagpaikot ikot pa ang bola na akala ng lahat ay mapapasok yun pala ay hindi, lumabas ang bola.

Nakuha ng kalaban ang bola at dahil sa wala ng oras eh nagend ng ganun ang laban.

Alam kong kasalanan ko kung bakit kami natalo, gumawa ako ng sarili kong plano na hindi ko man lang sinunod ang sinabi ng tito ko. Feeling ko ay napaka-selfish ko sa ginawa ko.

Sinuko ko nalang ang championship namin ng ganun ganun nalang. Ang masakit eh ngayon pa kami natalo kung kelan dumating na ako.

Napaka-saklap ng unang tagpo namin ngayon, bakit ba kasi bigla bigla nalang sumagi sa isipan ko ang nobya kong yun? Hindi pa naman namin anniversary dahil katatapos lang nun, hindi din naman niya birthday or death anniversary pero bakit ko to naaalala? Ano ang gusto niyang iparating? Im very confused.

Natatabunan ng mga naguulap na katanungan ang mga sagot.

Kahit talo eh makikitaan mo parin ng mga ngiti sa labi ang nga kateam mate ko, binuhat pa nga nila ako eh na feeling mo kami ang champion.

Nakakainis! Ang daming umasa na mananalo kami, andaming napaos, andaming naputol ang litid sa kakasigaw, madaming nagsayang ng pagod para pumunta pero heto ako, binitawan ang mga kamay nilang nakasalalay sakin.

"Okay lang yun dre." Pangkumpronta sakin ni Ben at ginulo gulo ang buhok ko.

"Atleast hindi tayo talunan!" Dagdag pa ni Tom at tinadtad ako ng yakap.

Pumunta si tito sa harapan ko na may mga ngiti na animoy kami ang nanalo. "Atleast you do your best. Kung wala ka siguro eh hindi hahabol ang score natin sa kanila." Masayang sabi ni tito at binuhat ako at ginulo gulo ang ulo ko.

Ngayon ko lang naranasan ang ganitong kakaibang saya. Na kahit talo kami eh marami pa ring nakasuporta sakin, nagkamali ako ng pagtingin sa sarili na mananatili nalang akong mag isa pero hindi, marami palang nagmamahal sa akin.

"Congrats sa atin!" Sabi ko nalang at naggroup hug kaming lahat at sinabi isa isa ang mga gusto naming sabihin sa laro namin.

Pagtapos nun eh bro cheer bago kami nagpakuha ng litrato sa mga fans namin.

Meron pa ngang mga babae na nagpapic samin eh. Yung kabilang team pero pumayag din naman kami.

Pagkatapos nung pictorial at onting tanong tanong ng commentator eh pupuntahan daw muna namin si Gray sa kinalalagyan niya saka kami magcecelebrate.

Bumalik sa katinuan ang sarili ko na pupuntahan namin si Gray. Hindi na kasi ako mapakale kung ano na ba ang lagay niya ngayon. Isa siya sa mga umuulap sa isipan ko.

Dinala siya sa malapit na hospital dito at nilakad nalang namin yun magteteam.

Tahimik kaming naglalakad na animoy nagiisip sa kung anong maaaring makita namin kapag pumunta kami kay Gray. Lahat ay walang imik kundi ang mga yapak lang namin ang maririnig.

Naging mabuti kasing tao si Gray or lets say na kilala namin ang tao at kabilang na rin siya sa mga nagangat ng pangalan ng university namin.

Rare ang mga katulad niya kung hahanap ka.
Nung nasa labas na kami ng room niya eh pumasok na kami at dahan dahan kong pinupunta ang mga mata ko sa kanya.

Ang sakit lang sa mata, nung nakita ko siya eh parang nag-itim ang lahat sa kapaligiran, hindi ko maisip na mangyayare to sa laro na to.

May malaking bandage sa ulo niya at maraming nakatusok sa mga kamay niya, pati ang kanang braso niya ay may bandage rin.

Hindi ko namamalayan ang pagpatak ng aking mga luha, hindi ko ba alam kung bakit ganito nalang ang naging impact niya sakin.

Itutoloy............

Bukas na  yung na yung isang kabanata guys....

Bad Boy Inlove His Tutor (Completed) Where stories live. Discover now