𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝙵𝙾𝚄𝚁𝚃𝚈 𝚃𝚆𝙾

435 17 3
                                    


Mabilis lumipas ang panahon. Sinong magaakalang 10 years na ang nakalilipas nang matapos ang pangyayaring iyon.

Si Mark eh kinulong ng papa niya sa kwarto niya hanggang magbago na ito. Sobrang hirap ng sitwasyon ng dalawa dahil naputol na ang  koneksyon nila simula nung araw na yon. Walang kaalam alam si Mark na lilipad na ngang pa Canada itong si Gray. Talaga ngang mahirap na kapag pamilya niyo na ang kinakalaban ng pagmamahalan niyo.

*************

10 years later

"𝙂𝙍𝙖𝙮 𝙋𝙊𝙫"

4:40 pm ng hapon

Andito ako ngayon sa bahay ng kapatid ko. Iniwan ko na muna sa kanya yung anak ko dahil pupunta ako ngayon ng cementery para dalawin ang minamahal kong asawa. Mahigit apat na taon ko na rin pala siyang hindi nadadalaw. Naging busy lang siguro ako sa work masyado.

Oo, may asawa at anak na ako. Nakilala ko siya 6 years ago na, same work kami at same din ng kompanya na pinapasukan. Naalala ko tuloy kung pano ko siya niligawan, na halos araw araw eh hinahatid sundo ko siya, sinasabayan ko siya palagi sa pagkain, at minsan naman nilalabas siya kapag off namin. Laking probinsya siya, Hindi naman kagandahan, ang pangangatawan sakto lang, siguro nakuha niya lang ako sa taglay niyang pambihira.

Lahat kasi ng gusto ko sa isang babae eh sinalo niya na lahat. Sweet din kasi ang isang to, napaka maalaga.

Maswerte nga kami dahil una palang eh magaan na ang loob ng mga magulang namin sa isa't isa. Tanggap kami at legal na legal, kaya naman makalipas lang ang dalawang taon eh dun na namin naisipang magpakasal at dun na nagbunga ang pagmamahalan namin, biniyayaan kami ng anak after 1 year pagtapos ng kasal.

Victim of accident itong asawa ko sa sinasakyan niyang bus sa Canada. Pababa na sana siya ng bus non nang may biglang humarurot na motor sa pagbaba niya. Nawalan daw ng preno ang motor kaya ganun pero di naman ako pumayag, pinakulong ko yung driver at pinasagot sa kanya lahat ng gastusin para kay Yumi. Naisipan ko na ngang mag commit ng suicide pero naisip ko naman yung anak ko.

Nagalit din sakin yung pamilya niya nung una, bakit ko ba daw pinabayaan. Tama naman sila pero kasi wala akong alam na umalis siyang magisa, that time din kasi may tampuhan kami kaya ayaw niyang sumabay sakin sa pagpasok. Nakokonsensya talaga ako dahil don.

Hindi pumayag ang pamilya niya na sa Canada ipalibing si Yumi, sa kagustuhan nilang dun iburol para daw malapit sa kanila at mabisita pa nila, napagdesisyunan kong dun na nga lang iburol itong asawa ko, gustuhin ko mang malapit sakin pero baka magalit lang lalo itong pamilya niya.

Sakto naman dahil pinadala din ako dito ng boss namin para tapusin ang pinapagawang proj. 1 week naman ako ditong magstay kaya nakituloy muna ako sa maliit na apartment.

Nagpaalam na muna ako sa anak ko at pinaandar na yung hiniram kong kotse sa kapatid ko.

Nang makarating na eh bumili na muna ako ng kandila at bulaklak. May lighter naman ako dito kaya sinindihan ko yon at kinamusta ang asawa ko.

R.I.P
Jane Abalos Salvador
Born: January 13 1982
Date of death: August 2 2012

Siguro masaya na siya ngayon sa kabilang buhay niya habang nakasubaybay samin. Vanessa kasi ang pangalan ng anak namin, cute siya at sobrang taba kaya naman lahat ng kapitbahay namin sa Canada eh hindi maiwasang kargahin siya.

Mas masaya siguro kung kapiling ko pa rin siya hanggang ngayon, kung pwede lang talaga ibalik ang buhay ng isang tao kapalit ng isang bagay eh ginawa ko na eh. Hindi rin naman magugustuhan ng asawa ko kapag sumama ako sa kanya dahil may anak pa akong bubuhayin. Iniisip ko nalang na may dahilan kung bakit siya kinuha agad, ewan ko nalang kung ano.

Hindi rin naman ako nagtagal don dahil may meeting pa ako na pupuntahan. Pinatay ko na ang apoy sa kandila at nagpaalam na sa asawa ko.

Nasa gitna ako ng paglalakad nang sa hindi inaasahan eh nahagip ng mata ko ang isang puntod na nagpatigil sa mundo ko.

R.I.P
Mark  Lesther Edelfonso Montez

Hindi ko alam pero agad akong tumakbo at sumakay sa sasakyan ng nagpipigil ng luha. Hindi ko kaya, hindi ko kayang titigan yon ng kahit ilang segundo lang. Masakit, sobrang sakit. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang dahil don, hindi ko alam pero bakit ganito parin ako?

Bakit iniiyakan ko pa rin siya kahit alam ko namang ginago niya lang ako? Bakit sa hinaba haba ng panahong lumipas eh andito pa rin siya sa puso ko?
Parang lumabas na ang kaluluha ko sa katawan dahil maneho lang ako ng maneho, hindi ko alam kung saan ako papunta.

Ilang sandali pa eh hindi ko na alam kung nasaan ako, lumabas ako ng kotse at agad pinagsusuntok ang pader na nasa harapan. Putangina Mark! Tangina bakit hanggang ngayon?! Bakit hanggang ngayon hindi mamatay matay tong nararamdaman ko sayo! Bakit? Bakit?!

"AHHHHHH!!" Inilabas ko lang lahat ng emosyon ko, tumigil lang ako sa pagsuntok nang umagos na ang maraming dugo sa kamay ko at yung suot kong longsleeve eh nalagyan na rin. Hindi ko man lang maramdaman ang sakit, mas masakit parin talaga ang iwan ka ng mga mahal mo sa buhay.

Ilang beses ng nagaway
Hanggang sa magkasakitan
Di na alam ang pinagmulan..

Bumalik ako sa aking sarili at agad sinundan kung saan nagmumula ang tunog na yon.
Dinala ako non sa isang malaking gate na bukas na bukas at tanaw mo agad dito ang dagat na aakitin ka sa ganda.

Pati maliliit na bagay
Na napaguusapan
Di naman kinakailangan..
Hinding hindi ko makakalimutan ang lugar na to, bawat gabi sa aking panaginip, aking natatanaw ang lugar na to, binabalikan ang alaalang mahirap kalimutan. Napapangiti ako nito at minsan nama'y nalulungkot dahil kelan man ay hinding hindi na mangyayari ulit yon

Tinakbo ko na ang dagat, wala akong pake kung may makakita sakin dito at kasuhan ako ng tresspassing dahil mas mabuti na rin yun.

Agad akong napaluhod sa dalampasigan at ibinuhos don lahat ng luha. Sinasabayan ako ng tunog ng hampas ng alon at ang huni ng mga ibon.
Ngunit kahit na ganito
Madalas na di tayo magkasundo
Ikaw lang ang gusto kong makapiling sa buong buhay ko.

"Mark!!!!!"
Sigaw ko kahit nababasag na boses ko.

"Bakit mo agad ako iniwan?"
Kahit na binabato mo ako ng kung ano ano ikaw pa rin ang gusto ko
Kahit na sinasaktan mo ako't sinisipa't nasusugatan mo
Ikaw pa rin walang iba
Ang gusto kong makasama

Nakatingin lang ako sa palubog na araw. Ganitong oras din pala nang mangyari yon.

"Kating kati akong ichat ka! Kaso napagisip isip ko na baka busy ka kausap ang iba!"

"Nasasaktan ako sa twing naaalala ko ang mga pangako natin sa isa't isa.. na ngayon ay napako na.."

"Wala eh, ni hindi ko man lang nasabi sa huling hininga mo na wag mo pa rin ako kalilimutan, na magiging magkalapit parin tayo dahil sa wakas malaya na tayo, wala ng mangongontrol ng kaligayahan natin.."

"Akala ko ba walang iwanan? Tangina lang, araw araw pa rin akong nangungulila sayong gago ka!"

TO BE CONTINUE..........

NOTE:
FINALE NA PO YUNG NEXT CHAPTER SO MEDYO MATATAGALAN. LIKE AND COMMENT.

Bad Boy Inlove His Tutor (Completed) Where stories live. Discover now