𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚃𝚆𝙾

1.3K 46 0
                                    

  𝐀𝐫𝐯𝐢𝐧 𝐏𝐨𝐯

Naguguluhan pa din ako sa sinabing yon ni coach. Hindi ako makapaniwalang siya pa ang magiging kapartner ko sa buong week na to. Bukod kasi sa wala kaming paguusap eh ayoko talagang dumikit sa isang yon. Hindi naman sa nagiging artistic ako pero kung alam niyo lang ang ugali ng isang yan eh baka wala pang ilang minuto susukuan mo na agad siya.

At dahil nga sa all boys school kami at he had the power, he bring girls inside dahilan para mawalan siya ng interes sa isang bagay. Mawawalan din naman ng sense ang gagawin naming task kung walang cooperation eh. Bakit ba kasi hindi pa si Dhan ang naging kapartner ko?

Nagbukas muna ako ng messenger at tiningnan sa GC kung meron na bang task ang na-assign samin pero wala pa din.

Natulog na muna ako dahil mamayang madaling araw eh gigising ako para sa trabaho kong kargador. Marami pa namang ipapabuhat samin yung boss kaya kailangan kong matulog para  mag-ipon ng lakas.

***

Tinanghali na rin ako ng gising dahil napuyat ako kagabi, mas marami pa kasi sa inexpect ko ang bubuhatin namin, dagdag mo pa na 7 lang kaming nagbuhat.

Masakit ang pangangatawan ko nang tumayo ako at dumiretso sa banyo para maligo. Bumaba na rin ako nung nakabihis na ako ng pampasok at kumuha lang ng 2 slice ng bread at isang hotdog at umalis na kasama si Dhan.

Habang naglalakad kami eh tinanong ako ni Dhan about dun sa task na binigay samin. Sagot ko ay wala. Dahil na rin siguro sa pagod eh nakalimutan kong mag open para tignan ang assigned task samin.

"Hindi pa ako nagbubukas. Ikaw nagbukas ka ba?" Balik tanong ko naman sa kanya habang kumakain ng binaon ko.

"Oo. Gagawin na nga namin yun starting mamayang after class sa court eh. Yung sa inyo, wala akong nabasa. Siguro mamaya tanungin niyo si coach kung bakit walang binigay sa inyo."

Nagtaka naman ako. Bakit samin lang yung wala? Ano naman kayang klaseng task yun? Bahala na nga si batman.

Pumasok na kami kay ms Alvarez at nakinig nalang ulit.

Nagtaka naman ako, bakit kaya wala yung grupo nila Mark? Mabuti nalang at walang nanggugulo sa klase. Siguro ay nasa rumble na naman ang mga ugok na yun.

Natapos ang klase na masaya. Walang nanggugulo, walang bastos, walang bully at walang nakakairitang mukha ang sumalubong samin sa buong araw.

Nagpalit muna kami sa locker room at dumiretso na sa court kasama si Dhan at ang partner niya.

Natanong nga nila ako kung nasan daw si Ivan pero umiiling lang ako, pake ko dun sa gagong yun?

Mabuti na ngang mawala siya eh.
Yun lang, problema ko kung anong task ang ipapagawa samin ni coach.

Wala akong ideya kung ano yun but may maganda siguro siyang plano sa point guard na katulad namin.

Nagwawarm up na ang iba naming team mates at ito namang si Dhan at ang partner niya eh sumabak agad sa court para gawin ang task nila.

Ako naman eh umupo nalang muna sa tabi at hinintay si coach para ilahad sakin ang task ko.

"Where's Mark?" Tanong ni coach habang naka pamewang.

"Hmm... Di ko po alam coach eh. Hindi siya pumasok kanina. Ano po ba ang task namin?"

***

Sinabi na nga ang gagawin namin ni Mark. Ipaalam ko nalang daw sa kanya kung ano ang gagawin.

Medyo mahirap dahil palagi daw kaming pumwesto sa 3 points, hindi naman yun mahirap unless meron kayong team work. Hindi ko naman need ang isang yun, kaya kong gawin ng mag-isa yun.

Todo ang practice namin nun sa court na di namin namalayan ang oras. Gabi na pala at hindi ko pa natetext si mama na gagabihin ako ng uwi, for sure magaalala yun.

"Ma wag na po kayong magalala. Pauwi na din po ako ma. Saka kaila Dhan na din po ako makikikain."

Hindi ko na nabasa pa ang reply ni mama dahil tinawag ako ni coach. May sasabihin ata siya.

"Yes coach?"

"Hmmm... Medyo useless ang pagshoot mo ng 3 points kanina unless Mark's here. Lutang ka yata?" Pagaalala ni sir.

Pansin ko nga din yun. 3/12 ang naging score ko kanina. Ewan ko ba, hindi naman ako ganun dati.

Iniisip ko kasi kung paano ko to magagawa kung wala si Mark. Eh wala pa nga kaming plano kung pano madeskartehan ang binigay na task samin.

"Ahhh... Wala naman po sir. Iniisip ko lang po kung pano ko magagawan ng way kung wala si Ivan sa finals." Pagsinungaling ko.

Pero totoo naman. Baka mawala siya sa laban namin. Wala pa namang pakealam yun. Ewan ko ba kung bakit pa siya nasali dito. Well nakalimutan ko na din na tito niya nga pala ang coach namin kaya medyo malakas siya pagdating dito.

"I think that wasn't a problem. I know naman na alam mo na ang ugali ng pamangkin ko noh? He's not interested from here pero kailangan ko lang siyang isali dito para magbago na siya.

Para mawalan siya ng oras sa pambababae niya, hindi ko pa man nakikita ang improvement but later he will."

"So ano na po ang plano? May changes po ba na magaganap?"

"Wala naman. But I think you're the one who will adjust here. Since hindi naman siya umaattend sa bawat practice natin eh ikaw nalang ang pumunta sa bahay nila."

Itutoloy.................
𝘗𝘚: 𝘚𝘢 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯 𝘪𝘵𝘰 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢..𝘕𝘢𝘨 𝘵𝘳𝘺 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘰 𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘨 𝘨𝘦𝘯𝘳𝘢 , 𝘴𝘱𝘰𝘳𝘵𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘉𝘳𝘰𝘮𝘢𝘯𝘤𝘦  𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘬𝘰 .. 𝘠𝘶𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘱𝘰𝘯𝘨 𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘭𝘪𝘨 𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘴𝘬𝘦𝘵𝘣𝘢𝘭𝘭 𝘴𝘱𝘰𝘳𝘵𝘴 , 𝘵𝘢𝘱𝘰𝘴 𝘺𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘱𝘪𝘭𝘪 𝘬𝘰 𝘩𝘢𝘩𝘢𝘺  𝘭𝘢𝘣𝘢𝘯 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘰 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘩𝘦𝘩𝘦𝘩

Bad Boy Inlove His Tutor (Completed) Where stories live. Discover now