𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚃𝚆𝙴𝙽𝚃𝚈 𝚂𝙸𝚇

456 18 0
                                    


𝐆𝐑𝐚𝐲 𝐏𝐎𝐯

"I love you..."

"Huh?!" Pagoover act nito at lumaki pa yung mga mata.

Napa pout nalang ako at sinuntok siya sa braso niya,

"Ang oa naman nito eh, I love you sabi ng lola mo, mahal ka nun kahit hambog ka! Andito lang yun sa tabi natin kaya wag ka dyan!"

Napatango tango nalang siya tapos kinain na ice cream niya, "Gray, pwede bang kwentuhan mo ako sa family mo, madalas ka kasi sakin ikwento ng pinsan mo eh. Curious tuloy ako sayo."

Napabuntong hininga nalang ako, "Syempre kahit wala akong tatay, proud parin ako iintoduce sayo yung pamilya ko, andito kasi yung nanay kong sinalo na lahat ng obligasyon ng tatay ko kaya hindi ko na siya hinanap pa, andito rin naman yung kapatid ko para maging kapartner sa lahat ng bagay, wala na akong makwentong malungkot sayo dahil kahit may problema kami, tinatawanan nalang namin." Positibo kong sabi sa kanya, eh totoo naman, si mama nga eh parang tropa ko lang din, pero nilalagay ko naman sa tama yun.

"Ah... buti ka pa..." sa pangalawang pagkakataon, nalukot na naman yung matamis niyang ngiti nung sinabi ko sa kanya yung tungkol sa pamilya ko.
"Bakit? Ano bang meron sa family mo? Ikwento mo nga sakin." Pangungulit ko naman dito at tinignan siya ng diretso dahil interesado ako. Ewan ko ba.
Napapout nalang siya at napatingin sa malayo,

"Kumpleto pamilya ko," hindi pa rin to tumitingin sakin ng diretso at nasa malayo pa rin ang tingin, nakaside view siya, "Kumpleto pero pakiramdam ko incomplete ako para sa kanila, kahit saang anggulo mo tignan, kapatid ko pa rin ang tama palagi sa paningin nila..."

"Hmmm... tuloy mo lang."

"Kapatid kong napakasama ng ugali, porket siya ba ang bunso saming magkapatid eh sa kanya na pabor mga magulang ko? Ni pansinin ako sa bahay hindi nila magawa eh, kahit siguro maguwi ako ng kung sino sinong babae araw araw dyan sa bahay hindi ako papansinin nila papa eh, baka nga pumabor pa sakin eh, pero bat ganun, puro yung kaptid ko nalang ang palaging tama sa mata nila? Bakit pagdating sa kanya grabe sila kung magalala.. pakiramdam ko isa lang akong ampon..." Onting onting nagkacrack boses niya, hindi ko pala namalayan na kanina pa tumutulo mga luha niya, nakakaawa naman siya, malalim din pala ang pinagdadaanan nito pero tinatago lang ng mga ngiti niyang napaka tamis.

Tama ngang in one smile, you can hide a billions of problem. Hays, hanga ako sa mga taong kagaya niya, na nakakayanan pa rin niyang ngumiti matapos lahat ng hinaharap niyang problema, hindi hadlang yun para hindi siya sumaya, mabuti pa siya, strong.

"Hmpfk! Ang sad naman pala ng buhay neto, hayaan mo, maaayos din yan, siguro mas kailangan lang ng atensyon nung kapatid mo, magaral ka nalang ng mabuti at kung magagawa mo yun, meron ka ng diplomang maihaharap sa mga magulang mo." Payo ko nalang sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Gray..." ani niya habang nakayakap pa rin ako sa kanya.

"Hmmmmm?"

"C-could you stay beside me? Sana wag mo akong iiwan no matter what happen." Drama nito.

I won't promise pero I'll do my best, ayaw kong mangako agad, "I don't think so, but I'll try my best to stay beside you. Don't you worry, hindi naman ako madaldal at mapagkakatiwalaan mo ako with your secrets. Ilabas mo lang yan." Seryoso kong tugon.

Pagkatapos nun ayun, nilabas na nga niya lahat ng sama ng loob sa pamilya niya, sa totoo lang naaawa ako sa kanya, kasi pakiramdam ko sa mga oras na to na kailangan niya ng atensyon at pagmamahal walang pumapansin, kaya siguro sa lahat ng oras nakangiti siya. Pero masaya ako dahil nakilala ko siya, gusto ko yung ugali ng isang to, hindi agad sumusuko hanggat di niya nakukuha ang isang bagay, he tell to me na ginagawa niya ang lahat para lang mapansin siya ng dad niya, lahat ng efforts ginagawa niya para lang mapatawa dad niyang stressed sa work.

"Anong oras na din pala, sige uuna na ako Bon ha?

Nice to meet you." Pagpapaalam ko dito at tumayo na at paalis na sana nang hawakan niya kamay ko.

"Ahm... Gray, thank you..." Diretso lang ang tingin niya sa mga mata ko at nakahawak pa rin kamay niya sa kamay ko.

Nakaramdam naman ako ng pagkailang at sakto naman na dumating si kuya at tinanggal ang magkahawak naming kamay.

"Ah... sige una na ako Bon, Merry Chirstmas ulit, sa uulitin." Pagpapaalam ko nalang sa kanya at hinila na si kuya paalis.

"Merry Chirstmas din Gray **********" hindi ko na narinig yung huli niyang sinabi dahil malayo na rin kami nung sinabi niya mga yun. Ewan ko ba kung kinikilig ako o natutuwa lang, basta ganun. Masaya ako at nakilala ko siya.

Kumatok na muna kami ng pintuan at pinagbuksan kami ni mama ng pintuan, at nagmano kay mama sabay diretso sa kwarto ko.

Napahiga kami ni kuya. Bat ganun parang nawala antok ko? Di na tuloy ako makatulog, "Kuya kawawa naman pala si Bon noh? Kinulang sa pagmamahal."
Hindi ko masyadong makita kung anong ginagawa niya ngayon dahil pareho kaming nakatingin sa kisame.

"Oo, kaya ginagawa ko yung best ko para lang mapasaya ko yung kumag na yun noh. Kelan man di ko hinayaang maging malungkot yun."
"Hmmmmm..."

"Ahh... isa na rin dun yung dalhin kita sa kanya ngayong pasko kasi alam ko na malungkot yon, kaya nga kami nagaway ni mama dahil sa kanya eh, pero worth it naman dahil napasaya ko siya."

Kumunot naman noo ko, "Anong kunek nung pagaaway niyo ng mama mo sa kanya?" Takang tanong ko dito.

Napatawa na lamang ito, "Kilala mo naman siguro yung mama kong yun, stirkto diba? Eh gusto ko kasi na pumunta sa bahay nila Bon pero di niya ko pinayagan, yun gumawa ko ng dahilan para palayasin niya ako, I tell her na I like boys, yun pinalayas niya ako."

Napatawa nalang tuloy ako, sa dinami dami ng idadahilan ayun pa diba? How clever he is naman.

Straight tong insan ko, di kaya to napatol sa mga gay or bisexual. Sadyang maparaan lang siya kung pano makuha ang isang bagay, bestfriend nga talaga sila ni Bon.

"Babawiin ko din naman kung uuwi na ako samin, matagal na din kasi kaming di nagbobonding nun eh, nakakamiss din kasi siya."

Ah kaya naman pala nakitulog samin? Bah galing neto ah.

"Eh ano namang kunek ko sa kaligayahan niya? Laruan ba ako?"

Napatawa nalang ito"Gago hindi ah! Hindi ka nun paglalaruan, alam ko naman na may taglay kang kapangyarihan kung pano mapasaya ang isang tao.

Alala mo nung mga bata pa tayo, kapag nagaaway kami ni papa ikaw palagi nagaaproach sakin, may magic word ka lang eh yun, masaya na ulit ako. Kaya naisipan kong dalhin ka sa kanya tutal eh lagi naman kitang nakwekwento sa kanya eh."

Bah kinekwento pala ako neto sa iba? Siguro sirang sira na ako dun kay Bon dahil sa kanya, puro kalokohan lang naman giagawa namin pag magkasama kami eh.

Onting katahimikan at binasag na niya ito.

"Insan kunwari lang.. kunwari lang na parehas kayong hindi straight. May pagasa ba siya sayo?" Nagulat naman ako sa tanong ni insan.

Itutoloy.....................................

Parami ng parami ng character na dadating guys kaya mas talo kayong mag abang nito may malaking akong pasabog sa kwentomg ito....

Bad Boy Inlove His Tutor (Completed) Where stories live. Discover now