𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚃𝙷𝚁𝙴𝙴

1K 46 0
                                    


𝐀𝐫𝐯𝐢𝐧 𝐏𝐨𝐯

Napamali yata ako sa pagsisinungaling ko ah? Gusto ko pa sanang umangal nung pagkakataong yun pero nakakahiya naman. Baka sabihin pa niya na nagiinarte pa ako. And sa situation naman talaga, eh ako ang magaadjust.

Pero come on! Did he just forget the word "team work"? Wala man lang siyang cooperation para samin. Kung siya kaya ang lumagay sa sitwasyon kong nagtratrabaho sa gabi? Baka sukuan na niya ang buhay niya.

Nginitian ko nalang si coach at nagpahinga ng onti habang nanonood sa mga ka team ko. Makikita mo sa kanila ang team work. Intresado talaga sila na makuha ang pagkapanalo.

Nasilayan ko naman si Josh, ang kasapi ni Mark sa gang nila. Nahihiya akong magtanong kung nasaan ba yung Mark na yun. Baka pagisipan niya pa akobng kung ano, papaturo lang naman ako sa way ng bahay ni Mark.

Pagkatapos na pagkatapos ng laro nila eh pinuntahan ko si Josh at tinanong siya.

"Ah pare alam mo ba bahay ni Mark?"

Ngumisi naman ito na nakakaloko. Sabi ko na nga ba. "Bakit? Rerape mo pre?"

Naikuyom ko naman ang kamao ko, bastos talaga ng mga to, seryosong kausap eh. Wala na talaga silang natitirang respeto.

"Partner ko siya, kailangan naming mapagusapan ang tungkol sa strategy namin."

Ang misteryoso naman kasi ng isang to, kanina lang ay nakangisi, ngayon naman para na akong matutunaw sa mga tingin niyang nakakasindak.

May kinuha siya sa bag niya at may sinulat pagkatapos ay pumunta siya sakin para ibigay ang bagay na yon at walang alinlang eh umalis na siya kasama ang iba pa naming team mate.

Si Dhan eh naghintay nalang sakin habang may katext sa cp niya.

Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala tong si Dhan. Hindi ko kasi akalain na dito pala nakatira ang isang to.

Sa yaman niya ay nakatira lang siya sa isang condominium? Siguro ay sa kanila ang condo na yon.

"Bakit meron kang address ng isang condominium?" Tanong sakin ni Dhan. Alam kong madumi ang pagiisip nito kaya may nakadikit na dung di maganda.

Sinamaan ko naman siya ng tingin at naglakad na kami papunta sa bahay nila.

"Bakit nga?" Pangungulit nito at hinaharang pa ang daan namin.

"Wala nga! Napulot ko lang yun!" Pilit ko mang hindi mag sinungaling eh hindi talaga ako marunong.

Ang kulit naman kasi ng isang to!  May mapapala ba siya kung sakaling malalaman niya?

"Okay! Condo to nila Mark."

Nagpatuloy siya sa pangungulit hanggang sa karinderya nila pero pinabayaan ko nalang. Pagod na pagod kasi ako ngayon, may trabaho pa mamayang hating gabi.

Nang makauwi na ako sa bahay eh diretso na agad ako sa kwarto ko para makapag pahinga na pero may nag pop up nalang na notification mula sa cp ko.

"Make your life a living hell."

Isang unknown number ang nag pop up sa notification ko. Pero hindi ko nalang inisip yun dahil baka wrong send lang yun. Hindi naman familiar ang number na yun.

*********

Nakatulog naman ako ng maayos, mabuti nalang at wala yung boss namin at onti lang  ang mga binuhat namin. Mabilis pa kaming natapos kaya nakatulog ako ng mahimbing.

Walang pagalinlang eh pumunta ako sa banyo at naligo, nagbihis at pagkatapos bumaba na para kumain.

Kaming dalawa lang ni bunso ang palaging nandito kapag umaga, si mama kasi ay madaling araw palang ay naglalako na ng paninda niyang bananacue.

Tahimik lang kaming kumakain nang dumating si Dhan. Inalok ko siyang kumain pero tumanggi siya, busog daw siya.

"Uy dude sama ako mamaya ah." Nagtaka naman ako sa tanong niyang yon.

"Saan?"
"Edi sa condo ni Mark! Papalamig lang naman ako!" Tapos pumunta pa siya sakin at minsahe masahe ako. Ano siya?!

Tinanggal ko ang mga kamay niya sa likod ko. "Hindi pwede!"

"Bakit naman?" Napatigil ako bigla. May iniisip na naman siguro tong kakaiba.

"Hoy wala ah! Hindi naman bakla yung Mark na yun. Saka practice lang naman ang pupuntahan ko dun.

Kung gusto mong magpalamig sa mall ka!"

Yung kapatid ko naman eh litong lito na sa pinaguusapan namin. Alam kong grade 7 na to pero napaka inosente niya.

Tinapos ko na agad ang pagkain at lumabas na kasama si Dhan.

"Teka nga, let me repeat and clear that. Bakit ka pupunta dun? Eh meron naman silang bahay? Sa dami ng lugar eh condo pa ang napili niyo?"

Hindi ko nalang siya pinapansin. Naku! Ang kulit naman kasi ng isang to eh. Lahat nalang papansinin niya? Lahat bibigyan ng sense? Tsk.

"Hindi ko din alam. Ito ang binigay na address ni Josh eh." Dahil hanggang mamaya ay kukulitin ako nyan.

"Threesome?!"

Tiningnan ko naman siya ng matalim. Kundi ko lang to bestfriend eh sinapak ko na agad to. "Gago!"

At yun dumiretso na kami sa room namin at nakinig nalang.

Nakakacurious. Bakit kaya hanggang ngayon ay hindi na pumapasok si Mark? Hindi ko lang maiwasang magtaka. Di kaya natuluyan na talaga yun? Malalaman ko din yan kapag pinuntahan ko ang binigay ni Josh na address.

******

"Okay so dahil lumipas na ang one day at wala pa rin akong improvement na nakikita sa inyo, then you need a alot of time to make it perfect by next 3 days. So hihiram ako ng isang unit sa inyo then ako na ang bahala magexcuse sa inyo basta may makita lang akong improvement. So leave."

Sabi ng coach namin at isa isa kaming lumabas ng court. Nakakapagod naman ang pinapagawa ni coach. Gusto niya talagang maging perfect ang moves namin.

Hindi naman ako masyadong nagbabad dahil kagaya nga ng sinabi ni coach eh useless kapag wala ang partner mo. I tried my best pero ganun pa din ang score ko, 3/12. I guess time ko na para puntahan ang address na binigay ni Josh sakin.

Dahil may 2 days off naman ako sa trabaho eh mas mabuting pumunta sa condo ni Mark.

Nagpaalam muna ako kay mama sa text at pumunta na sa condo ni Mark. Malapit lang naman daw yun dito kaya nilakad ko nalang.

*****

"Room 319." Nakangiting sabi nung condo organizer at dali dali kong pinuntahan ang naturang room.

Nung unang katok ko ay walang sumasagot, nung pangalawa ay wala din, ganun din sa pangatlo at nung pang apat eh napag isip ko na baka walang balak buksan ang pinto dahil sa tamad nga siya.

Bukas naman ang pintuan kaya nung binuksan ko eh sakto naman na binuksan din niya.

Sa lakas ng pagkabukas niya eh nahila niya ako dahilan para matumba kaming pareha at nataranta ako nung magkadikit ang aming mga labi.

Itutoloy.....................

Bad Boy Inlove His Tutor (Completed) Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum