𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝙾𝙽𝙴

2K 56 0
                                    

"𝐁𝐚𝐝 𝐁𝐨𝐲 𝐈𝐧 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐇𝐢𝐬  𝐓𝐮𝐭𝐨𝐫"
Written and Owned by: Jack
No copyright | ARR 2015
(Revised January 2023)

WARNING: NO SOFT COPIES | NO COPYRIGHT
Plagiarism is a crime.

Ang mga pangalan ng karakter, lugar, pangyayari at iba pang bagay na nakapaloob, sa kwentong ito ay kathang isip lamang. Anumang pagkakaugnay sa ibang mga istorya ay hindi sinasadya o nagkataon lamang.
——

"𝐀𝐫𝐯𝐢𝐧 𝐏𝐨𝐯"

Naglalakad ako ngayon kasama ang bestfriend ko patungo sa university. Si Dhan. 7 years na kami nitong magkakilala simula high school pa lamang kami hanggang nasa college na nga kami. Hindi kami nagkakahiwalay kahit anong oras, faithful kasi ang isang to at yun ang nagustuhan ko sa kanya. Lahat na yata siguro ng mga nangyayari samin ay binibigyan niya ng bad at good comments.

"Dude bakit nung sinundo kita ang asim ng mukha mo? Siguro sineen zone ka na naman ni Mich noh?" Sabi nito na may tonong pang-aasar.

Pasalamat siya at biniyayaan siya ng napaka-gwapong mukha at sino mang babae ay mahuhulog sa isang to.

"Sira ulo ka talaga. Wala na kami nun noh, matagal ko na siyang inunfriend, block ko pa nga eh."

Depensa ko naman at iniiwasan ang mga tingin niya para suriin ako kung totoo nga ang sinasabi ko.

"Okay, fine. Pero totoo, bakit nga ang asim ng mukha mo kanina?" Tanong na naman ulit nito.

"Wala. Badtrip lang ako nun kasi yung boss namin kahapon, hindi ako pinayagan na mag-leave ng 2 days para sa laban ng team natin sa basketball next week. Pero gagawa naman ako ng paraan, hindi ako papayag na hindi ako makapunta sa finals."

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad at pumasok na rin sa room namin.

Nga pala nakalimutan kong magpakilala sa inyo. Ako nga pala si Arvin Salvador, 23 years old. Gray ang tawag sakin ng nakararami, ewan ko sa mga yun. Sorry I'm not good at describing my self kasi, masyado akong private about sa privacy ko. And about dun sa basketball team na tinutukoy ko, yes you heard it right. Kasali ako sa basketball team ng university namin at lumalaban kami sa ibat ibang university. Katunayan ay laging ako ang MVP sa twing matatapos ang laro namin. Final game na kasi namin next week kaya todo ang practice namin, do or die kaya naman wala kaming free time na sinasayang.

Kapag hindi naman ako nakaka-attend ay nagprapractice akong mag-isa.

"Good morning class." Bati samin ni ms Alvares.
Naglabas na rin ako ng libro sa Calculus at nakinig na rin.

Aliw na aliw ako sa pakikinig nang may pumasok sa pintuan. Walang katok, walang bati, walang polite silang pumasok at umupo sa kani-kanilang mga upuan.

Sanay naman na kami sa ugali niyang yon, ano pa bang aasahan mo sa isang Bad boy diba? At isa pa, anak siya ng dean dito kaya what do you expect?

Hindi naman na magbabago ang ugok na yan.
Nakinig nalang ako sa harapan at hindi inintindi ang nangyayari sa kapaligiran.

***

"Class dismiss!" Ang pinakahihintay ng lahat na sabihin ng prof namin.

Nagsilabasan na kami. Kasama ko si Miggy sa paglalakad tungong cafeteria at pumila na kami.
Nang maka order na ay nagahanap kami ng mauupuan at kumain na ng sabay.

"Dude alam mo, sobra na yung Mark  na yun eh, onti nalang talaga at masasapak ko na yun."

Napa-ngiti nalang ako na may kahulugan, "As if naman na magawa mo?"

Bukod kasi sa isa siyang Badboy, eh marami pa siyang back-up. And may authority siya sa lahat ng bagay. He's really a damn God!

"BTW may practice daw tayo mamaya sabi ni coach. After class kaya gagabihin na naman tayo ng uwi niyan, bukod sa may practice eh may meeting pa daw tungkol sa plano." Mahigpit din kasi ang kalaban naming university.

Tumango nalang ako at tinext si mama na gagabihin ako ng uwi at wag na akong hainan dahil sa karinderya nalang ako nila Dhan kakain. Treat niya eh kapag gabi na kami umuuwi.

Pagkatapos kumain ay nag-cubicle muna kami ni Dhan sandali.

"Dude hintayin mo nalang ako dito ah." Sabi niya at tumango nalang ako bilang sagot.

Umihi na ako at nag-ayos ng kaunti at hinintay si Dhan sa labas. May UTI kasi yang si Jason kaya hirap maka-ihi.

Nang makalabas na siya ay dumiretso na kami sa susunod na unit.

***

Habang ang mga kaklase ko ay may malaking ngiti sa kanilang mga labi dahil sa mga idea na naisip nila eh ako ay blanko lang.

Nagdadalawang-isip kasi ako eh. Oo, madali lang naman ang pumasok sa Glue Club pero wala naman akong hilig sa music though may boses naman ako, it's just music is not my passion.

"Dude sasali ako, dagdag grades daw to. Makakatulong to sa scholarship natin!" Masayang sabi ni Dhan.

"Ahhh... Subukan ko." Habang binubuklat buklat ko nalang ang libro ko.

Marami din kasi ditong magagandang boses pero pagiisipan ko muna. May advantages din naman kasi kaya sayang.

***

Uwian na namin pero dumiretso muna kami sa locker room para magpalit ng damit namin.

Habang nagtatali kami ng sapatos ay di namin maiwasan ang mapag-usapan ang tungkol sa basketball para di mabagot.

"Sa tingin mo dude, ano kaya ang pinaplano ni coach?" Tanong niya sakin. Maski ako ay di ko alam.

"I have no idea pero baka magbago ang strategy natin. Baka may ipapagawa pa siya para mas maging magaling pa tayo." Sabi ko at uminom ng tubig.

"May point ka, baka nga mabago ang strategy natin dahil alam na ng kalaban kung ano ang mga moves natin."

Siguro nga ay nirereview na nila ngayon kung pano kami gumalaw. Madumi pa naman maglaro ang kalaban namin kaya minsan nagkakaron ng away. Kung wala lang ako sa game 5 ay hindi na kami makaka-abot sa game 6.

Mabuti nalang at nakapwesto ako palagi sa may 3 points kaya nalamangan namin sila sa last 10 sec.

Pumunta na nga kami sa court at kami nalang ang hinihintay. Nagwawarm up na yung iba nung salubungin kami ni coach.

"Nagsimula na kami, tagal niyo eh." May pinabunot naman si coach na maliit na papel sa maliit na box at nung buksan ko ay may nakasulat don na 2.

"Para san to coach?" Tanong ko sa kanya.

"Kung what number ang nakuha mo, hahanapin mo yung kaparehas nyan then he will be your partner para sa ipapagawa kong task niyo. Ano ba ang nakuha mo?"

Ipinakita ko naman ang numerong 2 sa kanya, nakita ko si Dhan na 7 ang nabunot niya. So meron pang isang hindi nakakabunot?

Sa di inaasahan ay may dumating. Oh, nakalimutan ko na nga palang kasali siya dito.

Pagkatingin ko kay coach, "He will be your partner..."

Itutuloy...........

𝘗𝘚: 𝘚𝘰𝘳𝘳𝘺, 𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘢𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘢𝘭𝘢𝘮 𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘴𝘬𝘦𝘵𝘣𝘢𝘭𝘭 𝘨𝘶𝘺𝘴 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘮𝘢𝘯 𝘨𝘪𝘯𝘢𝘨𝘢𝘸𝘢 𝘬𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘸𝘦𝘯𝘵𝘰 𝘯𝘢 𝘵𝘰 𝘯𝘢𝘨𝘱𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘨 𝘢𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘵𝘪𝘥 𝘬𝘰 𝘩𝘦𝘩𝘦𝘩 𝘺𝘢𝘯 𝘣𝘪𝘯𝘪𝘨𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘨 𝘪𝘥𝘦𝘢...  𝘕𝘢𝘨 𝘚𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘵 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘵𝘪𝘥 𝘬𝘰...  𝘏𝘦𝘩𝘦𝘩

𝘌𝘯𝘫𝘰𝘺 𝘳𝘦𝘢𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘨𝘶𝘺𝘴 😊😊😊😊

Bad Boy Inlove His Tutor (Completed) Where stories live. Discover now