𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚂𝙴𝚅𝙴𝙽

722 32 0
                                    


𝐌𝐚𝐫𝐤 𝐋𝐞𝐬𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐞𝐳 𝐏𝐎𝐯

Hindi ko alam kung bakit ko ba to nararamdaman. He's nothing special pero nung nangyari ang bagay na yun ay para akong tinusok ng sandaang karayom. Nakaramdam ako ng kirot sa puso nang makita ko ang pagdaing niya sa kanyang ulo at kanang binti
Napatingin ako ng masama dun sa dalawa at mabilisan silang pinuntahan at tinulak ng malakas yung dalawa na natumba naman sila agad.

Susuntukin ko sana yung dalawa nung pigilan ako ni Ben at ni Jonas tapos yung dalawa din na nagtangka pa akong gantihan eh inawat din ng kagrupo niya.

Kulang pa ang ginawa ko sa kanila, hindi ko mapapalampas ang ginawa nila. Mamaya sila sakin.

Kumalma na muna ako at tinanggal sa isip ang nangyari. Onting time out lang habang pinaguusapan ng mga comittee ang nangyari.

Napagusapan nila na Technical foul ang ginawa ng kalaban kaya ako nalang ang nagfree throw kay Gray.

Habang nagdridribble ako eh iniisip ko ang mukha niya kanina, namumutla at nakapikit ang mata.
Hindi ko siya lubusang kilala na pangalan niya lang ang alam ko at hindi ang pagkatao niya pero bakit ganun ang naramdaman ko kanina? Yung awa ko na para bang pakiramdam ko ay napaka buti niyang nilalang. Tama lang na maawa ako dahil kateam ko yon, im just curious bakit sa iba naman eh hindi ako ganun? I'm confused.

Nashoot ko sa una at sa pangalawa, sa pangatlo ay hindi kaya nag score nalang ay 69 kami at sila 65.
Nasa kanila na ang bola at naishoot yun ng kalaban sa 3 point lane. Hiyawan ang lahat.

Nasa amin ang bola at pinasa ni Tom (Ang pumalit kay Ben) kay Jonas tapos sakin. Nagposition ako sa 3 point lane at kung malas talaga eh hindi pa yun na shoot at ngayon nasa kalaban na ang bola na naishoot nila sa 2 points. Lamang sila ng isa at time out na.
Nagpuntahan kami kay coach na byernes santo ang mga mukha. Gaganahan pa ba kami sa laro na to kung wala ang isa pa naming ka team dahil sa ginawa nila? Mabuti sana kung natanggal nalang siya eh ang malala ay  may nangyari pang hindi maganda sa kanya. Napatingin ako sa dalawang sumagi kay Gray at nakita ko silang nagngingitian.

Naginit ang dugo ko sa tawa nilang yon, hmp, mamaya lang talaga kayo sakin, hindi ko mapapalampas ang ginawa niyo.

Sa halip na makinig kay coach eh wala akong ibang maisip kundi ang kalagayan ni Gray, kamusta na kaya ang lagay niya? Alam kong tulog pa rin siya hanggang ngayon pero nabawasan na kaya ang sakit niya?

Hindi ko ba alam kung bakit ko iniisip ng sobrang lalim ang nangyari kay Arvin. Naguguluhan na talaga ako sa sarili ko.

Tapos na ang time out at back to game na naman kami.

Nasa amin ang bola at pinasa sakin yun ni Jonas at pumwesto ako sa 3 point lane pero wala talaga, hindi na pumasok pero nakuha agad yun ni Tom at nashoot niya naman yun sa 2 na may kasama pang foul. Isa lang ang nakuha niya kaya 72 kami at ang kalaban ay 71.
Mabilis ang binabantayan ko kaya hindi ko siya nahabol na nashoot naman niya agad sa 2 points. Umiling iling nalang ako.

Napatingin ako sa taas kung nasaan ang score namin habang tumatakbo. 72 kami at 73 sila.

Panigurado ay papagalitan na naman ako neto ni tito. Nawawala na ako sa focus but it doesnt mean na susuko nalang ako ng bigla na makikipag palit sa iba. Dapat nga eh mas ipakita ko pa sa kanila na hindi kami talunan sa ginawa nila kay Gray.

Napaisip naman ako sa salitang revenge. Napangiti ako ng may kahulugan at tinakbo bigla ang nakabantay sakin at walang ano ano eh pinatid ko ang paa niya at kunware nadulas din ako don.

Narinig ko ang pagsemplang niya at pumito ang referee na foul daw kami.

Hindi naman ako kumuha ng anong reaction sa halip ay tumingin nalang ako sa kawalan. Sinadya ko naman yun eh.

May naramdaman akong mabigat sa aking balikat at nakita ko si Jonas na emotionless ang mukha na nakatingin sakin, alam ko na ang nasa isip nito, obvious naman kase na gusto ko lang gumanti sa mga to eh.

Nashoot yon ng dalawa kaya 72-75 na.
Nasa amin ang bola at nasa akin yun, hindi ko yun pinapasa at tinakbo ko ng mabilisan ang 3 point area at pasok naman yun kaya tie na kami ngayon.
Mainit init na ang laban namin.

Itutoloy...............

Ps: Arvin or Gray are same person lang yan.anyway ang init nang laban nila, sino kaya ang manalo sa kanila guys... Ano kaya ang nararamdam ni mark? bakit kaya niya nararamdam nyon? at bakit gusto ni mark na maka ganti sa kalaban? Dahil ba Gray o sa  team nila.... Abangan natin yan guys....

Bad Boy Inlove His Tutor (Completed) Where stories live. Discover now