𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚃𝙷𝙸𝚁𝚃𝚈 𝚃𝚆𝙾

380 17 0
                                    


𝐌𝐀𝐫𝐤 𝐏𝐎𝐯

Nagpatuloy ang aming pagtuturo sa loob ng isang Linggo na. Halos samin na nga siya matulog araw araw eh, minsan gumigising nalang kami ng madaling araw para bumisita sa mama niya na nasa ayos na ang kalagayan ngayon.

Masaya. Sobrang saya ko kapag kasama ko siya, ewan ko ba, anlakas ng dating niya sakin. Napapagaan niya palagi pakiramdam ko kahit lagi niya ako tinataboy minsan.

At ngayon ay nandito na nga kami sa kwarto ko, kadarating palang namin galing school.

"Oh, improving daw ang grades mo ah, balita ko yan sa dad mo." Masayang bungad nito sakin.

"Ah.. oo nga eh.. dahil sayo yun hehe."
Napaupo ito sa kama ko at napangiti, "It's about us."

Napatingin ako dito ng kunot noo.

"Ah.. syempre nakikinig ka naman sakin eh, saka walang kaduda duda, magaling ka kaya, sadyang mas masaya ka lang kasama yang gang mo."

Napangiti nalang ako ng mapait. "Tara na, start na tayo."

1 ko na muna ang uniform ko at natira nalang dun ang sando at boxer ko at nagstart na nga kami.

Nasa gitna na nga kami ng pagtuturo nang may biglang kumatok sa pintuan. "Master, may humahanap sa inyo sa baba."

Bigla kaming nagkatinginan at napatango nalang ito,nagbihis nalang ako at bumaba para tignan kung sino ito.

"Who is it---" Bigla nalang akong napako sa kung sino ang taong ito.

Hindi ko alam pero parang kumulo ang dugo ko sa nakita ko, bumalik sa akin ang lahat ng mapapait na alaala. Why she's in here?

"Ah.. hi babe." Nakangiti nitong bungad sakin.

"Anak, she's back. Bakasyon na nila from the States." Dugtong ni mama sa likod.

"Hey pups, makakasama mo na ulit ang mahal mo." Si daddy na nakangiti rin.

Imbes na matuwa eh lalo akong nagalit sa mga sinabi nila. What the fuck are they doing? What's this shit?

Ano na namang kagaguhan to?!

Napakagat nalang ako sa labi ko at hinampas ang grills ng hagdan sabay akyat sa kwarto.

Agad ko iyong nilock at dinabog yung study table at hinagis yung malapit na unan sa tabi ko.

"Fuck them!" Napasabunot ako sa buhok ko at napatingala ng tingin.

Ano ba tong mga dumarating sa buhay ko?! Bakit puro nalang kagaguhan?! Nakakaputangina sila!

"Hey, calm down dude." Tinap nito ang likod ko at napatakip nalang ako ng mga mata ko gamit kamay ko.

"Ano bang problema?" Tanong pa nito.

Hindi ko yun kayang sagutin kaya naman napatayo ako at napabagsak nalang sa kama. Nagtalukbong ako ng kumot at napadapa ng higa.

Ano bang gusto nilang mangyari? Ganun na ba sila kadali makalimot? Na ang babaeng iniwan nalang ako ng walang paalam o last words man lang eh ihaharap pa sakin? Hindi ba nila alam kung gaano ako nasaktan sa nangyari? Na halos dalawang taon akong naghintay para sa kanya!

Maya maya pa ay may naramdaman akong yumakap mula sa aking likuran, nagulat naman ako sa ginawa niyang yon.

"Maaayos din yan." Malambing nitong sabi. Ano kayang nakain neto?

"So... may gf ka pa pala..." ewan pero ramdam ko ang lungkot sa kanyang boses.

Imbes na sumagot eh hinayaan ko nalang muna siyang magsalita.

"Pwede mo ba akong kwentuhan about your girlfriend?"

Napaupo naman ako at hinrap siya para magkwento.

"Well she's Jasmine, ang spoiled brat kong gf, 8 years ago nung iwan niya ako at nagover seas siya papuntang Japan for some unknown reasons. Nalaman ko nalang na umalis siya sa kapit bahay pa nila, then umasa ako na babalikan niya ako sa sandaling panahon, pero di pala. Dun na pumasok si Shyn sa buhay ko, she fill my love 100% then I'm afraid of losing her, kaya lang..." Napapaluha na pala ako sa mga nakwekwento ko. I badly miss her!

"Shhhh..." sabay tap sa likod ko.

I don't know, kailangan ko lang siguro ng masasandalan sa mga oras na to, at paglabasan ng mga problema, ang hirap kasi eh kapag magisa mong hinaharap.

"Tumayo ka na nga dyan! Ikaw ang drama drama mo! Maikli lang ang buhay, hindi na natin kailangan pang gumawa ng dahilan para lumukot ang mukha natin noh." Pagpapatahan nito sakin na agad ko namang ginawa pero sad parin talaga ako.

"Ano bang gusto mo na gawin natin?"

Napangisi naman ako sa tanong niyang ito, "h-hoy! Umayos ka ha!" Sabay hampas pa nito sa braso ko.

Ayun nagkatawanan na nga kami habang sa napagdesisyunan namin na magmovie marathon nalang.

Aliw na aliw ako sa panonood, kalabit pa ako ng kalabit sa kanya pero nakatulog na pala. Nainis tuloy ako, so nagsayang lang pala ako ng laway? Tsk.

Pinatay ko na ang palabas at pinagmasdan nalang siya.

Hindi talaga ako magsasawang hangaan ang napakagawapo niyang mukha, tignan ito at patuloy pagnasahan ang kanyang mapupulang labi.

May naisip naman ako, kinuha ko ang phone ko sa tabi ko at nakipagselfie sa kanya kahit tulog.

Kunware tulog din ako at click! Tapos kunware ikikiss ko siya habang tulog at click!

Tinignan ko naman ang mga shots na nakuha ko at kinilig naman ako dahil dun, aba! Muntanga lang, ano ba tong ginagawa ko? Eh basta! Bahala na!

Itutoloy........,........................

On Monday... Late update

Bad Boy Inlove His Tutor (Completed) On viuen les histories. Descobreix ara