𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚃𝚆𝙴𝙽𝚃𝚈

508 29 0
                                    

𝐆𝐑𝐚𝐲 𝐏𝐎𝐯

Lumipas ang apat na buwan na napakaraming nangyari. Simula nung araw na nakulong kami sa isang bakanteng kwarto palagay ko yun na ang huli naming paguusap at pagkikita ni Mark.

Nung makatakas kami sa kamay ni Ramez naputol na din ang koneksyon namin ni Mark. Tulad nalang ng dati, hindi na ulit kami magkakilala sa loob ng campus. Naging katulad na ng dati siya ngayon or even worse pa nga yata dahil araw araw may bagong babae siyang inuuwi sa bahay nila which I see dahil nadadaanan ko naman bahay nila at napapadalas ang pagbabasag-ulo niya sa labas at loob ng campus pero hindi ko nalang iniintindi, kahit ano pang gawin niya wala na ako dun.

At palagi nalang niya ako pinagbubunutan ng galit niya this week lang, palagi niya akong trip. Minsan ginagawa niya yun kapag nagsasalubong kami sa cubicle, minsan kinocorner niya ako tapos sasabihan ng kung ano ano, niyaya niya akong sumama sa game ng mga babae niya ngunit hindi ko nalang pinapansin.

Pag nasa quadrangle naman, palagi niya akong bully, palagi niya akong pinapahiya pero ayos lang, wala naman ako sa lugar na pwede kong ipagtanggol ang sarili ko eh, besides ayaw kong makagawa ng kasalanan at scholar lang ako dito at ayaw kong bigyan ng problema  si mama ko.

Nasabi ko na rin ba na one time sinuntok ako ni Mark dahil sa inis? Lumapit kasi sakin yung babae niya tapos kinausap lang ako, tapos nagulat nalang ako ng suntukin niya ako, malutong ang suntok niya kaya inabot ng ilang linggo bago mawala yung pasa ko sa mukha.

Nagsasawa na rin ako sa kanya habang tumatagal tinitiis ko nalang dahil magulang naman din niya nagpapaaral sakin dito sa school nato.

Ngayon ay malapit na ang pasko kahit isang buwan pa. Naaalala ko kasi tuwing pasko pumupunta kami sa puntod ng lola ko at dun na din kami nagcecelebrate.

Pangako daw kasi ni mama yun kay lola at sobrang saya ko kapag nandun kami dahil kasama ko din dun mga pinsan ko, naglalaro kami ng basketball. Tuwing birthday din pakiramdam ko punong puno ako ng pagmamahal kahit hindi pa ako nagkakanobya. Ewan ko ba, sabi naman ng marami gwapo naman daw ako, yun lang hindi lapitin ng chicks dahil mahiyain nga ako at walang hilig sa fashion at styles kaya sa family ko nalang ako humuhugot ng inspiration.

(Author noted: sorry guys late update ko wala palang Christmas na sulat kona to  na busy kasi ako kaya nilimotan ko mag post jehe sorry guys).

Bukas na ang bakasyon namin kaya naman ngayon ay birthday party na namim.

Nanghingi pa nga ako ng tulong sa kuya ko dahil wala nga akong hilig sa fashion, siya ang nagayos sakin at namili ng mga damit. Hindi ko kasi maappreciate kung maganda ba o hindi ang isang bagay unless gusto ko lang talaga na perfect?

"Oh yan gwapo kana insan." Bungad sakin ni kuya at abot sakin ng salamin.

Nanatili akong tahimik habang pinagmamasdan ang mukha ko.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya sakin.
Napangiti nalang ako,

"Nakakailang naman pala ang make up sa mukha. Ang kati, pwede bang tanggalin nalang?"

Angal ko at kukuha na sana ng tissue nang pigilan ako ni kuya.

"Wag. Hindi pwede, ito na nga ang last na party mo dito tapos di ka pa magaayos ng husto? Saka sayang naman yung pagod ko insan sa pagbili ng damit mo, pasalamat ka sakin at mahilig ako sa fashion."

"Eh hindi naman ikaw nag make up sakin eh."

"Bakit marunong ba ang mga lalake na mag make up? Malamang mga babae gumagawa nun kaya si ate Jane nag make up sayo."

Natatawa pa nitong sabi.

Oo nga naman, mabuti at marunong sa ganito si kuya kundi ay magmumukha na naman akong ewan sa party nyan.

Bad Boy Inlove His Tutor (Completed) Место, где живут истории. Откройте их для себя