Chapter 5

1.2K 30 2
                                    


Limang araw na kamimg namamalagi dito sa dagat. Right now naka stop kami ngayon malapit sa may Palau island. Kahit medyo malayo kami sa palau tanaw namin ang ganda duon. Hindi lang ang tunog ng alon ang nakaka relax kundi ang matatanaw mong green na isla.



Ang sabi ni Sera sa guam daw talaga ang route namin. Eh si Melissa gustong makarating ng palau island kaya andito kami ngayon and beside madadaanan din naman ang palau papuntang guam. At baka bumaba din kami yate bukas.




Nasa may main deck balcony kami ng yate, nagkayayaan kasi silang mag inom, except Melissa kasi buntis ito. Ako naman paunti unti lang ang inom dahil hindi naman ako sanay. Nakakahiya pag nakataon na magkalat pa ako. Tumanggi pa nga ako ng una na sila nalang tapos sa kwarto nalang ako. Pero knowing Sera hindi yun papayag.





Pa curve ang style ng sofa na inuupuan namin. Nasa left corner ako ng sofa then beside me is Melissa then fiance nito tapos ay Celestine and Sir Ross at sa dulo naman ay si Sir Edzikiel. Then may dalwang single sofa na nakaharap sa sofang inuupuan namin. Sa side ni Sir Edzikiel naka upo si Enzo na iniiwasan kong mapatingin sa pwesto nito. Then sa tabi nitong isa pang upuan na malapit din sakin ay si Sera at ang boyfriend nito na mag kasalo sa upuan.




"So Nessa, tell us something about youself."




Agad akong napatingin kay Sera ng ibaling nito sakin ang topic. Marahan kong naibaba ang hawak kong baso sa mag kadikit kong binti. Ramdam ko ang mga matang nag hihintay sa sasabihin ko.




"Ha? Ano-- wala naman masyadong ganap sa buhay ko. Buhay secretary lang." Hindi ko alam ang sasabihin ko, nakakahiya. Sa aming lahat parang ako lang ang mayrong simpleng buhay.





"We? Sabi daw ni Nick kay na Ross natulong ka din daw sa orphanage then nag chacharity ka pa minsan."




Agad akong napasulyap kay Sir Ross dahil sa sinabi ni Sera. Nginitian lang naman ako nito. Gosh bakit naman nakwento pa yun ni Sir Nick. Ang daldal talaga ng isang yun.




"Madalang lang naman. Every pay day nag bibigay ako sa mga orphanage then pag may excess pang matitira sa salary ko ibinibigay ko sa charity yung iba." Nahihiya kong sabi.





"Wow anong madalang?" Manghang saad ni Sera. "Madalas kaya yun twelve times a year eh. And girl ang bait mo naman yung pinag tatrabahuhan mo sa orphan and charity lang ang punta. Nag sasave ka ba for yourself?"





"Okay lang naman, I am happy naman to help those children who needs help beside wala rin naman akong pag gagamitan ng pera." Paliwanag ko.




"Ay oo nga pala wala ka na palang family no. So sarili mo lang talaga ang binubuhay mo..... Only child ka lang ba? How about relatives wala kang kilala? Saka yung mga-----



Namula bigla ang mukha nito at natigil sa pagsasalita ng mapagtanto ang kanyang sinasabi, pansin ko rin ang pag hawak dito ng kanyang kasintahan para patigilin sa pag tatanong.





"Ghad! Sorry Nessa, my bad." Hinging paumanhin ni Sera.



"Okay lang Sera." I smiled sincerely, then sinagot ko na rin yung mga tanong nya. Okay lang naman sakin, hindi naman ako nasaktan or nalungkot sa tinanong nya. Siguro dahil sanay ako.




"Only child lang ako, tapos yung nanay ko naman wala na. Tapos yung tatay ko bata palang ako iniwan na kami ni nanay. Wala rin akong kilalang kamag anak kasi hindi naman talaga kami taga Ilagan."





Seafarer Escapade 5: Renzo Luiz FuentesWhere stories live. Discover now