Chapter 33

937 25 0
                                    




"Yehey! Really mama pupunta tayo beach?" Masayang tanong sakin ni Esha habang tumatalon pa.







"Ofcourse, promise naman sayo ni mama diba." I smiled widely then I carry her in my arms and planted a kisses on her cheek. "But not here in Divilacan, okay? where going to beach in Maconacon."




"Is it far mama?" She curiously asked.



"Not really baby, just next city here in Divilacan." I said, then my phone rang.






"Mama will just answer the phone ha." I said then I kissed again her cheek saka sya binaba sa upuan pag katapos ay sinagot ang tawag ni Jasmine.




"Yes Jasmine?" I asked.





I just hope that is not a bad news.










"Ma'am may bad news po ako." Sabi nito sa kabilang linya. Napakunot ako ng noo.




Kakasabi ko lang na wag bad news tapos iyon ang bungad nya sakin.





"Jasmine, it's saturday." Walang gana kong sabi. "Ano ba yang bad news na yan?"




"Eh Ma'am si Sir Fuentes po kasi bigla nalang pumasok ngayon tapos nag tanggal ng mga staff."




Ramdam ko sa boses nya ang pag iingat para walang makarinig sa kanya.




"What? Bakit daw?" Gulat kong sabi sa binalita nya.



Napatingin ako kay Esha, napatingin kasi sya sakin dahil sa pag sigaw ko.





I smiled to her, telling her that it's nothing. Lumayo ako ng konti kay Esha.




"Ilan ang tinggal nya?" Tanong ko sa mahina.





"Anim po Maam, apat na bagger tapos dalwang cashier po."





"Andyan pa ba yung mga tinanggal nya?" I asked then umakyat ako sa taas para kunin ang bag ko.





"Opo Maam, naiyak nga po si Janice kasi hindi po nya alam kung bakit sya tinanggal ni Sir Fuentes. Wala namam daw po syang ginagawang mali."



Ano naman kayang rason ni Enzo at bakit sya nagtatanggal agad ng mga tao. Wala pa syang isang lingo sa supermarket.

"Tell them to wait. Pupunta ako." Sabi ko tapos binaba ko na yung tawag.




Dinala ko muna si Esha kay Inay Mena tapos madali akong nag drive papunta sa may supermarket.





Simula noong gabing nag away kami sa may kalsada ay hindi na sya pumasok sa supermarket. Siyam na araw syang hindi nag paramdam tapos kung kelan naman sabado saka sya papasok tapos may dala pa syang magiging problema ko.

Pagkarating ko sa parking ng supermarket ay dali dali akong pumasok sa may loob.




"Nasan si En---I mean si Mr. Fuentes?" Bungad ko sa may guard.






"Good morning maam, nasa office po si Sir."






Tumango ako at pumasok na sa loob. Sinalubong ko si Jasmine.





"Nasan sila?" Tukoy ko sa mga tinanggal.




"Nasa staffroom maam." Sabi nya.






Seafarer Escapade 5: Renzo Luiz FuentesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon