Chapter 28

804 20 0
                                    


"I'm sorry for your loss. Hindi ko alam." Iling nya. "Hindi namin alam."




Pinaliwanag ko sa kanya lahat, simula umpisa. Noong una ay hindi sya naniwala. Pero noong sinabi kong patay na si Nica ay duon na sya naniwala.





"I can't believed that tita Aida can do that."





I understand if he still couldn't believe it. Mahirap nga namang paniwalaan.





"Hindi ko makakalimutan ang ginawa nila sa pamilya ko. Pero sa ngayon Nick, wala na akong panahon para magalit pa sa kanila. May anak na ako, gusto kong sa kanya lang umikot ang mundo ko."





Tumango sya sakin.





"Enzo.... he thought that Nica accepted the money."




Alam kong sa kabila lahat ng nasabi ko, concern parin sya kay Enzo. Hindi yun mawawala lalo na at pinsan nya ito.




"Tapos na yun Nick, ayaw ni Nica na malaman ni Enzo ang lahat."





"But still..." he stopped then starred at me like he's balancing the situation between me and Enzo.





"So you have no plan to tell him?" He asked.




"Wala sa ngayon, pero kapag malaki na si Esha sasabihin ko sa kanya."






"How many years?" He asked.





I bit my lips, hindi parin sya pabor na itago ko kay Enzo ang anak namin.





"Maybe kapag 9 or 10 na si Esha, yung kaya na nyang mamili at tumanggi kapag nagbalak sina Enzo na kunin sya."





Napahilot sya sa kanyang sintido, parang sya lahat ang magdadala ng nalaman nya.






"Nine or Ten." He whispered like he's thinking something.



I want an assurance na hindi nya sasabihin lahat kay Enzo ang nalaman nya.





"Nick." I called him.




He looked at me. Expressionless.





"Please don't tell him." Paiyak na uli ako. "Hindi ko kaya." Nanghihina kong sambit.






He heaved a sigh then he shook his head. "I don't know."




Naglaglagan na uli ang mga luha sa mata ko. Mas mahalaga sa kanya ang pinsan nya, naiintindihan ko yun. Pero paano ako.





"Ang anak ko nalang ang meron ako, lahat ng mahal ko sa buhay, wala na....kapag may kumuha sa anak ko....mas gugustuhin ko ko pa na mamatay na lang... Mag papakamatay ako Nick."






Umigting ang panga nya. Madilim ang mukha--- hindi nagustuhan ang sinabi ko.






"Are you threatening me?" He firmly asked.






Umiling ako, I show him na seryoso ako sa sinabi ko.




"Tangina!" He cursed. "Fine! I won't tell him, but make sure na sasabihin mo sa kanya ang totoo in five years."





Pinunasan ko ang luha sa magkabila kong pisngi at ngumiti ng malapad sa kanya.




"Thank you Nick!" Naiiyak kong sabi tapos lumapit ako sa kanya at niyakap sya.





Seafarer Escapade 5: Renzo Luiz FuentesWhere stories live. Discover now