Chapter 40

974 27 0
                                    




Napapabuntong hininga nalang ako kapag mapapasulyap kay Enzo na nanood ng movie kasama si Esha sa may sala.





Isang lingo narin ang lumipas simula noong gabing tinanggihan ko sya. Hindi na rin nya ako kinakausap ng matagal. Kung may sasabihin man sya, ay yun ay tungkol lang sa anak namin. Sa isang lingo na namin dito sa bicobian, hindi na sya nag sabi sakin kung pwede ba syang makitulog dito sa bahay. Kapag tulog na si Esha, aalis nalang sya tapos babalik sa umaga kapag ihahatid si Esha sa school, may minsan din na saka lang sya pupunta kapag nakalabas na si Esha sa school.




Napipilitan nga lang sya.




Siguro ay tama lang ang pag tanggi ko sa kanya. Ayaw ko syang ikulong sa isang relasyon dahil lang may anak kami. At saka may sari sarili kaming buhay, lalo na sya. At saka hindi ko alam kung kaya ko ba talagang pumasok sa isang relasyon sa kanya. Madami akong nalalaman na hindi ko pa kayang sabihin sa kanya.




Nabaling ang atensyon ko sa may pinto ng mag bukas iyon. Biglang nag init ang ulo ko ng makita kung sino iyon.



"Uncle Nick!" Supresang tawag dito ni Esha at tumakbo sya palapit at nag pakarga.




Masaya syang binuhat ni Nick.



"Hey, how are you Esha? I heard that you went El Nido, hmm."





"Yes, I'm with papa and mama. I love it there, I think it's my favorite place now." Kwento ni Esha.





Ngumiti si Nick, pagkatapos ay sumulyap kay Enzo na masama ang tingin dahil sa bigla nyang pagsulpot.  Ngimisi sya sa pinsan bago ako binalingan ng tingin.




Masamang tingin ang binigay ko sa kanya. Nababad trip ako sakanya. Hinding hindi ko malilimutan yung pinangunahan nya akong sabihin sa anak ko kung sino bang papa nito.



Nawala ang ngisi nya sa labi. Napa ismid at napakamot sa ulo. Lumapit ako sa kanila at kinuha si Esha sa kanya.




"Go to your papa. May sasabihin lang si Mama kay Uncle Nick." sabi ko kay Esha at binaba sa sahig.



Tumango sya at ngumiti saka bumalik sa papa nya.



Bumaling ako kay Nick. Feeling ko ay may idea na sya kung bakit iba ang trato ko sa kanya.





"Long time no see Nessa." Pilit nyang ngiti.



Inirapan ko sya at marahas ko syang hinila palabas ng bahay. Dinala ko sya sa gilid ng sasakyan ko.



"Nessa look, I di-----



Hindi ko na sya pinatapos at agad ko syang sinampal ng matagal.


Napahawak sya sa kanyang pisngi at hinimas nya iyon ng palad nya. Hindi sya nagulat sa ginawa ko, parang expected na nyang gagawin ko yun.




"How dare you! I trusted you Nick, then what? Pinangunahan mo ako sa pagsasabi sa anak ko kung sinong papa nya." Mahina ngunit galit kong sabi sakanya.






"Look, I'm sorry okay. I know na mali ang ginawa ko. Hindi ko naman talaga sinabi kay Esha na si Enzo ang papa nya. Ano lang.....ahh pinakita ko lang sa kanya ang picture ni Enzo."



Lalo akong naiinis dahil sa palusot nya.


"Ganun narin yun Nick." Inis kong sabi.






Seafarer Escapade 5: Renzo Luiz FuentesWhere stories live. Discover now