Chapter 58

557 13 0
                                    




We have been here for a few days in palawan, but it looks like we'll be spending our whole holiday exploring the island. Simula noong gabing nireject ko si Enzo ay para namang walang nangyari dahil gaya ng mga nakaraang araw ay ganon parin naman ang set up namin. Kakausapin nya ako kapag may gusto syang itanong about sa mga bata.




Ito naman talaga ang gusto ko okay kami. Parang okay lang naman sa kanya eh. Hindi nga sya na aawkward sakin, parang ako lang ang naiilang.




Ewan ko ba hindi ko expected na ganun. Hindi naman sa gusto ko syang mag mukmok o mag inom dahil sa nireject ko sya pero nakaka overthink naman kasi na ganun parin sya.




Parang walang nangyari at medyo naiinis ako dun, though maayos naman sya. Maalaga parin sya sa mga anak namin, may times nga na out of place ako sa kanilang tatlo eh.





Gusto ko na syang tanungin kung saan pa ba kami pupunta dahil pasakay na uli kami ng yate. May binili lang sya sa mga bata at hindi ko alam kung ano iyon.



Ni hindi ko nga alam kung nasang parte na kami ng palawan eh. Basta noong unang araw namin nasa may coron kami.




Gosh. I was to hesitant to ask him. Nahihiya ako na hindi ko alam.





Napatingin si Enzo sa pwesto ko, napansin ata nyang nakatitig ako sa kanya. Ewan ko ba kung anong nangyayari sakin at hindi iniwas ang tingin ko sa kanya.




Napaayos ako ng tayo ko ng mapansing palapit sya sa pwesto ko habang buhat si Jenessy.




"We'll just wait for Ronnick." He said.



I gulped then just nodded my head.



Gosh! What is happening to me?




Gustong gusto kong itanong sa kanya kung bakit namin inaantay si Ronick pero hindi ko magawa. Damn! Gusto kong sampalin ang sarili dahil sa nangyayari sakin.




Nawala sa harap ko sina Enzo ng hindi ko namamalayan. Yung inis ko ay napunta kay Ronick dahil ang tagal nyang dumating. Wala pa namang sampong minuto kaming nag hihintay pero parang isang oras na ang lumilipas.



Umakyat nalang ako sa may cabin namin at nahiga sa may kama. Ang mga bata naman ay kasama si Enzo kaya hindi ko na sila kailangang intindihin.



Madaming napasok sa isip ko ng kung ano ano. Tulad ng mas apektado pa ako sa ginawa kong pang rereject kay Enzo. Naisip ko na baka choice lang naman talaga nya ako dahil may anak kami pero kung wala ay baka hindi ako nito pag aksayahan ng oras. Saka hindi ito namomroblema dahil madami namang mga babaeng nagkakagusto sa dito kaya siguro okay lang na nareject ko sya.





Argh. Napa padyak nalang ako sa hangin at nag pagulong gulong sa kama.




Bakit pakiramdam ko ako lang ang nagpapabigat ng sitwasyon. Kung bumigay na ako kay Enzo ay okay na ang lahat, wala ng problema.


Argh. Napasabunot na ako sa aking buhok dahil kung ano ano ng iniisip ko. Hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras at nakatulog na ako.




Agad akong napabalikwas ng bangon ng mapansing nakatulog pala ako. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tiningnan kung ano ng oras.




Napatayo ako ng makitang ala sais na ng hapon. Baka hindi pa nakain ang mga anak ko kaya agad akong lumabas para hanapin sila.



Ng paglabas ko ay narinig ko agad ang ingay sa labas. Nag lakad ako sa hallway papunta sa may balcony, nahagip agad ng mata ko si Esha na nakatingin sa may gawi ko.



Seafarer Escapade 5: Renzo Luiz FuentesWhere stories live. Discover now