Chapter 31

886 21 0
                                    



"Ah maam sino po ang may bagong may ari ng supermarket?" Tanong sakin ni Jasmine, staff ko.




Napakunot ako. Hindi ko alam ang sinasabi nya.




"Eh hindi nyo ba alam na may bago ng may ari sa supermarket." Kamot nito sa ulo nya.





"What do you mean? Ofcourse sina Mrs. and Mr. Landicho ang may ari nito. Ano bang sinasabi mo?"





"Naku maam, hindi nyo po talaga alam. Akala po namin ay alam nyo na. Sabagay wala po kayo kahapon, kaya siguro hindi nyo alam na may bumili na ng supermarket kay Sir Landicho."





Actually dalwang araw akong leave. Ayaw ko pa talagang pumasok ng trabaho. Bukod sa ayaw kong mag krus ang landas namin ni Enzo ay hndi ko pa din alam kung anong desisyon ko.




"Ha? Baka hindi naman yan totoo. Wag nga kayo mag chismisan ng ganan. Baka marinig kayo ni Sir Landicho." Saway ko sa kanya.




"Naku maam. Yung asawa po ni Sir Landicho ang may sabi. Tuwang tuwa nga po ito dahil malaki po ang bili dito. Na triple daw po ang bili."






Hindi na ako nakapagsalita dahil sa sinabi nya. Bakit naman kaya ipagbibili ni Sir Landicho ang supermarket? Sayang naman dahil mahirap kumuha ng branch ng goldhearts. Saka maayos naman dito, hindi nmn nalulugi ang supermarket.




"Sigurado ba yan Jasmine? Dahil pag hindi at narinig kayo ni Sir Landicho, lagot kayo dun. Hindi ko kayo mapagtatanggol."





Tumango sya. "Oo maam sigurado talaga."





Sino naman kayang bibili nito? Nakakapagtaka lang. Napahinga ako malalim ng may ideyang pumasok sa isip ko. Wag naman sana tama ang iniisip ko. Sana ay hindi sya ang bumili.






Pinaling ko ang aking ulo at winaksi sa aking isipan ang mga bagay na lalong nag papa stress sakin. Inabala ko ang aking sarili at nag focus nalang sa aking trabaho.







"Good thing at pumasok ka. Ako na ang bahala sa anak mo." Sabi ni Nick na nasa kabilang linya.





Napabuntong hininga ako.  Sya yung pumilit saking pumasok. Wag daw ako matakot kay Enzo, kasi andyan naman sya.






"Wag mo nalang kayang sunduin sina Nay. Malapit lang naman ang school ni Esha sa bahay. Baka mamaya kasi bigla ka nalang sundan ni Enzo tapos makita pa nya ang bata." Sabi ko





Hindi ko sya narinig na mag salita. Siguro iniisip nya na maaaring tama ang sinabi ko.






"Sige, lie low muna ako." Sagot nito. "Lagi pa namang masama ang tingin nun sakin."





"Ang alam nga nya pineperahan kita tapos nag papauto ka naman sakin." Nasabi ko nalang.







"Tsk. Tsk. Hayaan muna, pag medyo malamig na ang ulo nya sasabihin kong kusa ko namang binibigay sayo ang pera ko, kaya wala syang pakialam."





What the!





"Nick!" Sigaw ko.  "Wala kang binibigay saking pera!"






Rinig na rinig ko ang tawa nya sa kabilang linya. May gana pa talaga syang mag biro eh stress na stress na nga ako.





"Relax. Pinapatawa lang kita. Masyado kang seryoso, kung tutuusin ay madali lang nmn ang solusyon sa problema mo."






Seafarer Escapade 5: Renzo Luiz FuentesWhere stories live. Discover now