Chapter 25

870 28 0
                                    

Pinagmamasdan ko si Esha habang naglalaro sa may gilid ng damalapasigan. Ang bilis ng panahon, parang ng isang araw lang ay karga karga ko lang sya ngayon ay nakakatakbo na sya.




"Ate eto na yung milktea at fries." Rinig kong sabi ni Mandy sa may gilid ko. Binaba nito ang binili sa may upuan sa tabi ko.






"Thank you Mandy." I smiled at her.





"Tawagan ko na si Esha ate." Sabi ni Mandy tapos mabilis ang lakad nitong linapit ang anak ko.





Kita kong may sinabi si Mandy kay Esha. Lumingon sakin si Esha at kumaway sakin. Napangiti ako at kumaway rin sa kaniya. Nag simula na silang mag lakad palapit sa kinakaroonan ko.




"Wow! Fries and milktea." Masayang sambit ng anak ko tapos dumampot ng isang fries at kinagatan iyon.






"Come here." Umipod ako ng upo at marahang hinila ang anak ko para iupo sa inuupuan kong bench.




Kinuha ko yung isang milktea at pinahigop ko sya.




"It taste nice mama."





"Hmm, share lang tayo kasi hindi rin good sa health kapag maraming naiinom na milktea." Malambing ko sabi.





"Mama, di ba tayo mag si-swim?"




"Hmm, next time nalang anak. Wala tayong dalang damit mo." Sabi ko.


"But mama, lapit lang house natin." Kita ko ang pag nguso nya.




"Naku Esha, madaming mag fifishing ngayon kaya hindi pa pwede sa swimming. Kawawa naman sila kapag hindi sila nakapag fishing dahil mag si-swimming tayo." Si Mandy.






Nakangusong tumingala sakin si Esha. "Is it true mama?"






"Yup, ate Mandy is right." Tango ko.




"Hmm okay. No swimming muna for me." She said cutely.








"Very good ang baby nayan." Sabi ko habang hinahaplos ang buhok nya.






Hinayaan ko nalang syang kumain ng mag isa ng fries. Kapag iinom sya ng milktea ay ako na ang naglalapit sakanya para hindi sya mahirapan.






Napatingin ako Mandy habang ang straw ng milktea ay hindi na tinatanggal sa may labi nya. Napangiti nalang ako. Laking pasalamat ko rin dahil kay Mandy. Minsan ay sya din ang nag aalaga kay Esha kapag minsan ay may pinupuntahan ako. Kaya ang dali ring maging mabait sa kanya eh.




13 years old na sya. Halatang bata pa. Nalaman ko kay Nay na hindi daw nila kilala ang ama ni Mandy at Manolo. Nang umuwi daw si ate Amanda noon ay buntis na at ang unang anak nito ay si Manolo, na halata namang foreigner ang nakabuntis. Magandang lalaki kasi si Manolo, parang hindi 15 years old. Si Mandy naman pilipino daw ang ama, katrabaho daw ni ate Amanda sa may saudi kaso ng nalamang nabuntis si ate Amanda ay bigla nalang daw umuwi ng pilipinas ang lalaki at hindi na nag paramdam.





"Mama."




"Hmm." Yumuko ako kay Esha para malaman ang gusto.





"Punta pa tayo plaza later?" Tapos tumingala sya sakin.






Ang dami ko palang sinang ayunan na pupuntahan namin. Ayaw ko naman syang biguin. Saka sabado at lingo ko lang sya nakakasama ng buong araw.






Seafarer Escapade 5: Renzo Luiz FuentesWhere stories live. Discover now