Chapter 39

974 30 7
                                    




"Pasensya na po talaga Nay, natakot lang po talaga ako." Paliwang ko kay Inay Mena







"Ayos lang, naiintindihan kita Nessa." Sabay haplos nito sa may braso ko. "Basta sa susunod wag padalos dalos ang desisyon mo. Isama mo lagi sa desisyon mo ang anak mo, dapat ay makakabuti iyon sa kanya."






Tumango ako na may tipid na ngiti sa may labi. "Opo Nay, pasensya na talaga."







"O sya uuwi na ako at alas otso na pala, baka pag saraduhan na ako ng pinto ng tatay mo." Paalam nito sakin.







Sinamahan ko sya palabas ng bahay at muling nagpasalamat sa pag unawa sakin.





Pagkasara ko ng gate ay pumasok na ako sa loob ng bahay. Mga ala sais na ng hapon ng makauwi kami dito sa may bicobian. Two weeks lang ang tinagal namin sa may El Nido, gayak ay isang buwan kami don. Pero lagi kong nakikitang may katawagan si Enzo at alam kong dahil sa trabaho iyon. Ayaw ko namang dahil samin ng anak nya ay mapabayaan din nya ang trabaho nya. Kaya ang sinabi ko nalang para pumayag din syang bumalik na kami dito ay may school din ang anak nya at kailangan ko pang kausapin ang teacher nito.



Napatingin ako sa may pinto ng kwarto namin ni Esha ng makitang lumabas duon si Enzo.



Bumaba sya ng hagdan at lumapit sakin.





"She's already asleep."






Napatango ako at nag isip ng sasabihin. "Hmm, umalis na si Inay....hmm gabi narin...ahh hindi ka pa ba aalis?"






His lips parted a bit, parang na mis-interpret nya ata yung pagtatanong ko sa kanya.







Nakagat ko nalang yung ibabang labi ko habang napakamot sa may leeg.






"Tulog na naman si Esha, baka may importante ka pang gagawin. Sasabihan ko nalang si Esha pag gising nya bukas." Sabi ko.





"It's still early, show me our daughter's pictures when she was still an infant."




Hindi agad ako naka respose sa sabi nya. Tapos naalala ko yung sinabi ko na ipapakita ko sa kanya ang mga lirato ng anak namin pag balik namin dito.







Marahan akong tumango sa kanya at kinuha sa may cabinet lahat ng mga photo album ni Esha.






Nag tungo ako sa may lamesa para mas malawak ang mapag patungan ng mga album.




"Sinama ko dito sa photo album yung ultrasound ko sa kanya." Sabi ko tapos binuksan ko yung photoalbum sa unang page at pinakita sakanya ang ultrasound ko noon.






Hinaplos nya ng daliri ang mga litrato ni Esha.





Hindi ko na sya kailangan tingnan dahil sigurado akong emosyonal sya habang pinagmamasdam ang mga litrato ng anak nya.





"This is her when she was one month old." Turo ko ng inilipat nya sa sunod na page yung litrato .






Nakikinig lang sya sakin habang sinasabi ko sa kanya kung kailan kinuhanan yung mga litrato ni Esha.





"It's her second birthday. Simple lang ang celebration, pero madaming taga bicobian ang dumalo...ganun kasi dito sa probinsya, kapag may handaan hindi ka na kailangang imbitahin, kung gusto mong makikain ikaw na ang magkukusa."






Seafarer Escapade 5: Renzo Luiz Fuentesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن