Chapter 26

1.2K 27 0
                                    

Hindi ako makapakali at makapag trabaho ng ayos dahil sa iniisip ko parin yung nangyari noong isang araw. Kahit anong pagpapakalma ko sa sarili ko na baka hindi si Enzo ang nakita ko ay wala namang nangyayari. Tanaw na tanaw sya ng mga mata ko kahit na ang layo nya. Kilalang kilala ko ang postura nya. Sya lang ang natatanaw ng mga mata ko noong mga oras na simula ng mabaling ang tingin ko sa kanya.





Kailan ba ako mapapanatag? Noong isang araw din na iyon ng gabi ay hindi ako makatulog dahil sa hindi mawala sa sistema ko si Enzo. Kahapon naman ay hindi na kami lumabas ni Esha ng bahay at duon nalang kami nag bonding sa katakutan na baka bigla nalang namin makasalubong si Enzo.





Sa kabila ng kaba ko noong isang araw, hindi ko naman maikakaila na namiss ko rin sya. Pero mas nangingibaw sakin ang takot sa maaari nyang gawin kapag nalaman niya ang tungkol sa anak namin.





Bakit kasi sila napadapad dito.





Damn! Sa dinami dami ng matatayuan ng resort sa mundo, bakit dito pa napili ni Nick sa divilacan. Pwede namang sa batangas, sa iloilo or sa la union.




Iniisip ko kung sino yung kasosyo nya sa pagpapatayo ng resort.






Malamang ay yung mga kasama nya ng isang araw. Kasama duon ang pinsan nya.







Shit!







Hindi ko mawari na yung anak ko at ang ama nito ay nasa iisang lugar lang.





Baka isang araw ay bigla nalang mag krus ang landas ng dalwa at ngayon palang ay kinakabahan na ako.







Hindi pwedeng malaman ni Enzo ang tungkol kay Esha.



Napatingin ako sa may pinto ng may marinig na kumatok dito.




"Ma'am may naghahanap po sa inyo sa labas." Bungad sakin ng isang staff ng supermarket.







"Sino daw?" Tanong ko.






"Lalaki po maam eh." Pansin ko sa mga mata nito ang pagkislap.




Napapikit ako, tila may ideya na kung sino.




Paano nya nalaman na dito ako nag tatrabaho sa supermarket?



"May kasama?" Tanong ko.





"Wala maam, mag isa lang po sya. Papapuntahin ko po ba dito sa taas?"





Nag isip ako kung ano bang maganda. Ayaw ko namang may makakita sakin sa labas na may kasamang lalaki. Naku malamang na abot sa barangay namin ang chismis pag nag kataon.







"Sige paakyatin mo sya dito." Sabi ko.






"Sige maam." Paalam nito.





Nasa may pinto lang ang aking atensyon. Hinihintay na muling mag bukas uli iyon. Sure akong si Nick ang naghahanap sakin. Ang pinagtataka ko lang ay paano nya nalamang dito ako nagtatrabaho.






Sana lang din ay wala syang alam sa nangyari samin ni Enzo. Sana ay mangungumusta at aalamin lang nya ang dahilan ng pag alis ko noon sa manila. Sana ay hindi nya nabanggit kay Enzo na magkikita kami ngayon.





Hindi ko alam kung kaya ko bang harapin si Enzo pag nagkataon.






Napaayos ako ng upo ng makitang nagbukas na yung pinto at niluwa nito si Nick na may dalang isang plastic bag. And kung hindi ako nagkakamali ay pagkain ang dala nya.






Seafarer Escapade 5: Renzo Luiz FuentesWhere stories live. Discover now