CHAPTER ONE

5.7K 102 1
                                    

"FOR PETE'S sake, Meredith!" ani Margie na
binuksan ang salamin ng bintana ng Land Cruiser sa bahagi nito. "Are we gonna drive forever? We've been on the road for ages! Nalampasan na natin ang mga bayan ng Batangas."

Meredith made a face. Siya man ay nahahapo
na rin bagaman hinahalinhan naman siya ng
mga kaibigan sa pagmamaneho. Pitong oras na silang nagbibiyahe. At mas nakakapagod ang biyahe kapag hindi maganda ang daan. Tulad na lang ng dinadaanan nila. Bukod sa magraba ay may mga lubak pa.

"You exaggerate, Marge. You always do."
Nailingon niya ang kaibigan sa likod. "Isara mo
iyang bintana mo at sayang ang lamig ng aircon."

"Para ka namang hindi sanay sa malalayong
outing," susog naman ni Alana na nasa passenger seat katabi ni Meredith. "Kung sa Vigan tayo nagpunta ay malayo pa rito ang biyahe, ah."

Umingos si Margie. "Vigan iyon at maganda
ang daan at saka bumibiyahe tayo sa sibilisasyon. Sa pagkakatanda ko ay sa south superhighway lang ang sementado ang daan, ah. Pero mula nang lumabas tayo ng exit, we've been travelling on rough roads. At wala akong nakikita kundi mga kagubatan sa magkabilang panig ng daan."

"You exaggerate again," nakatawang sabi ni
Meredith. "We've been travelling on asphalt road na nagkalubak-lubak na lang. At nitong papasok na tayo sa San Angelo medyo naging masama ang daan at dumadalang ang mga bahay."

Margie snorted. Among Meredith's two friends, si Margie ang dakilang reklamador. Si Alana ay ang uring diplomatiko. Tahimik lang ito at nakamasid sa labas ng sasakyan. Nahihinuha na ni Meredith ang laman ng isip nito-na hindi naman talaga mga bahay ang tingin nito sa mga nadadaanan nila, na kung tutuusin ay mas di-hamak na maganda ang servant's apartment na nasa likod ng bahay ng mga ito. Palibhasa'y mayaman ang pamilya. Subalit hindi snob si Alana kaya hindi nagkokomento.

"At saka nagrereklamo na ang tiyan ko.
Last meal natin ay three hours ago, doon sa
gasolinahan, sa may coffee shop doon," patuloy ni Margie.

Oh, well, Meredith thought. Siya man ay nakakaramdam na rin ng gutom pero hindi
na niya gustong dagdagan ang reklamo ng
kaibigan.

Lumipas ang ilang minutong tahimik sa loob
ng sasakyan. Alana broke the silence. "Seriously speaking, Meredith, where exactly are we now? Nalampasan na natin ang town proper, 'di ba? Alam mo ba talaga ang daan patungo sa rancho ng kaibigan ng daddy mo? Hindi pa ba tayo naliligaw?" sunud-sunod nitong tanong.

Bago pa makasagot si Meredith ay dinugtungan ni Alana ang sinabi pagkatapos
masulyapan ang oras sa relo sa braso nito.
"Alas-tres y medya na. Hindi kaya tayo abutin
ng dilim sa daan?" Nag-aalalang itinuon nito ang mga mata sa walang katapusang kagubatan sa gilid ng magkabilang panig ng daan.

"Malinaw ang direksiyong ibinigay sa akin
ni Tita Andrea sa phone noong isang araw,"
aniya. "Sabi, paglampas natin ng San Angelo,
there would be an arrow pointing to the place. Be patient, guys. Wala pa naman tayong nakikitang arrow."

"Gaano na ba katagal na kakilala ng daddy
mo ang Andrea na ito?" tanong ni Margie. "We've been friends for years pero parang ngayon ko lang narinig ang pangalang iyan. At bakit ngayon ka lang nagyayang magbakasyon tayo rito?"

Nilingon ni Meredith si Alana na alam kung
paano naging kakilala ng mga magulang si
Andrea. Hindi sa inililihim niya ito kay Margie.
Kaibigan niya ito, gayunman, mas matagal silang unang naging magkaibigan ni Alana. Halos magkababata at kabisado na ang buhay ng isa't isa. Nakilala nila si Margie nang unang taon nila sa kolehiyo at nagkahulihan ng loob ang tatlo.Isa pa ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataong maipakipag-usap niya ang tungkol kay Andrea kay Margie.

"She's a family friend way back college
days ng mga magulang ko, Marge," sagot niya
kasabay ng matabang na pagngiti. "Isa pa ay
hindi naman nag-aanyaya si Tita Andrea sa
kanila malibang nitong pagkakataong ito nga.
Graduation gift niya sa akin."

Kristine Series 55: MONTE FALCO - Island In The SunHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin