CHAPTER SIX

3.4K 83 3
                                    

NAKAPALIGO na siya at nakabihis na.
Narepreskuhan siya nang husto nang matanggal ang mga putik sa braso at mukha niya Gusto niyang bumaba na kaagad subalit hindi niya maiwasang mag-linger ng ilang minuto sa magandang silid.

Sa halip na bumaba ay itinulak niya ang
French door palabas sa veranda. Nalanghap
niya ang sariwang hangin. The air was filled with mountain breezes tanged with the salty scent of the sea.

"Oh!" mahinang bulalas niya.

Papalubog na ang araw at kay lamig ng hangin. Ang veranda sa silid niya ay nakatanaw sa dagat sa ibaba. At may swimming pool din sa may tagilirang bahagi ng mansiyon. Malapit iyon sa may hagdanang bato pababa sa dalampasigan.

At ang veranda ay hindi sa silid niya nagsi
simula at nagtatapos. Nakapaikot iyon at
marahil ay idinisenyo upang ang lahat ng si
ay nakatanaw sa karagatan. Napansin din i
na may isang winding stairs pababa sa lanai
kaliwang bahagi ng veranda.

Ang araw ay nagsasabog ng iba't ibang kulay
sa dagat at ilang sandali pa ay magdidilim na
The scenery was breathtaking and she silenty
thanked Andrea for giving her this room.

Sa pag-ikot ng tingin niya ay napansin niya ang isang wharf. And a boat! And two speedboats! Andrea's father must have owned the boats.

Omigosh.

"I think I am going to enjoy this vacation
immensely. And who knows, Andrea might just
invite us to go sailing," nakangiting kausap niya sa sarili. "At marahil ay mararating namin ang mga isla na nakita namin kanina. Alana and Marge will shriek with glee..."

Hindi niya gustong magpahinga. Maraming
pagkakataon para doon. Mas gusto niyang ikutin ang buong mansiyon at kung magagawa niya bago maghapunan ay mas mabuti.

Mula sa veranda ay bumaba siya sa paikot
na hagdanang bakal. It was a short walk to the
swimming pool. Lumakad siya patungo sa pool. It was huge. Sapat upang magdaos ng pool party. At napuna niyang may pa-slope na malawak na daan pababa tulad sa isang driveway. It must be a driveway. lyon ay maliban pa sa driveway na dinaanan nila kanina.

The pool itself was inviting. Kung hindi lang
siya maghahalungkat pa sa bagahe niya ng
swimwear ay gusto niyang maglangoy ng kahit
isang oras. Maraming bulaklak sa paligid na hindi niya maiwasang ngumiti. She traced back her steps. At napansin niyang sa mismong ibaba ng silid niya ay isang French door na tulad ng nasa silid niya sa itaas.

Bukas iyon.

Sumilip siya sa loob ng silid. Must be one
of the guest rooms dahil hindi naman okupado
at malinis na malinis. Pumasok siya sa loob
at inikot ng tingin ang spartan bedroom. lsang
queen-size bed na dark blue ang bedsheet at
striped blue and white ang cover ng mga unan. She didn't see any private bath. Siguro ay nasa labas. Kapagkuwa'y binuksan niya ang pinto ng silid at lumabas mula roon.

lsang malapad na pasilyo ang nabungaran
niya. May dalawang pintong nakasara pa
siyang nakita. The three rooms must be the
guest rooms. Tinalunton niya ang mahabang pasilyo nang makarinig ng mga tinig. Sa wari ay nagtatalo. Nagmumula sa west wing ang mga tinig. Hindi niya alam, dahan-dahan siyang dinala ng mga paa roon.

"Hindi para sa sarili ko ang ginawa ko!"

"Wala ka pa ring karapatang magpasya nang
hindi ipinapaalam sa akin!"

"Sinabi ko kay Andrea ang bagay na iyan Don Claudio, at sang-ayon siya sa mungkahi kong dagdagan ang suweldo ng mga tauhan ng ilang sentimo!"

Natanto ni Meredith na boses ni Don Claudio
ang nauna niyang narinig dahil iyon ang binanggit ng sumunod na tinig. At kaya niya narinig ang pagtatalo ay dahil bahagyang nakabukas ang pinto ng silid, kung saan naroroon ang dalawa.

Kristine Series 55: MONTE FALCO - Island In The SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon