CHAPTER NINE

3.4K 79 2
                                    

"HE IS drop-dead gorgeous, Meredith."

Mula sa veranda ng silid niya ay nilingon ni
Meredith ang dalawang kaibigang kanina pa
nanunukso. Nakaupo siya sa wicker chair a
nakataas ang mga paa sa isang stool. Banayad
niyang hinimas-himas ang na-sprain niyang paa.

Agad na nagpatawag ng hilot si Andrea nang
malamang na-sprain siya. Nabawasan nang
malaki ang sakit. Ayon sa manghihilot, bukas
lang ay makakalakad na siya nang maayos.
Kung nasa Maynila siya ay malamang na dinala
na siya ng daddy niya sa orthopaedic doctor. And chances are, naka-bandage na ang paa niya.

lyon ang kauna-unahang pagkakataong
nakakita siya ng manghihilot. At malamang
ay ganoon din si Alana who looked horrified.
Lalo na nang bahagyang pilipitin at biglang
hilahin ng matanda at paa niya. Napasigaw sa
sakit si Meredith. Subalit pagkatapos niyon ay
guminhawa naman ang pakiramdam niya.

"Just as he is drop-dead bastos. It's obvious
that he doesn't like me andl don't like him either."

Umingos si Margie at napatingin siya rito.
Kunwari pa iyong isang ale diyan." Sinabayan
nito iyon ng tawa.

"Apat na araw na tayo rito at tatlong beses
na natin siyang nakakasabay sa tanghalian pero hindi ko na nakitang ngumiti uli ang lalaking iyon. Very polite to the point of rudeness," ani Alana na nagtatanggal ng polish sa mga kuko. "Kinausap kong minsan, monosyllabic ang sagot."

Humagikgik si Margie. "Walang effect ang
beauty mo, Al. Baka sa isang ale riyan may
gusto." Pailalim nitong sinulyapan si Meredith
na patuloy sa banayad na paghaplos sa paa.
"Habang kumakain tayo ay nahuhuli ko kaya si
Tristan na palihim na sinusulyapan si Meredith.
But of course, lagi na'y naroroon ang walang
kamatayang pagkakadikit ng mga kilay."

Si Alana ay pinigil ha huwag matawa.
"Shut up, Marge. Pare-pareho ang trato sa
atin ng lalaking iyon. Tila ba galit sa mga babae." Tumayo siya mula sa kinauupuan at paikang pumasok sa silid. Hindi gustong gamitin pa nang husto ang paang na-sprain.

"You're wrong, chica," patuloy ni Margie.
"YOu should have seen him with Grace."

Hindi sumagot si Meredith at naupo sa kama. Totoo ang sinasabi ng mga kaibigan. Minsan na rin niyang nakitang nag-uusap ang dalawa at nakita niyang ngumingiti si Tristan.

"Siguro ay sa akin lang siya galit. For whatever reason and as if I care..." Nagbuntong-hininga siya at inayos ang sarili sa kama a nahiga. "All right, girls, back to your room at alas-nueve na ng gabi. Sleeping time."

Tumayo at nag-inat si Margie. "lyan ang isang
disadvantage dito, Mer. Walang nightlife."

Dinampot ni Alana ang acetone at bulak
at tumayo na rin. "I'll live without the nightlite.
Sobra-sobra na ang kasiyahang dulot ng surfing, fishing, swimming, and snorkeling."

"Ditto," Meredith murmured, inihanda ang
sarili sa pagtulog at niyakap ang malaking unan. "Night..."

HINDI niya alam kung bakit siya nagising.
Napabangon siyang bigla. Paglabas ng mga
kaibigan sa silid niya kanina ay hindi na niya
nakuhang patayin ang ilaw, nakatulog na siya
kaagad. Dala marahil ng pagod sa paglalaka0
niya sa gubat.

Natuon ang pansin niya sa bukas na Frencn
door. Malamig na hangin ang pumapasok Sa
loob ng silid. Bahagya siyang nangikig sa lamiy
Tumayo siya upang isara ang French door nang makarinig siya ng kaluskos at bulungan sa may ibaba ng veranda.

Nagsalubong ang mga kailay niya. Alam
niyang guest room ang ibaba subalit walang tao roon. Ang silid ni Don Claudio ay sa kabilang bahagi ng mansion malapit sa library. At ang katabing silid ng matanda na may connecting door ay okupado ni Grace.

Kristine Series 55: MONTE FALCO - Island In The SunWhere stories live. Discover now