CHAPTER TEN

3.4K 90 2
                                    

NANG gabing iyon ay hindi dalawin ng
antok si Meredith. Alas-onse ang ibinabadya ng wristwatch niyang nakapatong sa night table. Lumabas siya ng silid at bumaba patungo sa kusina.

Nagbukas siya ng ilaw sa may kusina at
kumuha ng carton ng gatas sa refrigerator at
binuksan ang cupboard at umabot ng baso.
Muling pinatay ang ilaw at pagkatapos ay lumiko sa isang pasilyo patungo sa library. Maghahanap siya roon ng librong mababasa. Sabi ni Andrea ay kompleto ang library. There must be some paperbacks on some of her favorite spy novels.

"Hindi ko naiintindihan kung bakit kailangang
magpagawa ng ganito kalaking bahay. It is so
scary lalo na kung ganitong gabi na..." kausap
niya sa sarili upang alisin ang imahinasyong may kung anong bigla na lang lilitaw sa harap niya. She almost giggled at the thought. But the shadows were really giving her the creeps. Ang mga katulong naman ay may sariling servants' apartment sa labas at likuran ng mansiyon.

Inaninag niya ang daan patungo sa library
mula sa kapirasong liwanag na nanggagaling
sa mga poste sa labas. Hindi niya gustong
magbukas ng ilaw at baka magising si Don
Claudio o si Grace. llang sandali pa ay nasa
harap na siya ng pinto ng library. Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob at itinulak iyon. May malamlam na ilaw sa adjacent room. Nalimutang patayin ni Grace o sadyang iniiwang bukas iyon para kay Don Claudio.

Anyway, she moved quietly. Ibinaba niya ang
baso at carton ng gatas sa naaaninag na mesa
upang tumungo sa malalaking shelves. Pag-ikot niya ay matipunong dibdib ang bumunggo sa mukha niya.

Ang balak niyang pagsigaw ay napigilan ng
Kamay na tumakip sa bibig niya. Nagpumiglas
Siya sa takot at nakahanda nang manlaban nang marinig niya ang pamilyar na tinig.

"Tumigil ka!" pabulong nitong babala.
"Bibitiwan ko ang bibig mo kung hindi ka sisigaw. Magigising mo ang matanda."

Tümigil siya sa pagpalag at unti-unting
lumuluwag ang pagkakahawak ni Tristan sa
bibig niya.

"You sonofabitch!" she hissed.

Inabot ni Tristan ang night lamp at binuksan
Sa malamlam na liwanag na nanggagaling doon ay nakita niya ang kabuoan nito. In white long-sleeved polo shirt. Nakatupi ang mga manggas hanggang sa malapit sa siko. Bukas ang lahat ng butones at muli ay nahantad ang dibdib nito sa kanya.

"Kasindumi ng mga kanal sa Maynila ang
bibig mo, Miss Gallego."

"Wala kang pakialam kahit na magmura ako
maghapon at magdamag! Muntik mo na akong
patayin sa takot!" pabulong niyang angil.

"Ano ang ginagawa mo rito?" kalmanteng
tanong ni Tristan.

"Ano ang ginagawa mo rito?" gagad niya sa
tanong nito sa nairitang tinig. "Nakakapagod
na iyang paulit-ulit mong sinasabi ah. Wala ka bang alam na ibang pambungad?"

"At nakakapagod na rin iyang parati mong
panunubok sa akin," he countered.

Nanlaki ang mga mata niya. "Panunubok?"
again she parroted. "Nasisiraan ka na ba ng isip? Talaga bang sagad sa buto ang kayabangan mo?"

"May ilang bahay na mas malapit sa dagat
na pinanggalingan mo. Isa na roon ay ang bahay ni Tata Kardo at ng pamilya niya," he started. "Pero nakapagtatakang naroon ka mismo sa cabin ko gayong halos isang kilometro ang layo niyon sa dagat."

Napakunot-noo si Meredith. Nakatagpo
na niya si Tata Kardo. Ayon kay Andrea ay
matandang katiwala sa buong rancho subalit
nagre-report kay Tristan. And anyway, she didn't see any house along the river banks. Di sana ay doon na siya nagtuloy. Baka sa ibang bahagí ng gubat ang tinutukoy ng lalaking ito. Bago pa níya maisatinig iyon ay muling nagsalita si Tristan.

Kristine Series 55: MONTE FALCO - Island In The SunWhere stories live. Discover now