CHAPTER TWENTY-FIVE

3.6K 87 2
                                    

"BITIWAN ninyo ako, ano ba! Hindi ako
sasama sa inyo."

"Kailangang sumama ka sa akin pabalik sa
Maynila, Meredith," panghihikayat ni Agatha. "Ipinasusundo ka ng daddy mo. Gusto niyang
kausapin ka tungkol sa nangyari... sa atin at kay Andrea."

Nagsalubong ang mga kilay niya. Nilingon ang kasama nitong lalaki. Si Dolpo, ang lalaking
sinamahan ni Agatha. Nakangisi ito habang
malisyoso siyang hinahagod ng tingin habang
nakahawak sa braso niya.

Natitiyak niyang nagsisinungaling si Agatha
dahil hindi siya ipasusundo ng daddy niya.
Nagkausap na silang mag-ama at alam ni Danilo na magtatagal siya sa rancho. At ni wala siyang sinabi sa ama kung hanggang kailan siya roon. Isa pa ay si Danilo mismo ang nagsabing kilalanin nilang mag-ina ang isa't isa. Subalit hindi niya ipakikipagtalo sa mga ito ang bagay na iyon. Baka lalo lang siyang piliting isakay ng mga ito sa jeep.

"Uuwi ako ng Maynila bukas, Mama," mahinahong sagot niya. "May aasikasuhin lang
ako ngayong araw na ito."

Nagkatinginan sina Agatha at Dolpo. Tumango si Agatha. Nagkibit ng mga balikat si Dolpo at dalawang kamay na sinunggaban si Meredith.

"Bitiwan mo ako! Mama, ayokong sumama sa inyo!" Malakas siyang nagpipiglas. Subalit
tinulungan ni Agatha si Dolpo sa pagpipilit nitong isakay siya sa owner-type jeep. "Mama, ano ang ibig sabihin nito?"

"Dahil ayaw mong sumama nang mahusay kaya sapilitan ka naming dadalhin," ani Agatha na itinulak siya papasok sa loob. Pagkatapos ay sumakay na rin ito habang si Dolpo ay umikot sa driver's seat.

Nakapagitna sa dalawa si Meredith. Hawak siya ni Agatha nang mahigpit sa kamay habang si Dolpo ay pinaandar na ang jeep.

"This is kidnapping!" akusa niya. "Titiyakin sa inyo ni Daddy na mabubulok kayong pareho
sa bilangguan!"

Sandaling natilihan si Agatha. Subalit lutang ang utak nito sa droga at hindi na makarehistro nang husto sa isip ang sinasabi niya.

"Hindi mo magagawang ipakulong ang mama
mo, Meredith," anito.

"You're not my mother! You're nothing but a
selfish bitch!"

"Aba at-" Tumaas ang isang kamay nito upang akma siyang sampalin subalit malakas na tinabig niya ang braso nito. Dahil masikip at nagsisiksikan silang dalawa sa iisang upuan ay
muntik na itong mahulog kung hindi mabilis na
nakahawak sa handgrip.

Tumili ito. "Walang-hiya kang babae ka! Muntik mo na akong ihulog!"

"May humahabol sa atin, Agatha!" sigaw ni Dolpo na ang mga mata ay nasa side view mirror.

Malaking bagay ang hanging bridge dahil
hindi nakapagpatakbo nang matulin doon si
Dolpo. Nasa kabila na sila ng tulay nang mapuna ni Dolpo na may sumusunod sa kanila.

Lumingon si Agatha sa gilid ng jeep. "Ang tauhan ng rancho. Ang watchdog ni Andrea!
Bilisan mo, Dolpho!"

Si Meredith na lumingon sa bukas na likod ng owner-type jeep ay natanaw si Tristan. Bahagyang nabawasan ang takot na nararamdaman niya at lihim na umusal ng pasasalamat.

"Ihinto na ninyo ang sasakyang ito," utos niya
sa ina-inahan. "Hindi ninyo ako madadala kahit
saan. Hindi kayo makalalampas man lamang sa
Rancho Monte."

"Tumahimik ka riyan! Wala kang utang-na-loob tulad ng ina mo!" singhal ni Agatha. "Kailangan kita upang ipatubos kay Andrea. Ngayong patay na ang matandang ama niya ay marami nang pera si Andrea. Ibibigay niya kahit magkano ang hingin ko maibalik ka lang." lsang malakas na tawa ang pinakawalan nito.

"You're disgústing!"

Agatha ignored her. "At magbubuhay-milyonaryo tayo, Dolpo. Makabibili tayo ng maraming marijuana at makapagka-casino gabi-gabi!"

Kristine Series 55: MONTE FALCO - Island In The SunWhere stories live. Discover now