CHAPTER SEVEN

3.4K 91 3
                                    

DALA marahil ng pagod sa mahabang biyahe
ay tanghali na nang magising ang tatlo nang
sumunod na araw. Nauna lamang ng kinse
minutos sina Alana at Margie kay Meredith.

"Tamang-tama ang baba mo, hija. Nakahain
na ang tanghalian," bungad ni Andrea sa kanya sa may entrada patungo sa dining room.

"I'm sorry," nahihiyang paumanhin ni Meredith. "tinanghali ako ng gising."

"Ganyan ang effect ng Rancho Monte sa
mga bisita," nakatawang sagot nito, inakay siya papasok. "Nauna lang sa iyo ng ilang minuto ang dalawa. Halika at nang makakain na."

"Napasarap din ang tulog namin, Mer," ani
Alana nang matanaw siya. Kauupo lang marahil nito dahil hindi pa nalalagyan ng pagkain ang plato. Gayundin si Margie na nanghingi ng kape sa katulong gayong tanghalian na.

"Would you believe, we didn't turn the air conditioner on? Napakalamig ng hangin sa itaas bukod sa napakaganda ng view," susog naman ni Margie.

Sasagot sana siyang hindi rin siya nagbukas
ng air conditioner nang mapuna ang lalaki sa
may dulo ng mesang pansampuan. Walang
pakialam sa usapan nila at patuloy sa pagkain.

Tumikhim si Andrea nang mapuna kung saan siya nakatingin. "Tristan, hijo, gusto kong
makilala mo si Meredith.."

Sandali lang na nag-angat ng tingin si Tristan. Walang interest na dinaanan ng tingin si Meredith. "Nagkita na kami ng bisita mo,
Andrea. Hindi kailangan ang introduksiyon."
Muling nitong itinuon ang pansin sa pagkain.

"Tristan!"

"That's okay, Tita Andrea," sagot ni Meredith
na hinila ang silya at naupo. "He's right, we've
met. Besides, I have no wish to be introduced to your ranch help. Lalo na kung bastos at walang modo."

Nag-angat ng mukha si Tristan. "Hindi ka ba
naaalangang makisabay kumain sa isang tauhan lang, Miss Gallego?" His voice was as cold as his eyes.

Bahagyang napaubo si Andrea at sinulyapan
si Tristan. Nakita ni Meredith na sinisikap nitong bigyan ito ng warning look. Subalit sadyang hindi tumitingin dito ang lalaki. Isinubo ang natitirang pagkain sa pinggan. Dinampot ang cloth napkin at nagpahid ng bibig. Kapagkuwa'y inabot ang tubig at uminom. Pagkatapos ay tumayo na, deliberately dragging his chair to create unnecessary noise and to rattle her. Natitiyak ni Meredith iyon.

"Tiyakin mo, Andrea, na hindi sila makaka-sagabal sa mga nagtatrabaho." Kay Meredith lamang dumaan ang tingin nito. "Baka mamaya'y mag-ikot sa koral ang mga iyan nang kapiraso lang ang suot. Hindi ko pananagutan kung ano man ang gawin ng mga tauhan sa kanila." Pabagsak nitong ibinaba sa mesa ang cloth napkin.

lyon lang at walang lingon-likod itong
lumabas. Muli ay sinundan ng nagliliyab na
tingin ni Meredith si Tristan. Staring at his broad back was getting a habit. Sa ilalim ng mesa ay mahigpit na nakakuyom ang mga kamay niya.

"That bastard!"

"Meredith, hija. Ako na ang humihingi ng
paumanhin sa iniasal ni Tristan. Mainit na naman ang ulo ng taong iyon."

"But he was polite a while ago, Mer,"
nagtatakang sabi ni Alana. "Nginitan pa nga niya kamí ni Marge. And he almnost pulled our chair, medyo nagkahiyaan lang."

"That's strange," ani Margie, hinigop ang
kapeng ibinigay ng katulong. "Humingi pa nga
ng paumanhin sa amin na nalagyan ka niya ng
putik."

"Oh, so, si Tristan ang culprit ng putik mo sa
mukha at braso kahapon!" Andrea said with a
hint of humor.

Hindi agad makaapuhap ng sasabihin si
Meredith. Nang mag-angat siya ng tingin ay
napuna niyang sa kanya lahat nakatuon ang
mga mata ng tatlo. Isang buntong-hininga ang
pinakawalan niya. Napilitan siyang ikuwento ang muli nilang engkuwentro ni Tristan sa labas ng study ni Don Claudio ng sinundang gabi.

Kristine Series 55: MONTE FALCO - Island In The Sunحيث تعيش القصص. اكتشف الآن