CHAPTER ELEVEN

3.3K 83 2
                                    

SI MEREDITH ay pabiling-biling sa higaan,
Tumaas-bumaba ang daliri sa bibig. Her lips still throbbed from the savage kiss. And they had swollen a little.

llang beses na ba siyang nahalikan ni Edmond? Halik na panakaw nitong ginagawa na pinagbibigyan naman niya. Pero ni minsan ay wala siyang natatandaang pinangarap niya ang mga halik nito. Paanong tila ngayon lamang siya nahagkan ng totoo? At sa paraang sinaktan pa siya nito.

Subalit ang pananakit ay sa una lang. Nang lumaon ay tila ine-emulate na ni Tristan sa halik nito ang paraan ng pakikipagtalik. She couldn't believe that a kiss could have done that.

She shivered at the thought of his lips on hers; at the sensation he created while kissing and touching her. At nang damhin nito ang pagkababae niya, magkahalong damdamin
ang umahon sa dibdib niya. Sindak, dahil iyon ang unang pagkakataong nahawakan siya ng
lalaki sa bahaging iyon. At panghihina, dahil
kung hindi niya pinairal ang matinong kaisipan
ay magpapaubaya siya. The delicious heat that flowed through her femininity was beyond
comprehension.

She wanted him as she had never wanted
anyone. Ganoon na lang ang paghahangad
niyang gawin nito sa kanya ang lahat ng mga
nababasa niyang ginagawa ng isang lalaki
at babae; ng mga pinag-uusapan ng ilang
classmates niyang babae na naranasan na ang
pakikipagtalik.

She closed her eyes tightly to erase the memory. Subalit mukha ni Tristan ang nasa
balintataw niya; the punishing kiss; the sweet
clean smell of the man; the rough hand and hot lips on her breasts; his fingers on her-

Oh, god, she must have gone mad.

"MEREDITH!" tawag ni Alana. Dalawang oras na silang nagpapaikot-ikot sa laot nang mapansin ni Alana na lumalayo si Meredith sakay ng Jet Ski , "Saan ka pupunta? Hindi ka pa ba babalik sa beach?"

Isinenyas ni Meredith ang kamay sa kanila pataboy sa baybayin, "You both go ahead. May
iikutan lang ako! I won't be long!"

"Lumalakas na ang alon!" muling hiyaw ni
Alana subalit malayo na si Meredith at tiyak hindi na nito naririnig ang sigaw niya.

"Hayaan mo siya, mag-ikot lang sandali iyon
at babalik na rin kaagad," ani Margie, pinaikut-ikot ang jet ski.

"Saan pa ba pupunta ang babaeng iyon Lumalaki na ang mga alon, ah," nag-aalalang
sabi ni Alana, sinundan ng tanaw si Meredith na lumilit na sa paningin nito habang palayo ang jet ski.

Hindi kumibo si Margie bagaman sinundan
ng tanaw si Meredith. llang minuto pang nagtagal sa tubig ang dalawa at pagkatapos ay umahon na rin. Sa itaas ay nasalubong nila si Andrea.

"Where's Meredith?" tanong nito nang makitang hindi nila kasama si Meredith.

"Nasa dagat pa siya nang umahon kami, Tita
Andrea," sagot ni Alana habang nagpupunas ng buhok. "Pinauna na kami."

Lumakad patungo sa gilid ng swimming pool
si Andrea at tinanaw ang dagat. Subalit maliban sa yate at speedboat na naka-anchor sa wharf ay hindi nito matanaw ang jet ski ni Meredith. Tiningala nito ang kalangitan.

"Dumidilim pa naman. Tila nagbabadya ang
bagyo. Sana'y bumalik siya bago umulan." May
pagkabahalang ginalugad ng paningin nito ang laot, Sa kalangitan ay namumuo ang malaking dilim. "Hindi niya kabisado ang dagat."

"Kaya nga po umahon na kami kasi nagsisimula nang lumaki ang alon at lumalakas ang ihip ng hangin. Tinatawag namin pero may
iikutan lang daw siya at hindi naman magtatagal."

Nilingon ni Andrea ang dalawa. "Ala-una na. Sige, magbanlaw at magbihis na kayo.
Pagkatapos ay bumaba na kayo sa dining room at kanina pa nakahanda ang tanghalian," utos nito.

Kristine Series 55: MONTE FALCO - Island In The SunWhere stories live. Discover now