CHAPTER SIXTEEN

3.2K 84 3
                                    

KINABUKASAN, nang magising ang tatlong
babae ay gayon na lang ang pagkamangha nila nang sa pagbaba ay mabungaran sa malaking sala sina Edmond at Agatha, kausap si Andrea.

Si Meredíth na nasa likuran ng mga kaibigan ay sandaling nahinto sa pagbaba nang makita ang ina. Agad ang paghihimagsik ng loob niya. Alin na lang sa sisirain nito ang bakasyon nila o bibigyan siya ng kahihiyan ni Agatha.

"Hija,"nakangiting bati ni Agatha nang makita
si Meredith at agad na sumalubong at hinintay
siya sa paanan ng hagdan. Nang makababa
siya ay agad siya nitong niyakap. "Hindi sinabi
ng daddy mo sa akin na pinayagan ka niyang
magbakasyon dito. Hindi ka man lang nagpaalam sa akin." Bagaman nakangiti ay may talim sa tinig ni Agatha. Sandali lang nitong dinaanan ng tingin sina Margie at Alana na bumati.

"Meredith," nakangiting lumapit si Edmond
sa kanya nang bitiwan siya ni Agatha.

Yumakap ito at hinagkan siya sa mga labi.
Upang mapasinghap lamang nang matanaw si
Tristan sa entrada palabas sa tagiliran ng bahay. Matalim ang mga matang itinuon nito sa kanya Isinuot nito ang sumbrero at nagmamadaling umalis.

Gusto niyang manlumo. Sa kabila ng nasaktan siya sa iniasal nito kagabi ay hindi niya gustong maniwala si Tristan na may relasyon sila ni Edmond maliban sa pagiging magkaibigan.

"I missed you, Mer," masuyong sabi ni Edmond, hindi napuna ang kakaibang ikinilos niya. Pinaglagos nito ang paningin sa salaming pinto. "Napakaganda ng lugar na ito, honey. Hindi kataka-takang hindi ka man lang tumatawag sa akin."

"Walang linya ng telepono sa Rancho Monte,
Edmond. Sa kabisera lamang ng San Angelo
mayroon."

"Mabuti na lang at nakausap ko ang daddy
mo at nasabi niyang nagbabakasyon kayong
tatlo rito sa San Angelo," patuloy ni Edmond at
sinulyapan si Agatha na nagsindi ng sigarilyo at iniikot ng tingin ang buong kabahayan nang may paghanga at pagkainggit sa mga mata. "Hindi mo nabanggit sa akin ang tungkol sa lugar na ito."

"Oh, I've been here once, Edmond," wika nito na sinalo ang kung ano mang sasabihin ni
Meredith. Humitit at nagbuga ng usok.

"Really, Tita?"

"Walang gaanong ipinagbago ang mansiyon
maliban sa napalitan ng mas magaganda ang
ilang lumang kasangkapan. Bago ang pintura
at renovated na ang ibang bahagi." Sinulyapan
nito si Andrea na tila tuod na nakatayo sa isang bahagi ng sala. "You are very lucky, Andrea. So lucky. Hindi mo ba kami aanyayahang mag-almusal? Alas-dos ng madaling-araw kami umalis ng Maynila."

"T-tayo na sa dining room." Tila automaton
itong lumakad patungo sa dining room kasunod ang lahat.

Si Edmond ay sinabayan si Meredith habang
binubusog ang mga mata sa pagtingin sa buong paligid. "I like this place, Mer."

"Me, too," walang siglang sagot niya.

BUONG maghapon na hindi nakita ni Meredith
si Tristan. Wala rin ito sa tanghalian. Nang
bandang hapon ay ipinasyal ng tatlong babae
si Edmond sa tabing-dagat.

"What is wrong with you, Mer?" nagtatakang
anong ni Edmond, Nakaakbay ito sa kanya
abang naglalakad sila sa baybayin. Ang dalawang babae ay namumulot ng shells sa
kabilang direksiyon. Pagkatapos ng nangyari sa Coral Island ay minabuti ng dalawang babae na magpahinga muna sa paggamit ng jet ski.

"What could be wrong with me, Ed?" Kumunot
ang noo niya sa pakunwaring pagtataka.

"Kanina ka pa tila wala sa sarili. Are you sick
or something?" Huminto at tinitigan siya nang
husto. "Pero maganda naman ang kulay mo.
Bumagay sa iyo ang pamumula ng balat mo.
But still, do you want me to check your vitals?
You know..." He grinned sheepishly. "I brought
my medical bag."

Kristine Series 55: MONTE FALCO - Island In The SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon