CHAPTER THREE

3.6K 86 5
                                    


KALAHATING oras na silang nasa daan
subalit walang gustong magsalita. Si Meredith
ang hindi nakatiis.

"I'm sorry."

Alana frowned at her. "Saan?"

"Pati ikaw ay nawalan ng pera. It is so disgusting."

"Huwag mong intindihin iyon."

Huminga nang malalim si Meredith. Ang mga
mata ay nanatiling nakatutok sa daan. "Open
book sa inyo ni Marge ang buhay ko, Alana. Kahit kailan ay alam mong hindi naging ina sa akin si Mama sa tunay na kahulugan ng salita. Para sa kanya ay kakompetensiya niya ako sa lahat ng bagay. Sa atensiyon ni Daddy at sa pisikal na mga katangian ko.

"At this point in time of my life, hindi na
mahalaga kung mabibigyan man niya ako ng
pagtinging hindi niya naibigay sa akin sa buong buhay ko. And I don't think she'll do it either. But still, she's my mother. At tulad ng ibang anak ay hindi ko rin naman gustong mabuwag ang pamilya namin."

Nakakaunawang tumango si Alana. Nilingon
siya nito. "I am intrigued by this Andrea woman. Hindi mo siya nasabi sa akin... sa amin ni Marge."

"Because there was nothing to tell," aniya. "Tulad ng narinig mo kanina, sa buong
dalawampu't isang taon ng buhay ko'y apat na
beses ko pa lang nakatagpo si Andrea. The last
was couple of days ago. And yes, she intrigued
me, too."

"Ang daddy mo ba at si... si Andrea ay... oh, forget it." Ibinagsak nito ang katawan sa
sandalan. "I know your father."

She smiled drily. "Gusto mo bang sabihin ay
kung may lihim na affair sina Daddy at Andrea?"

Nahihiyang tumango si Alana. "I'm sorry. I
know your father's an honourable man. At alam kong mataas ang pagtingin mo sa daddy mo. I am only curious. Narinig ko ang mga sinabi ng mama mo. Sinisisi niya ang Andrea na ito sa nangyayari sa kanila ng daddy mo."

"I don't think so," she said with conviction.
"Walang kept woman ang magkakalakas ng
loob na bumisita sa bahay. At sa palagay ko ay
hindi rin papayagan ni Daddy iyon. Kung hindi dahil kay Mama, ay sa akin na lang. My father
wouldn't do that to me."

"Besides, knowing my mother, malalaman
niya iyon dahil sa buong buhay ko'y wala na
siyang pinagselosan kundi si Andrea to the
point na gusto ko na ring mainis sa Andrea na
ito." Only, she was a levelheaded person. At
makatwiran din naman. Hindi dahil lang naiinis
ang mama niya rito ay maiinis na rin siya. "At
narinig mong lahat ang sinabi niya. Sinisisi niya si Andrea pero hindi niya pinagbintangan si Daddy minsan man na may affair dito."

"May katwiran ka roon. Anyway, susundin
mo ba ang sinabi ng mama mo?"

"Masama bang umasam na muling mabuo
ang pamilya namin?"

"No. But that would be unfair to your father.
I mean, iyong igigiit mo sa kanyang patawarin
ang mama mo. Iyong gagamitin mo sa kanya ang katotohanang baka hindi ka tanggihan ng daddy mo. Maliban na lang kung ang daddy mo mismo ang gustong makipagkasundo sa mommy mo."

Hindi siya kumibo. Pero may punto si Alana.
At kahit naman paano ay nasa sulok ng isip niya iyon.

"HINDI mo ba kayang patawarin si Mama,
Daddy?"

"No." Ang determinasyon at galit sa tinig ni
Danilo ay nakabigla kay Meredith. "This isn't the first time."

"What?" She was stunned. Pero sapat iyon
upang mag-flash sa isip ang ilang eksenang
naaabutan at naririnig niya sa mga magulang.
Mga eksenang hindi niya binibigyan ng malalim na kahulugan noong mga panahong iyon.

"Be discreet, Agatha," banta ni Danilo sa
asawa sa mahinahon subalit mariing tinig.
"Hindi ko gustong masaktan ang anak ko. Kung ako lang, sanay na ako sa mga kahihiyang idinulot mo..."

Kristine Series 55: MONTE FALCO - Island In The SunWhere stories live. Discover now