CHAPTER TWENTY-SIX

4K 84 0
                                    

"TRISTAN, makinig ka," aniya. "Hindi binago ni Don Claudio ang testamento niya mula pa noong una niya iyong ipagawa ilang buwan
pagkatapos nilang ampunin si Mommy. Ikaapat
na bahagi lamang ang minana ni Mommy..." She paused.

Tila dinagukan ang dibdib ni Tristan sa matinding kaba. "Hindi sa kawanggawa ipinag-kaloob ni Don Claudio ang lahat ng ito, Meredith? Utang-na-loob, sabihin mong hindi mauuwi lahat sa kawanggawa ang buong lupaing ito na pinaghirapan ng mga matatandang tauhan na linangin at sinupin... sabihin mong pinamanahan ní Don Claudio ang mga matatandang tauhan niya!"

Umiling siya. "No, Tristan. Pakinggan mo ang
sasabihin ko." Ipinaliwanag niya ang narinig mula sa matandang abogado kanina. "At dahil anak ka ni Cornelia, ikaw at ang mga kapatid mo ang legal niyang tagapagmana! Oh, Tristan, I am so happy for you!"

"Ulitin mo ang sinabi mo..." he commanded
in a gruff voice.

"You and your brothers inherited the bulk of Don Claudio's wealth. To quote the lawyer, ito man ay salapi, mga alahas, at di natitinag na mga pag-aari.. lyon ay sapagkat anak ka ni Cornelia. All you need is proof that you're Cornelia's son. At ganoon din ang mga kapatid mong lalaki. A blood test would suffice, if I may say so."

She felt him tense. Nakatitig lang sa kanya na tila siya tinubuan ng dalawang ulo.

"No matter what the lawyer say," patuloy niya. "Hindi ako naniniwalang nalimutan ni Don Claudio ang testamento niya. He had known
about it all the time. Lalo at nakatitiyak kang may hinala na ang matanda na apo ka niya noong nabubuhay pa ito. He could have had easily terminated you, Tristan. Napakadaling itaboy ka mula sa buong Monte lalo at lagi kayong nag-aaway. Gaano man katigas ang puso ni Don Claudio, sa sulok ng dibdib niya ay naroon ang katiyakan at katotohanang hindi niya maiiwan ang buong Monte sa hindi niya kadugo.

"Nabanggit ni Mommy noong unang araw namin dito sa rancho na sa ano mang paraan, dinugtungan mo ang buhay ng lolo mo. You clashed and argued most of the time, pero dahil doon kaya humaba pa ang buhay niya. Isa kang hamon para sa kanya, Tristan. Gusto niyang makatiyak na ganoon na lamang ang pagmamahal mo sa buong Monte, tulad ng pagmamahal at obsession niya sa lupaing ito..."

Hindi pa rin makuhang magsalita ni Tristan. Hindi nito gustong maniwala sa narinig. Subalit hindi magsisinungaling si Meredith sa kanya.

"Hey..."Tinapik ito ni Meredith sa braso. "Say
something..."

Tila robot na inabot nito ang renda ng kabayo
at sumampa roon. Pagkatapos ay inabot ang
isang kamay sa kanya upang sumakay siya sa
likod.

Ilang sandali pa ay tila may pakpak ang stallion sa bilis ng pagpapatakbo ni Tristan. Mahigpit na yumakap sa baywang nito si Meredith. Hindi magawang magtanong dahil sa lakas ng hangin na humahampas sa kanila.

Pumasok sila sa pusod ng gubat hanggang
sa hindi na makuhang patakbuhin nang mabilis ni Tristan ang kabayo dahil sa naglalakihang mga puno at mga naghambalang na mga malalaking ugat ng mga punongkahoy.

Nang matanaw nila ang ilog ay muling bumilis ang pagpapatakbo nito. Namaybay sila sa tabing-ilog hanggang sa ilang sandali pa ay
natanaw na niya ang log cabin.

Malayo pa mula sa cabin ay pinahinto nani
Tristan ang kabayo at bumaba ito. Pagkatapos
ay inabot siya sa baywang at ibinaba mula sa kabayo. Iniwan siyang nakatayo roon at tinalunton nito ang isang muntik yapak. Huminto ito sa may harapan ng isang malaking tipak na bato.

Sinundan ito ni Meredith bagaman nanatiling nakadistansiya. Humigit-kumulang ay nahuhulaan na niyang sa lugar na iyon nakalibing ang mga magulang ni Tristan.

Nakita niyang yumuko ito at dumakot ng lupa. Isinaboy iyon sa pinaglibingan ng mga magulang. "lbinabalik ko ang Monte sa mga
Falco, Itay, tulad ng gusto mong mangyari. At, Inay, ang Falco sa mga Monte." Tumingala ito sa kalangitang natatakpan ng malalaking sanga at dahon ng mga nagtataasang punongkahoy. Pinuno nito ng hangin ang nagsisikip na dibdib. "Ipinapangako kong hahanapin ko sina Leandro at Jose Luis. Buhay man o patay. luuwi ko sila rito..."

Nakita niya ang paggalaw ng mga muscles ni Tristan sa likod. Then his shoulders shook. Alam niyang umiyak ito. Marahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpakawala ng mga luha si Tristan.

Sa isang mahabang sandali ay hinayaan niya ito sa ganoong ayos. Binigyan niya ito ng pribadong sandali sa ano mang damdaming nasa dibdib nito sa mga sandaling iyon.

Nag-init ang sulok ng mga mata ni Meredith.
Isang singhot ang hindi niya napigilang
mapakawalan.

Lumingon si Tristan. Through the mist in her eyes she saw him open his arms for her. Nagmamadali siyang lumapit at pumaloob sa
mga bisig nito.

Mahigpit siya nitong niyakap. Walang ano mang salitang namutawi sa kanilang dalawa sa mahabang sandali. Just the comfort of each other's arms.

DALAWANG araw bago ang kasal, sa mismong
araw ng kasal, at isang araw pagkatapos ng
kasal nina Tristan at Meredith ay walang-humpay sa tuluy-tuloy na pagsasaya ang mga tao sa rancho. Patuloy ang walang-tigil na kainan at kasiyahan sa buong Rancho Monte.

Makalipas lamang ang tatlong buwang paghahanda ay ikinasal sina Tristan at Meredith sa isang dapit-hapon sa mismong yate na ngayon ay nasa pangalan na ni Tristan bilang regalo ni Andrea sa kanilang kasal.

Si Danilo ang naghatid sa anak sa harap ng marriage celebrant. The bride was so lovely in
her off-white long gown. At kay kisig ni Tristan
sa barong-Tagalog nito.

Naroon sina Alana at Margie bilang bridesmaids. Si Edmond, ang tumayong best man--na maluwag nang tinanggap sa dibdib na hindi para dito si Meredith.

Si Andrea ay walang pagsidlan sa kaligayahan. Hindi ito makapaniwalang may ligaya pang naghihintay sa kanila ni Danilo. Subalit ipinangako ng huli sa kanya na gagawin nito ang lahat ng makakaya upang mapadali nito ang proseso upang mapawalang-bisa ang kasal nito at ni Agatha. Na ilang buwan lamang ang hihintayin at sila namang dalawa ang magpapakasal.

I WANT to give
My love to you completely
I beg of you
To listen to my heart
I've never prayed like this before
And I'm asking you not to close the door
For I Can tame the wind and smooth thewaters
If you just let me...

Hawak niya ang driving wheel ng yate habang nasa likuran niya si Tristan at itinuturo ang paggiya sa yate. Isinandal niya ang likod sa dibdib ng asawa habang pinakikinggan ang
awitin mula sa cassette. Nakatanaw sila sa walang hanggang karagatan. They were sailing. Kung saan man sila patungo ay hindi niya alam.

Tristan may take her to the ends of the earth and she didn't care.

She smiled silently habang pinagmamasdan
ang pagbulusok ng isang ibong-dagat sa tubig at ang mabilis nitong muling paglipad paitaas.

And yes, she had tamed the wind and stilled
the waters, tulad ng sinabi ni Andrea.

Itinuro ni Tristan ang Coral Island. "Balang-araw ay magiging akin ang islang iyan," pangako nito. "At kapag nagkaganoon ay hindi na muling papawi ng buhay ang isla nang dahil sa matinding lamig."

Apat na buhay ang binawi sa islang iyon sa nakalipas na maraming taon. Pawang mga mahal sa buhay ni Tristan. Subalit ang nangyari sa kanila sa Coral Island ay nakabawas sa masasamang alaala nito.

"Hmm... I like that, darling. Pero bago ka mangarap na maangkin ang isla, hindi ba puwedeng ako na muna?" nanunuksong sabi
niya at humarap ditto.

"Ang pangarapin o angkinin?" he teased
back.

She pouted, kunwa ay nag-iisip. "Nais kong
pangarapin mo ako... at angkinin..."

His eyes sparkled with happiness and desire.
Kinuha ang mga kamay ni Meredith at hinagkan ang mga iyon. His eyes never left her face.

"Mahal kita. Mahal na mahal..."

"And I love you, too... so much. At pangakong
mamahalin kita habang ako ay nabubuhay, my
darling."

"Huwag mong ipangako ang habang-buhay,
Meredith," he whispered huskily. "Ipangako mo
sa akin ang walang hanggang."

She grinned lovingly. "Then let me rephrase that. I promise to love you forever and ever, my
darling."

He bent his head and claimed her lips.

Kristine Series 55: MONTE FALCO - Island In The SunUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum