CHAPTER SEVENTEEN

3.2K 81 1
                                    

NAPALINGON ang lahat sa dako ng silid ni
Don Claudio. Nanlaki ang mga mata ni Andrea.
Si Tristan ay nahinto sa kung ano man ang balak gawin. Magkasabay na tinakbo ng dalawa ang silid ng matandang lalaki.

Sina Alana at Margie na papasok sa mansiyon ay muntik kang matabig ni Agatha. Gulat na sinundan nila ito ng tingin habang tinatakbo ang kotse ni Edmond. Ilang sandali pa ay mabilis na itong umaatras mula sa driveway
at muntik nang tamaan ang hardinero kung hindi ito mabilis na nakatalon sa mga halamanan.

Noon din ay dinala si Don Claudio sa ospital
sa kabisera sa pamamagitan ng speedboat
upang mas mabilis. Si Tristan ang nagpapatakbo habang nasa likod si Meredith at si Don Claudio na hawak ni Andrea.

Mula sa walang kibuang paghihintay sa labas
ng lCU ay sabay-sabay na napatayo ang tatlo
nang lumabas ang doktor.

"Ikinalulungkot ko, Ms. Monte," wika ng doktor
na tumitingin kay Don Claudio. "Mahinang-mahina na ang papa ninyo. Kahit itakbo pa natin sa Maynila ay wala ring mangyayari. Alam nating darating ito anumang sandali."

Andrea bit her lip. "M-maaari ba namin siyang
makausap?"

Tumango ang doktor. Nilingon ni Andrea si Tristan. "Samahan mo ako."

Umiling si Tristan, tumiim ang mga bagang.
Nakita ni Meredith ang paghahalili ng emosyon sa mga mata nito. Pait, galit, at takot.

"Please, Tristan.." pakiusap ni Andrea.

Humugot ng malalim na hininga si Tristan at
nagpatiuna. Si Andrea ay hinawakan sa braso
si Meredith upang isama sa loob ng ICU.

"Do you think it's a wise idea?" she asked worriedly. "Baka lalong makasama kay Don Claudio ang-"

Malungkot na ngumiti si Andrea, banayad
na tinapik sa braso si Meredith. "llang minuto na lang ang natitira sa buhay niya, Meredith. May sasama pa ba roon?" Hawak ni Tristan ang nakabukas na pinto ng ICU at pumasok sila.

May nakakabit na oxygen hose sa ilong ng
matandang lalaki. Nakapikit ang mga mata a
walang kulay na halos ang mukha. Ginagap ni
Andrea ang kamay ng ama.

"Papa..."

Nagmulat ng mga mata si Don Claudio.
Tinitigan ang anak. Walang bakas ng galit ang
makikita sa mukha nito. Ang naroroon ay isang
mapait na ngiti na nanilay sa tuyot nitong mga
labi.

"It... seems made a mistake about you, Andrea. And Rancho Monte will be taken over by a total stranger." Sa kabila ng panghihina ay
naroon ang galit sa tinig nito.

"Papa.. I-I am sorry..." pahikbing sabi ni
Andrea. "Hindi ako estranghero. Anak ninyo ako kahit hindi ninyo dugo ang nananalaytay sa ugat ko. And you know I love you. You can't deny that. I've spent my whole life caring for you. Sacrificing everything else..."

Hindi iyon sinagot ni Don Claudio. May hinanap ang mga mata nito at nang makita si
Tristan ay bahagya lang kumunot ang noo nito
na sa wari ay inaasahan ng don na naroroon ito. His eyes were a mixture of regret, anger, and something else.

"Were... you in this, too? B-binayaran ka ba
ni Andrea?"

Hindi sumagot si Tristan. Nagtagis ang mga bagang. May pakiramdam si Meredith na gustong magpakawala nito ng mura. Nakikita na niya ang ugat sa leeg ni Tristan sa pagpipigil na lumabas ang ano mang salita. Nakakuyom nang mahigpit ang mga kamay nito.

"Answer me, bastard!"

Naningkit ang mga matang niyuko ito ni Tristan. "Mamamatay ka na lang, Don Claudio.
subalit kasintayog ka pa rin ng mga bundok sa
lupain mo," ani Tristan. Kung apoy ang inilalabas ng mga mata nito sa galit ay natupok na ang matandang lalaki.

Kristine Series 55: MONTE FALCO - Island In The SunWhere stories live. Discover now