EPILOGUE

6K 122 30
                                    

PAGKATAPOS ng tatlong araw na paglalayag
sa karagatan ay muli nang bumalik sa Rancho
Monte sina Tristan at Meredith.

Nasa kalagitnaan pa lang sila ng hagdang-bato ay natanaw na nila si Andrea sa dulo ng hagdan sa itaas at sadya silang hinihintay. Parehong salubong ang mga kilay ng dalawa sa anyo ni Andrea. Nasa mukha nito ang alalahanin.

"May problema ba?" tanong ni Tristan. Humigpit ang pagkakaakbay nito kay Meredith.

Hindi agad makasagot si Andrea. Lumalim
pang lalo ang guhit sa noo nito.

"Mommy? Huwag mo nga akong pakabahin.
What?"

"I-I don't know how to say this..." Inilahad ni Andrea ang mga kamay. "Pero may bisita ka, Tristan. Isang oras na nakaalis kayo ay dumating sila."

"Sila?" Lumalim ang kunot sa noo ni Tristan. Wala itong alam na magiging bisita. Lahat ng alam nitong mga kaibigan at kakilala ay nasa rancho at nagsidalo noong kasal nila ni Meredith tatlong araw pa lang ang nakalilipas. "Sinong sila, Andr---Mommy? Nasaan ang mga bisitang ito?"

"lsa lang ang naghihintay sa iyo, Tristan,"
anito sa nag-aalalang tono."Inihatid lang dito at iniwan na."

Splashes sa tubig ang nagpatuon ng pansin nina Tristan at Meredith sa swimming pool. Isang malakas na tawa ng bata ang narinig nila. Sa swimming pool ay naroon si Danilo at nakatawa sa bata. Kapagkuwa'y natanaw nilang umahon ang bata at muling tinungo ang diving board, inuga-uga.

"I'll make the spin, Tito Dan!" sigaw nito at
tumalikod sa diving board at hinawakan ang ilong at patalikod na nag-dive.

Danilo laughed aloud to Meredith's amazement. Her father never laughed like that.

Nagkatinginan ang mag-asawa. "W-who is
that boy, Mom?"

"Come and meet him." Lumakad patungo sa
swimming pool si Andrea. Ang batang lalaki ay
muling pinanhik ang diving board. "Hijo, umahon ka na." Kinuha nito ang tuwalya na nakasabit sa likod ng lounger upang iabot sa batang lalaki na agad namang sumunod. Sinenyasan din nito si Danilo na umahon na.

"I... I want you to meet... someone..." Sinulyapan ni Andrea ang mag-asawa, hindi maipaliwanag ang ekspresyon sa mukha nito.

"I love it here, Tita Andrea. I love the sea and I wish we could go to that island," wika ng bata at nilingon ang Coral lsland. "I hope you'd let me stay." Pinunasan ng bata ang basang katawan mula sa tuwalyang iniabot ni Andrea matapos umusal ng pasasalamat.

"It's... not for me to decide, hijo..." Nilingon
nito ang mag-asawa.

"But where will l go if you will not let me stay
here?" he asked a little bit worriedly.

"Maybe you can stay with me," Danilo said teasingly. Inabot ang tuwalya mula kay Andrea
at nagpahid ng basang katawan. Palihim na
sinulyapan ang paglapit ng mag-asawa at
ikiniling ang ulo.

Walang kibong lumapit sina Tristan at Meredith. The boy must be around seven years old. Namumula ang balat sanhi ng sunburn. Marahil ay naglagi sa dagat sa nakalipas na dalawang araw.

Muli silang nagkatinginan ni Tristan. The boy must have noticed their approach from his peripheral vision and turned.

"Hello..." tila nag-aalangang bati nito. Pinaglipat-lipat ang paningin sa kanilang dalawa.

"H-hello yourself," ani Meredith na tulad ng bata ay nag-aalangan din. Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang kabang pumalibot sa dibdib niya. The boy had familiar eye shape though his were dark chocolate brown. Pati ang feature ng mukha nito ay pamilyar din at hindi niya gustong tukuyin.

"Hi, Dad. I'm glad you're still here," bati ni
Meredith sa ama.

Ngumisi si Danilo. "l am enjoying my vacation, sweetheart. I'Il be staying for a few more days,"
anito at kinabig sa baywang si Andrea na tinapik ito sa braso. Kapagkuwa'y makahulugang sinulyapan ang bata. "How's the honeymoon?" tanong nito subalit hindi na naghintay ng sagot at inakbayan si Andrea at niyaya na sa loob ng mansiyon. "We'll make sandwiches."

Tinitigan ng bata si Tristan mula ulo hanggang
paa, and child that he was, asked without
preamble.

"Are you my father?"

Si Meredith ay napasinghap at sinundan ng
tingin ang mga magulang na sa tingin niya ay
ipinaubaya na sa kanila ang sitwasyon.

Si Tristan ay bahagyang nanlaki ang mga mata at sa wari ay itinulos na sa kinatatayuan.
Ibinalik ni Meredith ang tingin sa bata. "Who
are you?"

"l am Cole," wika nito at ibinaba ang tuwalya
sa lounger, ipinisik lang ang buhok na halos
umabot sa mga balikat at inilahad ang kamay.

Napilitang abutin ni Meredith ang nakalahad
na munting kamay. "Y-your name again, young
man?"

"Cole... Cole Falco..."

Tristan gasped.

"P-pleased to meet you, Master Cole..." ani Meredith at nang bitiwan ng bata ang kamay niya ay humakbang siya patungo sa upuang bakal at naupo roon. Tila siya papanawan ng lakas.

"Tito Dan and Tita Andrea said you just got married. Actually, the day I arrived here." Alanganin itong ngumiti... sa pilyong paraan. "I
didn't get the chance to be the best man in my
father's wedding. I was late in coming."

Sa kabila ng lahat, Meredith couldn't help the
smile that formed her lips at the boy's humor. The young boy was smart.

"Kanino... kang anak?" Sa unang pagkakataon ay may salitang namutawi sa bibig ni Tristan.

Doon nagkalambong ang mga mata ng bata. Then a soft sigh came out of his mouth.
"My mother died in a car accident three months ago. Her name was... Vivian Luzuriaga." Then the small jaw hardened a little in that so familiar expression as he met Tristan's eyes. "And please don't send me away."

*** WAKAS ***

Basahin po ninyo ang kuwento ng buhay at
pag-ibig ng kakambal ni Tristan na si Leandro
sa Wild Heiress. At abangan po ninyo ang
kasaysayan ng buhay at pag-ibig ng bunsong
kapatid ng mga Monte Falco---si Jose Luis.

https://youtu.be/hdIgDWDkHxA

Harry Belafonte - Island in the Sun 1957 and 1977 lyrics video (Ito yung kinanta ni Tristan)

🎉 Tapos mo nang basahin ang Kristine Series 55: MONTE FALCO - Island In The Sun 🎉
Kristine Series 55: MONTE FALCO - Island In The SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon