CHAPTER TWENTY-THREE

3.5K 76 3
                                    

"ANAK ka ni Cornelia!" hindi makapaniwalang
bulalas ni Meredith. "lsa kang Monte, Tristan!"

"Falco, Meredith. Monte at Falco," pagtutuwid
ni Tristan sa tinig na puno ng emosyon. "Tristan Monte Falco! Kailan man ay hindi maghihiwalay ang dalawang pangalang iyan ng mga magulang ko!" The intensity and passion in his voice shook Meredith.

"W-what happened to your brothers?" Nalilitong tanong niya. Napakaraming lihim ang bulubunduking ito ng Monte Falco--bahagya siyang napasinghap. Hindi niya sinasadya ang pagkakaugnay sa dalawang pangalan sa isip niya.

And it seemed right. Tristan's obsession and passion over the whole place affected her so much. Nang ituon niya ang paningin dito ay
naroon ang matinding lungkot sa mga mata nito. Matinding lungkot na iglap ding naglaho at hinalinhan ng galit at poot.

"Walang nakakaalam kung nasaan sina Leandro at Jose Luis. Nang mamatay ang mga magulang ko ay lumuwas ng Maynila si Andrea upang ipakupkop ako sa mag-asawang dati niyang kamag-aral sa kolehiyo at sandaling naging kaibigan. Si Andrea ang tumutustos sa lahat ng pangangailangan ko. Pati na ang pag-aaral ko..."

"Pagkatapos niya akong iwan sa mag-asawang Leoncio at Julieta ay tumuloy si Andrea sa ospital kung saan nakaratay si Leandro. Subalit wala na ito roon. Nasunog ang ward ng mga bata tatlong araw mula nang iwan nina Itay at Inay ang kakambal ko roon. At nang ipagtanong ni Andrea ang nurse na pinagbilinan ng Inay kay Leandro ay walang makapagsabi kung sino ang nurse na iyon. Walang nangyari sa pagtatanung-tanong ni Andrea. Hindi na muling nakita si Leandro..." Isang pagkalalim-lalim na hininga ang hinugot nito.

"A-ang bunso ninyong kapatid?"

"Hindi alam ni Andrea kung saan nagtatrabaho
si ltay bilang hardinero. Kahit ang mga kapitbahay nila ay wala ring nakakaalam. Ayon sa kanila ay hindi naman makuwento si Inay at lagi lang nasa loob ng barung-barong. lsa pa'y unti-unti nang kinakapos sa pera si Andrea. Nagsisimula nang maghinala si Don Claudio sa maraming pinagkakagastahan nito at ang matagalang pananatili sa Maynila..." His jaw clenched in anger.

"Oh, god..." usal niya. No wonder this man was so bitter and angry. Sabay na nawala rito ang mga magulang at mga kapatid dahil lamang
sa kalupitan ni Don Claudio. Nang bigla ay may maisip siya. "S-sabi mo ay si Mommy ang
tumutustos sa iyo sa kabila ng ipinaampon ka
sa dating kamag-aral?" Isang tango ang isinagot ni Tristan. "B-bakit hindi ka nakatapos? Pinutol ba ni Mommy ang pagtustos sa iyo..." Hindi niya namamalayan, subalit may galit na nakiraan sa tinig niya para kay Andrea kung iyon nga ang ginawa nito.

Umiling si Tristan. "Huwag mong sisihin si Andrea," anito na tila nahuhulaan ang laman ng isip. "Walang palya ang pagdating ng sustento ni Andrea sa akin. Labis-labis pa nga. Mula sa buwanang bayad niya sa mga kumupkop sa akin at sa panggastos ko sa aking pag-aaral..."

"Then why-"

"Nakapag-aral ako sa unang semestre sa unang taon sa kolehiyo at magpapa-enroll na sana para Sa susunod na pasukan nang malaman kong hindi na mapag-aaral ng mga kumupkop sa akin ang panganay nilang anak..." Sinulyapan siya nito "Tatlo ang anak ng mag-asawa. Kaya lingid sa kaalaman ni Andrea, ang sustentong ipinapadala niya sa akin ay siyang ipinagpaaral ng panganay na anak ng mag-asawa..."

"Y-you sacrificed your education for... for them..." she whispered in disbelief. Her heart went out to this hard man, subalit may pusong sinlaki ng buong isla.

"Bilang pagtanaw ng utang-na-loob sa pagkupkop nila sa akin. Ang sarili kong dugo ay itinanggi ako hanggang sa kamatayan." Muli ang pagtigas ng tinig nito, muli ay ang galit na dumaan sa mga mata.

"A-alam ni Don Claudio na apo ka niya kay
Cornelia?"

"Marahil. Wala sa aming dalawa ang gustong
magtanong at magsabi. Subalit nararamdaman
kong alam niya ang tunay kong pagkatao. Ayon kay Andrea ay magkaugali kami ni Don Claudio at kung tititigang mabuti ay magkahawig kami," matabang nitong sabi.

Kristine Series 55: MONTE FALCO - Island In The SunWhere stories live. Discover now