CHAPTER TWELVE

3.4K 81 3
                                    

INILATAG ni Tristan sa buhanging may mga
bato ang trapal. "Ang sobra ay maipantatakip
natin sa ating katawan," aniya. Malit lamang ang kinalalagyan nila, wala pang isang metro ang haba at ganoon din ang lapad. At kumasya lang sila dahil payuko silang pumasok. Labis-labis ang trapal at malaking tulong ang sobra niyon para sa kanila at makapagdudulot ng init dahil plastic. lyon ay kung hindi matindi ang lamig na dulot ng hangin at ang ulan na umaabot sa kanila.

Kung maghahanap sila ng kuweba ay mas
mahahantad sa nagyeyelong lamig si Meredith. Ang kuwebang alam niya ay nasa pusod ng isla. At kapag ganitong madilim at malakas ang ulan at hangin ay malamang na aabutin sila ng ilang oras sa paghahanap niyon.

And Meredith would freeze to death before
ney could even find the cave. He couldn't take
that risk.

"I-I can't seem to stop f-from s-s-shaking."

Muling nagmura si Tristan. Tumiim ang mga
bagang sa pinagsama-samang galit at takot sa
mga pangyayari. Hindi maaaring paulit-ulit na
lang ang trahedya sa islang ito! Hindi lahat ng
mga taong mahalaga sa kanya ay magbubuwis
ng buhay dito sa isla.

Hindi si Meredith!

He had never prayed before. But he was now.
Umaasang malulusutan nila ang panganib.

Itinapat niya ang flashlight sa relong nasa
bisig, alas-sais y medya ang oras na nakabadya roon. Tatlong oras na sila roon. Hindi humuhupa ang hangin at ulan. Lalo pa yatang lumalakas. At tumitindi ang lamig sa kabila ng ang sobrang trapal mula sa nailatag ay nakatakip na sa katawan nila. Nanunuot sa buto ang lamig.

Kinabig nito si Meredith payakap. Hinahaplos
nang mariin ang nanlalamig na mga braso nito.
Napuna niyang gusto itong tangayin ng antok.
Lalo nang lumalim ang takot sa dibdib niya.

"Huwag kang matutulog, Meredith!" singhal
niya rito. "Magsalita ka. Kausapin mo ako!
Awayin mo ako... insultuhin mo ako dahil hindi
kita kayang iuwi pabalik sa mansiyon!"

"B-bakit kita... aawayin? You're... keeping... me company." She was cold and sleepy. She didn't want to talk. Pakiramdam ni Meredith ay namamanhid na ang buong katawan nito. And she knew the danger of hypothermia. Sinisikap
nitong paglabanan ang hila ng antok subalit sa wari ay hindi nito kaya.

"I... am so sleepy, Tristan... and I am so c-c-old... soo c-c-cold..."

"Labanan mo ang antok at lamig, Meredith.
Nakikiusap ako!" Nagpa-panic na siya. Sumisiksik ito sa dibdib niya. Hinawakan niya ito sa mga balikat at inuga nang inuga. Ang trapal ay walang silbi sa kabila ng plastic iyon. Basang lahat ang nasa katawan nila. Ang lamig ng hangin ay sadyang nanunuot sa kanila at inaabot sila ng ulan na dinadala ng hangin.

Sa katayuan ni Tristan ay isang paraan lamang ang naisip niyang gawin. Marahas nitong dinaklot ang buhok ni Meredith sa likod at malakas na hinila. Napaungol ito sa sakit at sa pagkabigla. Nagmulat ng mga mata. Then her eyes grew wider when Tristan bent his head and claimed her lips in a rough and savage kiss.

Tuluyang naglaho ang antok ni Meredith.
She pushed the muscular chest. Lumuwag
ang pagkakayakap dito ni Tristan. Tumingala
Meredith sa kanya sa nanlalaking mga mata.
She was terrified.

"W-W-what are y-you doing?" she asked
horrifyingly through the chatters of her teeth.

"Matagal ko nang gustong gawin ito Meredith," he murmured in her mouth as he again crushed his mouth against hers.

Napaungol si Meredith sa pagkabigla at sa sakit. His tongue was like a whip, lashing her mouth painfully. She twisted free subalit mahigpit ang mga brasong nakapulupot dito.
Idagdag pa ang abala ng trapal at ng gipit nilang kinalalagyan.

Kristine Series 55: MONTE FALCO - Island In The SunWhere stories live. Discover now