CHAPTER EIGHTEEN

3.3K 84 6
                                    

NAMAMANAAG pa lang ang araw sa
silangan subalit naroon na si Meredith sa
veranda at nakatanaw sa karagatan. lyon ang
ikalawang araw mula nang libing ni Don Claudio at sa tantiya niya ay natapos nang lahat ang ano mang dapat asikasuhin buong maghapon kahapon. Ni hindi niya magawang kausapin si Andrea kagabi. Nakita niya ang labis na pagod sa mukha nito nang magpaalam na matutulog nang maaga.

"'Morning," bati nito na lumitaw mula sa
kanang bahagi ng veranda. Next to her room
was Andrea's room.

She smiled at her. " 'Morning."

"Maaga kang nagising, Meredith. Bukas ang
mga bintana ko at French door. Naramdaman ko ang paglabas mo. " Napansin niyang may hawak itong dalawang mug ng kape at inilapag nito sa ibabaw ng barandilya ang isa para sa kanya.

"Mula nang dumating ka rito sa rancho ay ito pa lang ang ikalawang pagkakataong bumangon ka nang ganito kaaga."

"I slept well last night."

The aroma of the brewed coffee tickled
Meredith's nose. Umusal siya ng pasasalamat
at dinala sa bibig ang kape at marahang hinigop. It was delicious. Tamang-tama ang timpla ng kape, kaunting asukal, at kaunting krema. Minsan man sa buong buhay niya ay wala siyang natatandaang ipinagtimpla siya ni Agatha ng kape. Not that she was bitter. Not anymore. Nakita lang niya ang comparison.

"Bago ako lumabas ay pinagmasdan muna
kita. Malayo ang nilalakbay ng isip mo. Si Tristan ba?"

She forced a smile. "What made you say
that?"

"Nakita ko kayo noong libing sa itaas ng
burol."

"Nothing misses you," she said without any
hint of sarcasm.

"Dahil ikaw iyan," she intoned. The she took
a sip of her own coffee. "Lovers' tiff?" she teased after a while.

"There's nothing between me and Tristan,"
pagkakaila niya.

"Nothing, my ass," Andrea uttered playfully
and smiled.

Umiwas siya ng tingin at ibinalik sa dagat ang
mga mata. Gayunman ay patuloy sa paghigop
ng kape. "I'd rather you talk about us. It's long
overdue."

Sumeryoso si Andrea at tumango bagaman
hindi iyon nakikita ni Meredith. Huminga ito nang malalim. "Do you hate me?"

"Hurt is more appropriate," ani Meredith
at lumingon upang titigan ito. "I'll reserve my
judgment after the confession."

Naupo sa isang wicker chair si Andrea at
inilapag sa coffee table ang mug. May ilang
sandali ang pinalipas nito bago, "l was eighteen when I first met your father..." simula nito. "Pareho kami ng unibersidad na pinapasukan sa Maynila at nagkakilala kami sa canteen... nagkabungguan. One thing led to another..." She smiled poignantly at the memory.

Tinitigan ni Meredith ang ina. Hinahanap sa
bawat anggulo ng mukha nito ang sariling anyo. Andrea was prettier when she smiled. At kahit ang mga kaibigan ni Meredith ay iyon din ang katangiang sinasabi sa kanya.

And deep inside, Meredith was so pleased
that she had something in common with her
biological mother. At marahil sa susunod na mga araw ay makakakita pa siya ng mga bagay na namana niya mula rito.

No wonder Agatha was so pissed off. Wala
itong ginawa kundi ang makipagkompetensiya
sa kanya. Pero kung hindi pinairal ni Agatha
ang kasakiman at pagkamakasarili at ninais
nitong mahalin siya mula pa sa pagkasanggol
niya, disin sana'y hindi madali para kay Meredith na mawalan ng damdamin para sa babaeng kinamulatan niya bilang ina. Disin sana'y walang makapag-aalis sa damdaming-anak niya para dito. Subalit walang mahal si Agatha kundi si Agatha.

Kristine Series 55: MONTE FALCO - Island In The SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon