CHAPTER TWENTY-TWO

3.2K 81 11
                                    

"ANO ANG ginagawa mo rito ?" gulat na
tanong ni Andrea nang sa pagpasok niya sa
silid niya ay makitang nakaupo sa gilid ng kama niya si Cornelia. "Sino ang nakakita sa iyo nang pumanhik ka rito?" Lumingon siya sa labas ng silid at pagkatapos ay dali-daling isinara ang pinto.

"Si Yaya Berta lang, Ate Andrea." Puno
ng agam-agam ang tinig nito. Ang dating
magandang mukha ay hapis na ngayon. "Hind
niya ako isusumbong kay Papa."

Agad na niyakap ni Andrea si Cornelia
Nahahabag sa anyo ng kapatid. "Ano ba ang
ginawa mo sa buhay mo? Bakit hindi ka na lang tumelegrama sa akin ? Sana ay hindi ka na lang nagkagasta sa pagparito. Napakalayo nito sa Maynila, Nel..."

"Gusto ko pa ring subukang magmakaawang muli sa Papa, Ate Andrea," humihikbing sabi nito. Hindi para sa akin kundi para sa maa bata..."

"Iniwan mo ba kay Eliseo ang mga bata?"
Inilayo niya ang kapatid mula sa pagkakayakap
dito at hinagod niya ito ng nababalisang tingin. Hinawi niya patalikod ang buhok na bumabagsak sa noo nito.

Patuloy ito sa paghikbi. Tumayo si Andrea at
kinuha ang tissue box sa tokador at iniabot dito. "K-kasama ko si Eliseo at... si Tristan..."

Napamulagat si Andrea. "Kasama mo ang
asawa mo at si Tristan!"

"Gusto niyang dalawin ang pinaglibingan ng
mga magulang niya. Hindi ko siya kayang pigilin doon. Alam kong labis siyang nagdamdam sa nangyari sa mga magulang niya. Galit na galit siya kay Papa. Gusto niya itong sugurin subalit pinigil siya nina Mang Kardo at Aling Santa, at ng dalawa niyang kaibigan."

Napaungol si Andrea. "Sana ay mag-isip na
mabuti si Eliseo. Mabuti naman at nagpapigil."
Umiling siya. "Ang dalawa mo pang anak? Kanino mo iniwan? Bakit hindi mo na rin isinama?"

Lalong lumakas ang iyak ni Cornelia. llang sandali muna ang pinalipas bago muling
nagsalita. "Si... Leandro ay iniwan ko sa ospital.
May sakit ang kakambal ni Tristan, Ate Andrea. Ipinagbilin ko siya sa isang nurse na naging
kapalagayang-loob ko habang nasa ospital kami. lyan ang isa sa mga dahilan kung bakit kami narito. Kailangan ni Leandro ng gamot. May pulmonya siya."

"Ang bunso mo?" Lumakad siya patungo sa
isang chest of drawers. Mula roon ay inilabas
niya ang isang maliit na steel box. Sinusian at
binuksan.

"Iniwan namin ni Eliseo sa amo niya."
Pinahiran nito ng tissue ang mga luha at
bahagyang napangiti. "Tuwang-tuwa nga, eh,
dahil may mapaglilibangan daw sila. Walang
anak ang mag-asawang pinagtatrabahuhan ni
Eliseo, Ate, bilang hardinero. Nakapangutang
na rin kami roon ng ilang beses at hiyang-hiya
na si Eliseo."

Napailing si Andrea sa sinasabi ng kapatid.
Mula sa steel box ay inilabas niyang lahat
ang naroroong pera at ibinigay kay Cornelia
"Dalawang libong mahigit ang halagang iyan.
Nel. Kung kulang pa ay ipadadala ko sa koreo.
Kailangan ko munang mag-isip ng dahilan upang makahingi ng salapi kay Papa.

Muling umiyak si Cornelia sa habag sa sarili.
Pinipigil ni Andrea ang sariling umiyak upang
huwag nang makadagdag pa ng habag
nararamdaman ng kapatid sa saili nito.

Tumingala si Cornelia sa kanya. "Ate, gusto
nang bumalik ni Eliseo rito. Narito ang buhay
niya. Ang trabahong kinasanayan niya..."

Natigilan si Andrea. "Hinihingi mo ba ang
opinyon ko sa bagay na iyan?"

Nagyuko ito ng ulo at umiling. "Buo na ang
pasya ni Eliseo, Ate. Kapag nailabas namin si
Leandro sa ospital ay bibiyahe kami pabalik ng
San Angelo."

Kristine Series 55: MONTE FALCO - Island In The SunWhere stories live. Discover now