PROLOGUE

2.7K 90 9
                                    

NAPABALIKWAS ng bangon si Nez mula sa isang masamang panaginip. Isang masamang panaginip dahil totoo itong nangyari sa kaniya. Tinignan niya ang marka sa kaniyang braso na kinagat noon ng isang asong lobo.

Nakagat siya noon nang minsang pumunta sila ng mga kabundukan kasama ang kaniyang mga kaklase para sa isang field trip. Maraming taon na lumipas pero sariwa pa rin sa kaniya 'yon. Muntikan na rin kasi siyang mamatay dahil doon. Nakagat na nga siya, tumama pa siya sa isang malaking bato dahil para ma-ospital siya na umabot ng isang linggo.

Kaya naman nagkaroon siya ng trauma, ayaw niya sa mga aso. Kapag kasi nakakakita siya ng aso, natatakot na siya. Ayaw niyang may lumalapit sa kaniyang aso. Pakiramdam niya kasi ay sasakmalin siya ng mga nito.

Humugot ng malalim na hininga si Nez saka tinignan ang orasan. It's just 5 in the morning. Napatingin siya sa larawan nila ni Tommy na nakapatong sa bedside table. Si Tommy ay ang fiancé niya. They have been already five years in relationship. And she thought Tommy is the one. So, she said 'yes' when he proposed to her.

Nez didn't get up. Itinuloy niya ang pagtulog niya. Nagising na lang siya mga bandang alas otso ng ng umaga. Bumangon siya, inayos niya ang kama niya at saka siya pumunta sa banyo at naligo.

Since it will be her wedding next week, she needed to have beauty rest. But she doesn't have time to have a beauty rest because she needed to go out to buy groceries for her sister and her aunt.

Mabuti na lang din at sinamahan siya ni Tommy nang nagpasama siya rito. Hindi niya kasi kayang magbuhat ng mga mabibigat. Siya kasi kapag naggo-grocery siya, gusto niya 'yong maramihan na para hindi bili ng bili,

"Can we go to the park before we I'll take you home?" Tommy asked.

"Yeah, sure." Nez nodded and went to the park with Tommy.

Habang nasa parke sila, naramdaman ni Nez na may matang nakatingin sa kaniya. Pasimple siyang tumingin sa paligid niya upang tignan ang mga tao sa paligid nila pero nakita niyang wala namang nakatingin sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ni Tommy.

"Bakit?" Tanong ni Tommy.

"Parang may nakatingin sa akin." Aniya.

Tumingin naman si Tommy sa paligid pero wala siyang nakita nakatingin kay Nez. "You're just being paranoid, Nez."

Umiling si Nez. "Parang talagang may nakatingin sa akin."

Ipinatong ni Tommy ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ni Nez. "Don't worry, you have me." Ibinaba niya ang kamay at hinawakan ang kamay ni Nez.

Inaya niya ang dalaga na umupo sa isang bench.

"I'll buy you some ice cream."

Tumango si Nez. "Thank you."

Nang umalis si Tommy, may isang lalaki ang naglakad palapit kay Nez. The man just stood there and looked at Nez.

Nakita naman ni Nez ang lalaki na nakatayo sa malapit niya kaya tinignan niya ito. Nakaramdam ng kakaibang kaba si Nez nang makita niya ang titig sa kaniya ng lalaki. Hindi 'yong titig na malisyo kundi para itong may gustong sabihin sa kaniya.

The man was handsome. His eyes were beautiful. They are the most beautiful eyes she has even seen.

Humugot ng malalim na hininga si Nez saka nilakasan ang loob na magtanong sa lalaki. "M-may kailangan ka ba?"

The man just stared at her. He didn't even blink. He's just staring at her. Para bang hinihigop ang kaluluwa niya sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya.

"Nez!"

Mabilis na tumingin si Nez kay Tommy. Ibinalik niya ang tingin sa lalaki pero wala na ito sa kinatatayuan nito.

"Sinong tinitignan mo?" Tanong ni Tommy at ibinigay kay Nez ang ice cream.

Alpha Rowan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon