CHAPTER 18

1.2K 66 7
                                    

WHILE Nez was on her way home and driving her husband's car, she noticed that someone is following her. Tinignan niya ang side mirror ng kotse. Kanina pa niya talaga napansin ang itim na kotse na sumusunod sa kaniya. Nagtataka siya kung sino ang mga ito. Nakaramdam siya ng takot lalo na at wala siyang kasama ngayon.

Nang makapasok siya sa Shadow Town, nawala bigla ang kotse na sumusunod sa kaniya. Wala na ito sa likuran niya. Nakahinga ng maluwang si Nez saka muling pinaharurot ang kotse.

While in the black car that was following Nez earlier...

"Hindi ba talaga natin siya pwedeng sundan?" Tanong ng isa sa kasama nito.

"Hindi maaari. Shadow Town na ito. Hindi tayo pwedeng pumasok lalo na at teritoryo na ito ng Shadow Pack. Though she's just a human, we must be careful. I don't even know why our Leader wanted us to follow her." Tugon ng isa.

They are hunters and they were ordered by their leader to follow that woman. Hindi naman nila ito malapitan dahil may mga nakakasalamuha itong mga lobo na miyembro ng Shadow Pack.

"Umalis na tayo rito."

Tumango ang kasama at umalis na sila sa lugar na 'yon at bumalik sila sa kanilang headquarters.

Pagdating naman ni Nez kanilang bahay, hindi pa rin siya nasanay na wala si Rowan na madadatnan niya. Since Rowan gave one of his cars to her, hindi na niya ito masyadong nakikita. Sobrang abala na ito sa trabaho nito pero wala naman siyang karapatang magreklamo. Minsan na lang din silang magkita sa loob ng isang araw, minsan nga aabutin pa ng dalawang araw bago sila magkita ulit. Katulad na lang ngayon, hindi niya nadatnan si Rowan sa bahay nila. Sigurado siyang malalim na ang gabi kung makakauwi ito.

Nez could only do was to sigh. Umakyat siya sa ikalawang palapag ng bahay. Wala siyang ganang magluto dahil wala rin lang siyang ganang kumain ng hapunan. Matutulog na lang upang makapagpahinga siya.

Pagod siya at gusto na niyang magpahinga.

Ibinaba niya ang gamit niya saka siya nagpalit ng damit nang makapasok siya sa loob ng kwarto. Kapagkuwan nakita niya ang red wolf stuff toy na nasa gilid ng kaniyang kwarto. Kusang naglakad ang paa ni Alexa patungo sa stuff toy. Kinuha niya ito at sandaling tinitigan bago niya ito niyakap saka siya bumalik sa kama. Agad siyang nahiga sa kama katabi ang malaking red wolf stuff toy at dahil na rin siguro pagod siya, nakatulog siya kaagad.

MADALING araw nan ang makauwi si Rowan galing sa pack border's patrol. Sinamahan niya ang mga pack warriors nila na magronda sa pack border nila. Kailangan nilang magdoble ingat ngayon lalo na at nararamdaman niya na may mga hunters ang umaaligid sa paligid ng kanilang pack.

Rowan wanted to see his mate so he went to her room. Nakabukas ang pinto ng kwarto ni Nez kaya naman hindi na siya nag-abalang buksan ang pinto. Pumasok siya sa loob ng kwarto ni Nez. Nakapatay ang ilaw at lamp shade pero may liwanag ng buwan ang nagbibigay ng liwanag sa silid.

Rowan walked towards his mate. Natigilan siya nang makita ang kayakap ni Nez habang natutulog.

'How I wish it was me.' Tyler said.

'Someday if she already conquered her fear.' Sabi naman ni Rowan.

Yumuko lang si Tyler.

Ngumiti si Rowan saka umupo sa gilid ng kama ni Nez. Pinagkatitigan niya ang mate niya. Maganda ito at maamo ang mukha. Umangat ang kamay niya at hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha nito.

"Nez..."

Akala niya magigising ito dahil sa pagtawag niya sa pangalan nito pero hinigpitan lang nito ang pagkakayakap nito sa stuff toy na bigay niya.

Tama nga si Tyler. Sana sa isang araw sila na ang kayakap ni Nez habang natutulog. Naiingit tuloy siya sa stuff toy na bigay niya rito. Mabuti naman at pinapansin na nito ang stuff toy na bigay niya. He wanted Nez to conquer her own fear pero kailangan niya itong dahan-dahanin. Hindi ito pwedeng biglain kaya stuff toy na muna. Saka na ang totoong red wolf.

Tatayo na sana siya nang biglang hinawakan ni Nez ang kamay niya. Mabilis niyang tinignan ang asawa pero nakita niyang natutulog ito. Napangiti na lang siya saka tanggalin niya sana ang kamay ni Nez na nakahawak sa kamay niya pero naisip niyang ngayon lang 'to mangyayari kaya dapat sulitin na niya.

So, Rowan didn't move. He stayed in Nez room.

Kaya naman natulog silang magkatabi sa kama habang magkahawak ng kamay.

Nang magising si Nez kinabukasan, nagulat siya nang makita si Rowan sa tabi niya. Pagmulat kasi ng mata niya ito agad ang una niyang nakita. Kumunot ang nuo niya. "Why is he in my room?" Then she felt something in her hand. Tinignan niya ang kamay niya at nakita niyang magkahawak sila ng kamay ni Rowan.

Imbes na magalit si Nez dahil natulog si Rowan sa kwarto niya kusa na lang na gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi. Nararamdaman niya sa puso niya na masaya siyang makita si Rowan. Napatitig siya sa mukha ng asawa. Gwapo si Rowan kaya naman hindi na siya nagtataka na marami ang nagkakagusto rito.

Pero naisip niya habang kasama niya si Rowan, pakiramdam niya ay ligtas siya. Parang wala siyang maramdamang panganib kung ito ang kasama niya. Why is that? Ito ang unang beses na makaramdam siya ng ganun. Hindi niya 'yon naramdaman kay Tommy noon kaya naman nagtataka siya.

The feeling she had when she is with Rowan is different from the feeling she felt when she was with her ex before.

Nez sighed. Binitawan niya ang kamay ni Rowan saka bumangon. Inayos niya ang kumot ni Rowan saka bumaba sa kama. Nilingon niya ang asawa. Hindi niya alam pero wala siyang maramdamang pagkadisgusto na tabi silang natulog. She was actually hoping na maulit pa ito.

Napailing si Nez saka tinampal ang sariling nuo. "What the hell am I thinking?"

Naglakad siya papasok sa loob ng banyo. Naghilamos siya saka sinuklay ang magulong buhok. When she stepped out from the bathroom, she saw Rowan already awake. Rowan smiled at him and she smiled back.

"Good morning."

"Good morning too." Nez greeted back. Doon niya lang napansin na nasa sahig na ang stuff toy na alam niyang kayakap niya kagabi.

"What do you want for breakfast?" Rowan asked as if it was the normal thing in the morning but Nez felt so awkward.

"A-anything." Nez answered.

"There's no anything in the menu, Love."

Nez looked at Rowan. "Basta kahit ano na. Hindi naman ako mapili."

"Okay. Anyway, wala ba kayong pasok ngayon?" Tanong ni Rowan nang makita ang oras. Mostly kasi sa ganitong oras, nakapagpalit na ng uniporme.

Umiling si Nez. "Weekends ngayon, Rowan."

Rowan facepalmed. "Oo nga pala. Nakalimutan ko."

"Ganun ka na ba kabusy dahil hindi mo na namamalayan ang paglipas ng mga araw." Sabi ni Nez saka pinulot ang stuff toy at saka niya ito inilagay sa kama.

Rowan sighed. "Ang dami ko lang kasing iniisip." Aniya. Pero syempre rason niya lang 'yon dahil kadalasang laman ng isipan niya ay si Nez, ang mate niya at wala ng iba.

Bumangon si Rowan. "I'll just go to my room."

Tumango si Nez.

Habang palabas si Rowan sa kwarto ni Nez, hindi niya maiwasang hindi magtaka dahil wala siyang narinig na ano mula kay Nez. They sleep on the same bed and they are holding each other's hand. Hinihintay niya kaninang magsasalita ito pero wala itong sinabi. Parang normal lang.

Did she...

Napakurap si Rowan saka natigilan nang may pumasok sa kaniyang isipan. Is she started to like me now?

Alpha Rowan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon