CHAPTER 8

1.2K 61 1
                                    

"ROWAN?" Nilapitan ni Nez si Rowan na nakatayo malapit sa may bintana.

"May kailangan ka?" Tanong sa kaniya ni Rowan.

Umiling siya. "Anong ginagawa mo? Kanina ka pa dito sa may tabi ng bintana. Ano bang tinitignan mo diyan?"

"Iniisip ko lang kung paano ang gagawin kong pag-amin." Nag-iwas ng tingin si Rowan.

"Pag-amin?" Nagtaka si Nez. "Anong aaminin mo at kanino ka naman aamin?" Tanong niya.

Bumalik ang tingin sa kaniya ni Rowan. Natigilan siya nang makita ang uri ng tingin nito sa kaniya. Para bang may gusto itong gawin sa uri ng tingin nito sa kaniya.

"R-rowan..."

Umangat ang kamay ni Rowan at hinawakan nito ang pisngi niya. "Napakaganda mo, Nez." Bumaba ang tingin ni Rowan sa labi niya. "Can I kiss you?"

Lumaki ang mata ni Nez. "I..."

Hindi na nito hinintay ang sagot basta na lang siya nitong hinalikan sa labi.

Napako si Nez sa kinatatayuan at hindi siya nakagalaw dahil sa paghalik sa kaniya ni Rowan.

Rowan lips moved like he was seducing her to kiss him back and she was seduced. She opened her mouth and accepted Rowan's lips. Kakaibang pakiramdam ang lumukob kay Nez na para bang ayaw na niyang maputol ang halikan nilang dalawa ni Rowan kaya naman ipinikit niya ang kaniyang mata at ipinalibot ang braso sa leeg ni Rowan at ganun din naman si Rowan sa kaniya. Rowan encircled his arms around her waist.

They both deepened their kiss and they are unwilling to break it.

Nez was enjoying the kiss when she heard a howl.

Mabilis na napamulat ng mata si Nez at napahawak sa kaniyang labi. "What the hell did I do in my dream?" Hindi makapaniwalang saad niya sa kaniyang sarili. "Oh my god!"

Bumangon siya at tinakpan ang kaniyang mukha gamit ang dalawang kamay. "It's just a dream. It's just a dream." Sabi niya sa kaniyang sarili. "Hindi 'yon totoo."

Sa dami ng pwede niyang mapanaginipan 'yon pa.

Napailing siya dahil pakiramdam niya totoo ang halik na 'yon. Naipikit niya ang mata. "Bakit ako nanaginip ng ganun?" Tanong niya sa kaniyang sarili. "Nez, anong pinaggagawa mo?" She scolded herself.

Bumuntong hininga si Nez kapagkuwan nakita niyang kumislap ang suot niyang singsing. Natamaan kasi ito ng liwanag ng buwan mula sa labas ng kaniyang kwarto. The wedding ring that Rowan gave her was a silver color wedding ring. It was simple but it cost millions. Kulang pang pangbayad ang buhay niya kapag nawala niya ito na huwag naman sanang mangyari.

Napatingin siya sa bilog na buwan. Nakatapat ito sa bintana niya kaya kitang-kita niya ito. Nez took a deep breath. Bumaba siya mula sa kama at naglakad patungo sa kaniyang bintana. Binuksan niya ito at pinagmasdan ang buwan.

Kapagkuwan bigla na lang siyang nakarinig ng alulong mula sa hindi kalayuan.

Napaatras si Alexa. "No, they can't harm me. Hindi sila makakapasok rito." Aniya.

Kinalma niya ang sarili dahil nagsimula na naman siyang makaramdam ng kaba. Muli siyang naglakad palapit sa may bintana at tinignan ang buwan. Ang laki talaga nito na parang ... may bigla na lang tumalon sa bintana mula sa kwarto ni Rowan.

Nanlaki ang mata ni Nez sa nakita.

Maliwanag ang sinag ng buwan kaya kitang-kita niya kung ano ang tumalon na bagay na 'yon. "What the hell..." sambit niya.

Alpha Rowan (COMPLETED)Where stories live. Discover now