CHAPTER 16

1.2K 71 5
                                    


PANAY ang tingin ni Nez sa pinto ng bahay. Nasa salas siya at kasalukuyang hinihintay si Rowan. Hindi niya nadatnan kanina si Rowan dito sa bahay nila pagdating niya pero may pagkain itong iniwan. Hindi rin ito nagpaalam o nag-iwan ng note man lang para sana alam niya kung nasaan ito.

Napabuntong hininga si Nez. Hindi niya maiwasang mag-alala para kay Rowan lalo na at hindi niya alam kung nasaan ito. Hindi rin alam ni Harry kung saan ang Boss nito pero ayon naman rito, baka raw may importanteng pinuntahan si Rowan.

Tinignan niya ang orasan. Alas diyes na ng gabi pero wala pa si Rowan. Tinawagan niya ang cellphone ni Rowan pero naiwan naman nito sa kusina kaya hindi na niya alam kung ano ba ang dapat niyang gawin. Tumingin siya sa labas at nakita niya ang bilog na buwan.

Full moon pala ngayon. Ang ganda. Aniya habang nakatingin sa buwan.

Sumandal si Nez sa kinauupuan hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.

Nagising na lang si Nez nang marinig niyang bumukas ang pinto. Mabilis siyang tumingin sa may pinto. "Ro?"

Agad na napatingin si Rowan sa may sofa. "Nez?" Gulat niyang saad.

Tumayo si Nez at nagmamadaling lumapit kay Rowan. Tinignan niya ang hitsura nito, mula ulo hanggang paa. Nang makitang maayos ang hitsura nito, nakahinga siya ng maluwang.

"Bakit gising ka pa?" Nagtatakang tanong ni Rowan.

"I waited for you."

Nagulat si Rowan. "Y-you waited for me?"

Tumango si Nez habang nakatitig kay Rowan. Hindi niya napigilan ang sarili na yakapin si Rowan.

Natigilan naman si Rowan dahil sa pagyakap sa kaniya ni Nez. "N-nez?"

"Nag-alala ako sa 'yo." Sabi ni Nez. "Saan ka ba nagpunta?"

Hindi naman alam ni Rowan kung yayakapin rin ba niya si Nez o ano. But before he could decide, Nez let go of him.

"Saan ka pumunta?" Tanong ni Nez. "You left your phone. Hindi kita matawagan. Nag-alala talaga ako sa 'yo."

Rowan stared at Nez. Is this real? Why do I feel like we are a real couple? She's worrying about me.

'She fell to your charm.' Tyler said.

"Ro?"

Napakurap si Rowan. "H-ha?"

"Saan ka nagpunta?" Ulit na tanong ni Nez.

Umiling si Rowan. "Pumunta ako sa bahay ng magulang ko. Ahmm, there's an emergency." Aniya.

Pumunta talaga siya sa pack house para magpalipas ng in heat. Nang medyo kumalma siya saka lang siya bumalik rito pero madaling araw na.

"Pawisan ka rin." Sabi ni Nez saka pinunasan ang pawis sa nuo ni Rowan gamit ang palad niya.

Napatitig na lang si Rowan sa asawa dahil naninibago siya sa mga kilos nito at pinapakita nito sa kaniya.

"Nez, may nakain ka bang hindi maganda? O may sakit ka?" Tanong ni Rowan saka sinalat ang nuo ni Nez.

Ngumiti si Nez. "Wala akong sakit." Hinawakan niya ang kamay ni Rowan na nakasalat sa nuo niya. She felt the sparks emitted but she chose to ignore it.

"Naninibago lang ako sa 'yo. Hindi ka naman ganito dati sa akin." Sabi ni Rowan. "You're distant."

"Bakit hindi ba pwedeng magbago ang pakikitungo ko sa 'yo?" Balik na tanong ni Nez.

Rowan smiled. "I'm not used to it."

Alpha Rowan (COMPLETED)Where stories live. Discover now