CHAPTER 13

1.2K 79 8
                                    

NAGPATAWAG ang principal ng meeting kaya maaga nilang pinauwi ang kanilang mga estudyante. Nez was about to enter the meeting room when Layla stopped her.

"Why are with Rowan yesterday? Anong relasyon mo sa kaniya?" Tanong ni Layla na para bang nagde-demand ng sagot.

Nez looked at Layla flatly. "I'm not obliged to answer you, Ma'am." Laglagpasan na niya sana ito pero hinawakan ni Layla ang braso niya.

"Hindi pa ako tapos magsalita kaya huwag mo akong talikuran."

Nez rolled her eyes. "Oh. Pero ako tapos na. Kaya bitaw nga." Tinapik ni Nez ang kamay ni Layla ng malakas pero hindi naman sa masyadong malakas na masasaktan na ito.

"Ikaw..."

Tumaas ang kilay ni Nez. "Ano? Pwede ba, Layla? Kung wala rin lang kwenta ang mga sasabihin mo sa akin, baka pwedeng huwag mo na lang akong kausapin. Tutal mainit rin lang ang dugo mo sa akin."

Itinuro siya bigla ni Layla. "Ang yabang mo talaga. Porke ba kasama mo ang anak ni Ma'am Re – "

"Anong nangyayari dito?" Saad ng isang boses.

Sabay na napatingin si Nez at Layla sa bagong dating. "Ma'am Rebecca." Sabay nilang saad.

"Nag-aaway ba kayong dalawa?" Striktong tanong ni Ma'am Rebecca.

Sasagot sana si Nez pero naunahan na siya ni Layla.

"Si Nez, Ma'am. Inaaway ako." Sumbong ni Layla. "Wala naman akong ginagawa sa kaniyang masama."

Umirap si Nez sa hangin. "So childish." Saad niya sa kaniyang sarili. Bahagya siyang yumukod kay Ma'am Rebecca saka siya pumasok sa loob ng meeting room.

Napabuga ng hangin si Rebecca saka napailing at tumingin kay Layla. "Ma'am Layla, masyado ka yatang sumosobra. Gusto kong sabihin sa 'yo na huwag ka ng umasa sa anak ko. Rowan has already someone and yes, that's Ma'am Nez. At isa pa hindi ka naman pinapansin ni Rowan." She smiled at Layla. "So, know your place, Ma'am Layla." Then she entered the meeting room.

Kumuyom naman ang kamay ni Layla. Nez was Rowan's. They're together? Hindi siya makapaniwala pero galing na mismo sa bibig ni Ma'am Rebecca ang tungkol kay Rowan at Nez. Kaya ba hindi niya ako pinapansin? Mas maganda naman ako kaysa kay Nez, ah.

Nagpapadyak sa inis si Layla na pumasok sa loob ng meeting room. Nang magtama ang mata nilang dalawa ni Nez. Tinaasan siya lang nito ng kilay. Inirapan naman niya ito.

Gustong matawa ni Nez dahil halatang naiinis si Layla sa kaniya.

"Nandito na ba ang lahat?" Tanong ni Ma'am Rebecca habang nakatayo ito sa harapan.

"Yes, Madam Principal." Tugon ng sekretarya nito.

Tumango si Ma'am Rebecca saka sinimulan na ang pulong.

The meeting was all about the activities that will be held in their school. Everyone of them had their own team and they will lead it.

"At bago matapos ang meeting natin, may isang teacher na darating sa susunod na araw. Isa rin siyang pre-school teacher. Ma'am Nez, may makakasama ka na kaya ang mga bata na nag-aaral sa hapon ay tuturuan na ng teacher na darating. So, babalik na ang half-day class ng mga bata. Sa katabing room na bakante ang gagamitin niya kaya sana magkasundo kayong dalawa." Sabi ni Ma'am Rebecca.

Tumango si Nez. "Sige, Ma'am."

Pagkatapos ng meeting agad na lumabas si Nez para iwasan si Layla dahil kung hindi niya ito iiwasan baka mag-away lang sila. Hindi pa naman siya mahilig sa gulo.

Just after a day, the new pre-school teacher arrived.

Nginitian ni Nez ang bagong dating na guro. "I'm Nez Romero..." tumikhim siya. "Nez Mejia."

Alpha Rowan (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz