CHAPTER 1

1.7K 85 2
                                    

KASALUKUYANG inaayusan si Nez ng make-up artist pero wala pa ang kapatid niya. Wala rin ito kagabi sa bridal party niya. Nagpaalam ito na hindi ito makakapunta dahil may over time ito. Her sister is her Maid of Honor.

"Auntie, wala pa ba si Neraiza?" Tanong niya.

"Wala pa naman. Eh, ano bang sinabi sa 'yo ng batang 'yon?" Tanong naman ng tiyahin niya.

"Sabi niya may over time siya kagabi kaya nga hindi na po siya nakapunta sa bridal showed ko." Napailing si Nez. Minsan talaga nagtatampo siya sa kapatid niya dahil may inuuna nito ang trabaho kaysa sa kaniya pero okay lang, naiinintindihan niya ito dahil ganun rin naman siya minsan.

Ngumiti si Nessie na siyang tiyahin ng magkapatid na Nez at Neraiza. Parehong patay na ang kanilang magulang. Bata pa lang sila namatay na ang mga ito kaya ang kapatid ng kanilang ina ang nagpalaki sa kanila.

May nag-iisang anak naman ang tiyahin nila pero nasa ibang bansa na ito at maganda na ang buhay.

"Oh, ayan, okay na. Ang ganda mo, Miss Nez." Puri sa kaniya ng make-up artist.

Ngumiti si Nez. "Salamat, Jelyn."

Parang kinikilig na ngumiti ang make-up artist bago ito nagpaalam na magbabanyo lang. Nagpaalam rin ang tiyahin na may kukunin lang sa labas kaya naiwan mag-isa si Nez sa harapan ng salamin. Tinignan niya ang hitsura niya sa salamin, ngumiti siya. Napahawak siya sa tapat ng kaniyang puso, mabilis ang pagtibok ng kaniyang puso. Kinakabahan siya at nanlalamig ang kaniyang kamay.

Ganito pala ang pakiramdam ng ikakasal. Sabi niya sa kaniyang sarili.

Humugot siya ng malalim na hininga. Kinuha niya ang cellphone sa purse niya at ite-text niya sana si Tommy pero bigla na lang may sunod-sunod na notification sa cellphone niya. It was an email. Ayaw niya sana itong buksan kaya lang baka importante.

The email was sent by the name of @thirdrankRM.

Kumunot ang nuo ni Nez dahil wala naman siyang kakilalang ganung email. This is her first time to encounter this username. Curious, she opened the mail and she was surprised what's inside the mail. Lumaki ang mata niya at natutop niya ang kaniyang labi dahil sa mga pictures na nakita niya.

It was a picture of Tommy and her sister Neraiza, they were kissing.

Then another mail was sent to her by the same sender. Mabilis niya itong binuksan at video naman ang pinadala nito. Natutop niya ang bibig nang makita kung sino ang nasa video. It was Tommy and Neraiza, they were both naked, and they're kissing hungrily on the bed. There was even a record time on the video and the date was just last night.

Tumulo ang luha ni Nez. Hindi siya makapagsalita dahil sa nalaman niya. The photos, they aren't fake. They're real.

Napahikbi si Nez habang nakatutop ang kaniyang kamay sa kaniyang labi. Kaya naman pala wala ang kapatid niya kagabi. She's working overtime but a different overtime.

"T-tommy, paano mo...nagawa 'to?"

Nang bumalik ang make-up artist galing banyo, nagulat siya nang makitang umiiyak ang bride. "Anong nangyari? Bakit ka umiiyak, Miss Nez?"

Umiling si Nez. Pinilit niya ang sarili na huwag umiyak kahit pa parang pinipiga ang puso niya dahil sa sakit. Masakit ang nalaman niya. She was cheated and betrayed. At sariling kapatid pa niya.

Humugot ng malalim na hininga si Nez. Pinunasan niya ang sariling luha at tumingin sa make-up artist niya. "Jelyn, can you help me?" She asked the make-up artist.

"Anong tulong?" Tanong ni Jelyn. "Your make-up was already mess up. Aayusin ko lang, Miss Nez."

"Jelyn, make me beautiful than I was earlier."

Alpha Rowan (COMPLETED)Where stories live. Discover now