CHAPTER 21

1.2K 63 1
                                    


"I LIKE YOU. I really do."

Nawalan ng imik si Nez at napatitig na lang kay Rowan pagkatapos nitong sabihin ang mga katagang 'yon. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya kaya nakatitig na lang siya kay Rowan pero ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso.

"Ro..."

"Love, c-can you like me too?" Rowan asked as he started to become sleepy.

Nez just stared at Rowan.

"Nez, y-you like me too, right?"

"I... Ro – " Nez' words was cut off when suddenly Rowan fell onto her. Tinignan niya ang lalaki na natumba ang katawan sa kaniya, tulog na ito.

Napailing si Nez saka inayos ang pagkakahiga ni Rowan sa sofa. Pinagkatitigan niya ang binata. "I never expect this, Ro." Natawa siya ng mahina saka hinalikan si Rowan sa nuo. "I think I like you too." She confessed but she will never confess if Rowan was awake.

Wala pang isang taon mula ng break up niya, baka isipan pa ni Rowan na ginagawa niya itong rebound. Mabait si Rowan kaya ayaw niya itong pagsamantalahan. She doesn't want to disappoint him. "But I wonder, gusto mo na ba ako noon? You're too kind to me even we just met each other." Aniya.

Rowan just groaned and snored.

Natawa ng mahina si Nez saka napailing. Pumunta siya sa kwarto ni Rowan at kinuha ang kumot nito. Bumalik siya sa sofa at ikinumot ang hawak niyang kumot rito.

But since Rowan's confession, naramdaman ng dalawa na may nagbago sa kanila. Nez could feel that she and Rowan became closer. Iyon bang parang alam nila at nararamdaman nila ang nararamdaman ng bawat isa sa kanila kahit pa walang malinaw na usapan sa pagitan nila.

Para silang isang normal lang na mag-asawa.

Rowan cooked for his wife and take care of her. Just like what a husband would do to his wife.

Nez also started to like Tyler. Unti-unti na rin niyang nararamdaman na nawawala na ang takot niya sa mga lobo o di kaya sa mga aso. Kapag may nakikita siyang aso sa kalsada, hindi na katulad noon na nanginginig siya sa takot. Parang normal na sa kaniya na makakita ng mga alagang aso sa kalsada.

Parang ngayon, she was jogging and a dog crossed her way. Nilagpasan niya lang ito at nagpatuloy siya sa pagjo-jogging. Nez felt proud to herself because she's faced her fear.

Nang makabalik siya sa bahay nila, naamoy niya agad ang mabangong aroma ng pagkain pagpasok pa lang niya sa pinto.

"Ro, where's Tyler?" Tanong niya sa asawa at nilakasan niya ang kaniyang boses para marinig siya nito.

Pero wala siyang narinig na sagot mula rito kaya naman habang nagpupunas siya ng pawis, naglakad siya patungo sa kusina.

"Ro – " natigilan siya nang makita si Rowan na nakahawak sa counter at nakayuko. Lalapitan niya sana ito pero pinigilan siya nito.

"Don't come!"

Kumunot ang nuo ni Nez dahil parang iba ang timbre ng boses ni Rowan. Parang ang lalim ng boses nito at mapanganib.

"Ro..."

Biglang humarap sa kaniya si Rowan kaya nagulat siya. "Ro?"

Kitang-kita ni Nez ang itim na mata ni Rowan. "A-anong nangyayari sa 'yo?" Nakaramdam siya ng kaba.

Rowan didn't answer her, suddenly, he run outside. "Don't follow me!"

Nagtaka si Nez kung ano ang nangyayari kay Rowan. Tumingin siya sa labas pero hindi niya ito nakita, ang tanging nakita niya lang ay si Tyler na tumatakbo palayo sa bahay.

Alpha Rowan (COMPLETED)Where stories live. Discover now