CHAPTER 29

1.2K 71 5
                                    

THE normal life of Rowan and Nez continued as they feel the sweetness of their marriage life. But Rowan knew better than anyone else that there will one day that Nez will find out about his real identity. Ngunit bago 'yon mangyari, kailangan niya munang i-enjoy ang panahon na kasama ang mate niya.

"Papasok na ako, Ro." Paalam ni Nez nang makababa ito ng hagdan.

Idinipa ni Rowan ang braso. "Come here."

Ngumiti si Nez saka naglakad palapit sa asawa. Yumakap siya rito.

Kinuha naman 'yon ni Rowan na pagkakataon upang yakapin ng asawa ang mahigpit. Hindi niya alam kung ano ang posibleng mangyari oras na malaman ni Nez ang totoo tungkol sa kaniya kaya ngayon pa lang kailangan na niyang sulitin ang pagkakataon.

"Kung makayakap ka naman parang wala ng bukas." Natatawang sabi ni Nez.

"I love you." Rowan kissed his wife's forehead.

"I love you too."

Ipinikit ni Rowan ang kaniyang mata. Ang sarap pakinggan na mahal ka rin ng babaeng mahal mo.

Pinakawalan ni Rowan si Nez. "Sige na. Pumasok ka na sa trabaho mo bago pa man kita dalhin sa ibang lugar."

Kumunot ang nuo ni Nez. "Saang lugar?"

Inilapit ni Rowan ang bibig sa tainga ni Nez. "Sa kama."

"You..." Namula si Nez saka napailing na lang. "Alis na nga ako. Saka na 'yang iniisip mo." Nagmamadali siyang umalis.

Natawa naman si Rowan.

Nez went to work while Rowan attended his Alpha duties.

Katatapos lang ni Nez na magturo at recess time na ng mga bata. Bumalik sa table niya at tinignan ang cellphone niya. She received text from unknown number.

'Rowan Mejia is a werewolf, Nez. Leave him before he hurts you.'

'If you don't believe it. Alamin mo ang totoo.'

Kumunot ang nuo ni Nez at agad na pumasok sa isipan niya kung sino sa kaniya ang nagpadala ng mga mensahe. Wala ng iba. Napailing na lang siya saka ibinaba ang cellphone niya.

"Hi, Teacher Nez." Bati ni Teacher Daphe na kababalik lang sa office nila.

Ngumiti si Nez saka kinuha ang juice sa bag at ininom. Pero habang umiinom siya, may natanggap na naman siyang mensahe.

'Werewolf have strength and speed, Nez. Siguro naman nakikita mo 'yon kay Rowan hindi ba?'

Nagkibit lang ng balikat si Nez pero kapagkuwan natigilan siya at muling binasa ang mga text ni Tommy. Isang beses niya pa itong binasa bago niya binura. Ayaw niyang mabasa ito ni Rowan lalo na at ito minsan ang may hawak sa cellphone niya. Naglalaro lang naman ito nang mga pambatang laro. Yeah, sometimes, Rowan was so childish but cute.

Napaisip si Nez. Minsan na niyang nakita ang kakaibang bilis ni Rowan. Could it be?

May mga napapansin rin siyang kakaiba rito pero hindi niya lang pinapansin pero sa mga mensahe ni Tommy sa kaniya, biglang bumalik sa alaala niya ang mga nakikita niya sa asawa.

Nez sighed.

"May problema ka ba, Teacher Nez?" Tanong ni Teacher Daphne.

Umiling si Nez. "May iniisip lang ako."

Napatango si Teacher Daphne saka nagpatuloy sa pagmemeryenda kasama ang anak nito.

Nahilot ni Nez ang sentido. Tama nga ang sinasabi ng ilan, sakit lang sa ulo ang mga basura... I mean ang mga ex kaya dapat hindi na pinapansin.

Alpha Rowan (COMPLETED)Where stories live. Discover now