CHAPTER 37

1.2K 52 0
                                    

KANINA pa napapansin ni Nez ang dalawang lalaking sumusunod sa kaniya. Kasalukuyan siyang nasa supermarket. Kailangan niyang bumili ng mga personal niyang gamit. Wala si Rowan dahil may meeting ulit ito with other Alphas at isa pa abala ang lahat ng tao sa pack house kaya wala siyang kasama ngayon.

Pagkatapos kunin ni Nez ang mga sadya niyang bilhin, agad siyang nagtungo sa cashier at binayaran ang mga ito. Lumabas siya ng supermarket at nagtungo sa parking lot. Pasimple siyang tumingin sa paligid at nakita niyang wala na ang dalawang lalaking nakasunod sa kaniya. Nakahinga ng maluwang si Nez.

Nez was about to enter her car when suddenly she was attacked from behind. May nagtakip sa bibig niya ng panyo.

Before dark embraces her, she called out her husband.

Rowan...

BIGLANG nabitawan ni Rowan ang hawak na baso nang marinig niya ang pagtawag sa kaniya ng asawa mula sa mindlink nilang dalawa. Nabasag ang baso na bumagsak sa sahig at gumawa ito ng malakas na ingay.

"Alpha Rowan, what happened?" Prince Dimitri asked.

"My mate..." Usal ni Rowan.

He tried to connect to Nez but he didn't get any response.

"Is your wife, okay?" Prince Dimitri asked.

Umiling si Rowan. "I don't know." Pasimple siyang napahawak sa kaniyang dibdib. "I'm worried about her."

"Maybe you missed her." Sabi ni Alpha Aziel.

Umiling si Rowan. "Hindi ganito ang nararamdaman ko kapag namimiss ko siya. Why do I feel worried and uneasy?" tumayo siya saka yumuko kay Prince Dimitri. "I apologize, your highness. I'll take my leave now."

Tumango si Prince Dimitri kaya nagmamadaling lumabas si Rowan ng meeting room.

"Harry, let's go." Nagmamadaling saad ni Rowan.

"Alpha?" Harry noticed the uneasy expression on Alpha Rowan's face.

But Rowan ignored connects to the pack link. 'Everyone, find your Luna now.'

Rowan didn't get any response but he knew that the pack warriors and his pack members are willing to help to find their Luna.

Tinawagan ni Rowan ang cellphone ni Nez pero hindi ito sumasagot kaya naman mas lalo siyang kinakabahan. Tinignan niya ang tracker ng cellphone ni Nez. It's not that he doesn't trust his wife but he made sure that he knew where she was in times of emergency.

"Harry, let's go back to our pack." Ani Rowan. Mabilis siyang tumakbo papuntang kakahuyan at nakasunod naman sa kaniya si Harry.

They ran with their human form.

When they reach the Shadow Pack, muling tinignan ni Rowan ang tracker ng cellphone ni Nez. Nakita niyang naroon ito sa supermarket kaya pumunta sila doon ni Harry. But when they got into the supermarket's parking lot, he saw Nez' phone on the ground.

"Love..." he whispered.

Mas lalong dumoble ang kabang nararamdaman ni Rowan.

"Alpha, the cctv."

Mabilis na pinuntahan ni Rowan at Harry ang security room ng supermarket. And there they saw two men kidnapped his wife. Kumuyom ang kamay ni Rowan nang makita niya ang tattoo nang mga ito.

"Hunters..."

"Alpha, anong gagawin natin?" tanong ni Harry na ngayon ay nag-aalala na din.

Iisang tao lang ang pumasok sa isipan ni Rowan na pwedeng makatulong sa kanila sa mga oras na 'yon para malaman nila kung nasaan ang asawa niya. But when they got into the apartment, Neraiza wasn't there anymore. Ang tanging nakita na lang nila ay ang prosthetic silicon belly.

Alpha Rowan (COMPLETED)Where stories live. Discover now