CHAPTER 12

1.2K 77 6
                                    

"MASYADO ka yatang nagpapakitang gilas kay Ma'am Rebecca." Sabi ni Layla nang makalapit ito kay Nez.

Tumingin si Nez sa kaparehong guro. Pre-school ang itinuturo niya habang si Layla ay Grade level. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya rito.

Layla gave her a scornful smile. It clearly shows that Layla doesn't like her. "I saw Ma'am Rebecca went to your room. Nagharap kayong kumain. At halatang nagpapakitang-gilas ka. Pumapapel ka."

Imbes na mainsulto si Nez, tinawanan na lang niya ang sinabi ni Layla. "So, you spied on me?"

Umirap si Layla. "Huwag ka namang masyadong mag-assume. Sino ka ba naman?"

Ngumiti si Nez. "Hindi ko naman ako nag-a-assume pero ikaw ang nag-o-overthink. For your information, hindi ako nagpapakitang gilas kay Ma'am Rebecca. Siya ang pumupunta sa room ko. Para sa akin walang masama doon." Walang emosyon niyang saad.

"Talaga ba? Mabait si Ma'am Rebecca kaya baka naman tine-take advantage mo ang kabaitan niya?" Layla crossed her arms.

Napabuga ng hangin si Nez. Kung wala lang sila sa paaralan, malamang sinagot na niya ito pero kailangan niyang kumalma. "Ma'am Layla, we are both educators. Ang una nating itinuturo sa paaralan maliban sa mga aralin na nasa libro ay values. So, I advise you to read your values books again baka sakaling may matutunan ka. Masyado kasing magaspang ang ugali mo. Wala naman akong ginagawang masama sa 'yo pero mainit ang dugo mo sa akin. But anyway, I don't care about that. I only care about my work." Nginitian niya si Layla. "May I remind you we are both educators, Ma'am." At tinalikuran na niya ito at tinahak ang daan papunta sa kaniyang klase dahil kanina pa nauna doon ang mga estudyante niya pagkatapos ng flag ceremony. Hinarang lang siya ni Layla.

Napailing na lang si Nez.

Habang si Rebecca na kanina pa pala nakikinig sa hindi kalayuan ay napangiti na lang. Nez was calm and not reckless. And Nez could handle Layla. That's good.

Layla Mendez was one of her teachers in this school. Ayaw niya sa babae dahil sa pag-uugali nito. Lumalapit lang naman ito sa kaniya dahil kay Rowan. Layla was interested on her son but Rowan wasn't interested because he has a mate, that was Nez, and Layla was just a human. Alam niyang nakita ni Layla ang anak niya noong minsang hinatid siya ni Rowan dito sa school. Magaling lang itong magturo ng mga bata kaya hindi niya ito tinatanggal bilang tagapagturo ng mga bata.

Pero sa totoo lang, magaspang talaga ang ugali ni Layla at hindi lang si Nez ang pinag-iinitan nito. Minsan naririnig rin niya ang mga ibang guro na pinag-uusapan si Layla at halos walang maganda ang mga itong masabi tungkol kay Layla.

Napailing na lang si Rebecca saka nagtungo sa kaniyang opisina.

"GOODBYE, Teacher Nez!" Paalam ng mga batang tinuturuan ni Nez bago ang mga ito lumabas ng classroom.

Ngumiti si Nez. "Goodbye! See you again tomorrow."

Napahinga ng malalim si Nez nang makaalis ang lahat ng kaniyang mga estudyante. Umupo siya sa kaniyang upuan at nagpahinga bago niya inayos ang kaniyang mesa. Pagkatapos niyang ayusin ang kaniyang mesa at magwalis sa loob ng classroom, nagdilig siya ng mga halaman sa labas ng classroom.

"Masyado kang masipag, Nez."

Napasinghap si Nez at mabilis na napapihit sa harapan nang marinig niya ang boses ni Rowan. "Ro?"

Rowan chuckled. "Bakit parang gulat na gulat ka?"

Tinignan ng masama si Nez. "Sinong hindi magugulat kung bigla ka na lang magsasalita diyan sa likuran ko?"

Rowan smiled. Hinubad niya ang suot na coat. Kinuha niya mula kay Nez ang hawak nitong hose saka niya ibinigay rito ang coat niya. "Ako na ang magdidilig." Aniya.

Alpha Rowan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon