CHAPTER 28

1.1K 73 3
                                    

IT WAS Saturday and Nez doesn't have class but she still went to the school to do some cleaning and gardening. Kasama niya ngayon si Daphne. Katatapos lang nilang linisan ang classroom nila at sunod naman silang inasikaso ang maliit na garden sa harapan ng room.

But then Nez stop on her tracks when she heard a familiar voice.

"Ate..."

Maging si Daphne ay napatigil rin nang marinig ang boses na 'yon.

Lumingon si Nez at nakita niya si Neraiza.

"Neraiza..." she muttered.

Ilang buwan niyang hindi nakita ang kapatid niya at hindi niya maikaila sa sarili niya na namiss niya ito kahit pa ganun ang ginawa nito sa kaniya. After all, past is past. At isa pa wala na siyang nararamdaman kay Tommy at pakiramdam niya sa sarili niya nawala na rin ang galit niya sa kapatid niya.

Nez took a deep breath and smiled to her sister. "Neraiza..."

"Ate..."

Naglakad palapit si Neraiza sa Ate Nez nito. "Ate, I'm so sorry." Tumulo ang luha ni Neraiza.

Ngumiti ni Nez. "Follow me." Sabi niya sa kapatid niya then she excused herself from Teacher Daphne.

Dinala ni Nez si Neraiza sa loob ng classroom. "Maupo ka. Anong ginagawa mo rito?" Deretsahan niyang tanong sa kapatid.

Umupo si Neraiza sa isang upuan saka napayuko. Hiyang-hiya siya sa kapatid niya pero wala siyang magagawa. Ito lang ang taong alam niyang makakatulong sa kaniya at wala ng iba.

"Ate, I'm sorry."

Tipid na ngumiti si Neraiza. "Pinatawad na kita, Neraiza. Though you betrayed me but it was already in the past. Sa tingin ko kalimutan na lang natin 'yon."

"Ate..."

Sinapo ni Nez ang mukha ng kapatid. "Anong nangyari? Bakit ka nandito? Mabuti at nahanapan mo ako."

"I secretly looked for your address on Tommy's phone, Ate. And thank god that I have found you."

Kumunot ang nuo ni Nez. "What do you mean?"

"Ate," tumulo ang luha ni Neraiza, "I'm pregnant."

Agad na bumaba ang tingin ni Nez sa tiyan ng kapatid. "Really? What did Tommy say?" tanong niya.

Umiling si Neraiza at mas lalong bumuhos ang luha nito.

"What do you mean by crying, Neraiza?" seryosong tanong ni Nez.

"Ate, wala na akong alam na ibang taong malalapitan kundi ikaw. Please, Ate, talk to Tommy. She doesn't want to acknowledge my pregnancy."

Kumuyom ang kamay ni Nez. "He what?" nakaramdam siya ng galit kay Tommy.

So, that day, she went to Tommy's place. Tinanong niya si Neraiza kung nasaan ito at agad naman nitong sinabi kaya pinuntahan niya ito. Nagpaalam siya sa asawa niya kaya pinasama nito sa kaniya si Harry.

But unbeknownst to Nez, Rowan followed her.

Arriving at Tommy's office, Nez stormed in his office and saw him kissing a woman.

"Nez!" Mabilis na napatayo si Tommy nang makita si Nez saka pinaalis ang kahalikan nitong babae. "It's not what you think. I can explain."

Napailing si Nez. "There's no need for you to explain, Tommy. Matagal na tayong wala. Nandito lang ako para kausapin ka tungkol kay Neraiza."

Napabuga ng hangin si Tommy. "Nez, hindi ako ang ama ng ipinagbubuntis ng kapatid mo."

Isang malakas na sampal ang iginawad ni Nez kay Tommy.

Alpha Rowan (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin