CHAPTER 15

1.2K 74 1
                                    

"OH MY GOD!" Nagulat si Nez nang makapasok siya sa kaniyang kwarto at nakita niya ang isang malaking lobo sa loob ng kwarto niya. Hindi totoong lobo kundi isang malaking stuff toy. A human size red wolf stuff toy.

Wala ng ibang maisip si Nez na pwedeng maglagay nito sa kwarto niya kung hindi si Rowan. Napabuga siya ng hangin saka nilapitan ang malaking stuff toy. Kung totoong lobo 'to, siguradong natakot na siya. Kinuha niya ang malaking stuff toy saka inilagay sa gilid ng kwarto niya pero may nahulog rito na note.

'This could help you to conquer your fear. Next time, totoong lobo na.' – Your husband, Rowan.

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Nez saka siya napailing.

Hindi niya alam pero napapangiti na lang siya kapag si Rowan ang gumagawa sa isang bagay kahit hindi naman nakakatuwa.

Nagpalit si Nez ng uniform at lumabas ng kwarto. Bumaba siya sa kusina. Nanibago siya nang hindi niya makita si Rowan sa kusina. Ito ang unang beses na hindi niya nakita si Rowan sa kusina pagdating niya ng hapon sa bahay nila.

"Saan naman kaya 'yon? Opisina?" Wala na siyang ibang maisip na ibang kinaroroonan ni Rowan kung hindi sa kumpanya nito.

Unbeknownst to Nez, Rowan is currently fighting against the rogue with his pack warriors. They went to help the Dark Wood Pack. Magkatabi lang ang pack nila kaya madali lang para sa Shadow Pack na tumulong kung gugustuhin nila.

"Dammit! Where did this group of Rogue came from?" Inis na tanong ni Ian habang nilalaban ang mga Rogue.

"Mabuti nga at wala silang Hunters na kasama." Saad naman ni Harry. Ibinalya niya ang hawak na Rogue sa puno.

Ian groaned and continued to fight the group of Rogues.

The two Alphas, Alpha Rowan and Alpha Aziel, were also fighting the rogues.

Hinawakan ni Rowan ang leeg ng isang Rogue saka ito binali.

Aziel shook his head. His really ruthless when it comes to Rogue but he's softhearted when pity hit him.

Nang mapatay nila ang lahat ng Rogue, agad nilang tinignan kung may mga sugatan.

"Bring them to the Pack Doctor." Utos ni Alpha Aziel. "Your wound?" He asked Alpha Rowan.

"I'm fine. Naghilom na."

Tumango si Alpha Aziel.

Alpha Rowan looked around. "Hindi ko lang maintindihan. Why are they in a group? Is someone instigating them?"

Umiling si Alpha Aziel. "I don't know, Rowan. Maybe there is someone instigating them but I don't care who is he. All I could do is to do my best to protect my pack members."

Tahimik na sumang-ayon si Alpha Rowan sa sinabi ni Alpha Aziel.

Kahit sino pa ang darating na kalaban nila, wala silang magagawa kung hindi ang lumaban upang protektahan ang mga pack members nila. Pero napapaisip siya dahil palaisipan sa kaniyang kung bakit grupo ang mga Rogue na sumusugod sa kanila. Mostly, Rogue is alone. Wala itong kasama kaya naman alam niyang may mga tao sa likod ng mga nangyayari. Alam niyang may nag-uutos sa mga Rogue upang sugurin sila pero kahit sino pa ito, kailangan niyang maging handa.

"Alpha, Miss Nez was already home." Harry informed.

Mabilis na tinignan ni Alpha Rowan ang sariling wrist watch at napamura na lang siya nang makita ang oras. "Shit! I need to go home."

"Why? Is your wife going to ground you if you don't go home in time?" Natatawang tanong ni Alpha Aziel. He wanted to tease Alpha Rowan.

Hindi pinansin ni Rowan ang sinabi ni Alpha Aziel. He quickly left the place and went home.

Alpha Rowan (COMPLETED)Där berättelser lever. Upptäck nu