CHAPTER 35

1.3K 67 2
                                    

"WAIT, Neraiza. Ano bang ginagawa mo sa akin?" nagtatakang tanong ni Nez habang pilit siyang inaayusan ng kapatid niya.

"Ate, huwag kang magulo, okay? Para matapos ko na din ang pag-make up sa 'yo." Neraiza said and rolled her eyes.

Napabuntong hininga si Nez. "Bakit mo nga ako inaayusan?"

"Ate, umupo ka na lang ng maayos para matapos na 'to. May date kayo ng asawa mo kaya umayos ka na." Masungit na sabi ni Neraiza.

"Ang sungit mo. Buntis ka talaga." Napapailing na sabi ni Nez sa kapatid.

Neraiza rolled her eyes again. "Ate, mana lang sa 'yo."

"Hoy. Hindi ako masungit."

Neraiza tsked. "Should I ask your husband then?" she asked.

"Argh! Ayusan mo na nga ako." Inis na sabi ni Nez. "At teka anong date? Wala naman akong maalalang may date kami ni Rowan."

"Ooopps!" Neraiza covered her mouth with her hands but she smiled and spoke. 'That's what I heard." Aniya saka ipinagpatuloy ang pag-aayos sa kapatid niya.

Naguguluhan talaga si Nez sa kapatid niya. Actually, nagulat siya kanina nang makita niya ang kapatid niya na dumating sa pack house at sinabi nito na aayusan siya. For what occasion? Wala naman siyang maalalang okasyon.

After Neraiza finished Nez' make up, inayos niya ang buhok nito.

"Kailan ka manganganak, Neraiza?" tanong ni Nez nang makita niya ang tiyan ng kapatid niya sa salamin. Halata na ito.

"Malayo pa, Ate."

Napatango si Nez. "If you need help, I will be just here."

Neraiza smiled. "Thank you, Ate."

But then Nez saw the guilty expression of her sister and she knew why. Ngunit hindi nagsalita si Nez. Though it was already in the past and she already moved on but her sister still betrayed her.

"Ate, this is your dress." Neraiza put a white long dress on the bed.

"Thanks."

"Iiwan na kita, Ate. May appointment pa ako sa doktor ko." Paalam ni Neraiza at niyakap si Nez. "Ate, mag-ingat ka kay Tommy." Bulong niya.

Nez stared at her sister when she let go of her.

Ngumiti lang si Neraiza saka umalis.

Anong ibig sabihin ni Neraiza? tanong ni Nez sa kaniyang sarili.

Kapagkuwan napatitig siya sa damit na nasa kama. "Ano naman kaya ang nakain ni Rowan at gusto niyang mag-date kaming dalawa?"

'Rowan?'

'Yes, Love?'

Tumaas ang isang kilay ni Nez. 'Really? A date?'

Rowan chuckled. 'Yeah, a date followed with a hot steamy night.'

Namula ng bongga si Nez at hindi na niya tinugon si Rowan. At hindi na niya ito pinansin nang magsalita pa ito.

Isinuot na lang niya mahabang damit na nasa kama saka tinignan ang hitsura sa salamin. Nez smiled to herself. "It's all good." Aniya. Kinuha niya ang wedge sandals niya saka isinuot.

Though nagtataka siya kung saan siya dadalhin ni Rowan. Her question was answered when she reaches the location. It was a fine-dining restaurant.

"Sigurado ka bang dito, Harry?" tanong niya kay Harry na siyang naghatid sa kaniya sa restaurant.

"Yes, Luna. Alpha is waiting for you inside." Ani Harry.

Nez took a deep breath before she stepped out from the car and entered the restaurant. She immediately saw her husband waiting for her. Sinalubong siya nito at niyakap niya nang makalapit ito sa kaniya.

Alpha Rowan (COMPLETED)Where stories live. Discover now