CHAPTER 5

1.5K 69 2
                                    

NEZ stared at Rowan's house and sighed. Gusto niyang pagtawanan ang kaniyang sarili dahil nagpakasal siya sa isang hindi niya kilalang tao. Hindi natuloy ang kasal nila ni Tommy dahil sa ginawa nito pero nagpakasal siya sa isang estranghero dahil sa kagagawan ng kapatid niya.

Great! What a life.

Napailing na lang si Nez at pumasok sa loob ng bahay ni Rowan. Kakalipat niya lang ng mga gamit niya dito kahapon. Dito siya titira ng isang taon. Ang tagal namang lumipas ang isang taon. Gusto na niyang umalis sa bahay na 'to.

"Miss Nez, nasa likod ng bahay si Alpha..." Tumikhim si Harry. "...si Sir Rowan. Hinihintay kayo."

Kumunot ang nuo ni Nez. "Bakit daw?"

"Hindi ko rin alam, Miss Nez. Basta ang pinapasabi niya sa akin ay papuntahin ko kayo roon."

"Okay." Tumango si Nez.

Lumabas siya ng back door at nakita niya si Rowan na nakaupo sa upuan na nasa likod ng bahay. Malilim ang likuran kahit pa mataas na ang sikat ng araw dahil sa malaking puno na nakatayo sa likuran ng bahay.

"Pinapatawag mo ako." Sabi ni Nez kay Rowan nang makalapit siya rito.

Tumango si Rowan. "Have a seat."

Umupo naman si Nez sa tapat ng kinauupuan ni Rowan. Napatingin siya sa pagkain na nasa harapan nito.

Rowan smiled. "Eat."

Kumunot ang nuo ni Nez. "Uh..."

"Pinatawag kita rito para may kasabay akong kumain." Sabi ni Rowan.

"Oh. I'm still full. Thank you." Sabi ni Nez. Tatayo na sana siya nang pigilan siya ni Rowan.

"Don't go. Accompany me for a little while."

Nez sighed and obeyed Rowan.

Rowan looked at Harry who were standing few meters away from them. "Take the food away."

Lumapit si Harry at kinuha ang pagkain na nasa lamesa.

Nagtaka naman si Nez. Akala ko ba kakain siya? Why did he ordered Harry to take the food away?

Ang hindi alam ni Nez ay gusto siyang makasalo ni Rowan – ng asawa niya – na kumain.

Hindi na pinansin ni Nez ang ginawa ni Rowan. Hindi naman siya ang magugutom kung hindi ito kakain. Napatingin siya sa hindi kalayuan. Malapit ang bahay ni Rowan sa kakahuyan. Ngayon niya lang ito napansin.

"Anyway, here."

Ibinalik ni Nez ang tingin kay Rowan. May kinukuha ito sa wallet nito.

"Keep my Black Card in case that you will be short of money. And to buy groceries for the house and other necessities." Rowan said.

"No need. I have money." Deretsang abi ni Nez. "Just keep your card. Hindi ko kayang bayaran ang laman ng card na 'yan kung sakaling nawala ko."

"We can freeze it."

Umiling si Nez. "I forgot to tell you, Mr. Mejia. While we are playing as husband and wife, don't give me money or other material things. I don't want other people to think that I am taking advantage of you. After all, we don't love each other. Mas mabuti na lang siguro na gawin natin, we can act couple outside but inside the house, please, keep your distance. I mean, me too. I will keep my distance from you."

Feeling exhausted by hearing those words, Rowan could only close his eyes. Hindi na siya nakipag-argumento kay Nez at hindi na rin siya nagsalita at ipinilit ang kaniyang gusto. Ibinalik niya ang Black Card sa kaniyang wallet.

Alpha Rowan (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant