CHAPTER 20

1.2K 74 3
                                    

NAPASINGHAP si Nez nang makapasok siya sa sala at nakita niya ang alaga ni Rowan na si Tyler na nakahiga sa mahabang sofa at mukhang natutulog. Lumunok si Nez dahil sa kaba. Nagdadalawang-isip siya kung ihahakbang ba niya ang paa papasok sa loob ng bahay o aatras siya para hindi ito magising.

Nez stilled when she saw the ears of Tyler stand like he hears something.

"Ro, masasakal talaga kita kapag nakita kita." Gigil na saad ni Nez. Takot siya sa alaga nitong si Tyler kaya naman hindi na siya pumasok sa living room. Umikot siya patungo sa kusina. Pumasok siya sa kusina pero nagulat siya nang makapasok siya sa loob ng kusina at nakita niyang nakaupo doon si Tyler.

"You..." Itinuro ni Nez ang lobo. "Ayaw mo ba akong papasukin?"

The red wolf suddenly stands and wagged his tail.

Kumunot ang nuo ni Nez. "Ikaw...alaga ka ni Rowan. I'm living here so can I come in?" she asked.

The wolf just wagged his tail like he was happy.

Nez saw the wolf's eyes. Parang nagliwanag ang mata nito. Then the wolf suddenly stepped back and run towards the living room.

Nakahinga ng maluwang si Nez saka pumasok sa loob ng bahay. Isinara niya ang pinto ng kusina saka naglakad patungo sa sala. Ipinikit niya ang kaniyang mata nang makalabas siya ng kusina, naalala niyang katabi pala ng kusina ang living room. Tinignan niya ang living room pero ang kaba na nararamdaman niya ay nawala nang hindi niya makita ang lobo sa salas. Nagtaka siya. "Nasaan na 'yon?"

Ano ba talaga, Nez? Takot ka ba o nag-aalala ka sa lobong 'yon? Hello, baka umalis. Saad ng konsensiya niya.

Bumuntong hininga na lang siya saka napailing. Baka umalis na 'yon.

Nagkibit siya ng balikat saka umakyat ng hagdan.

The next day, pagdating niya ng hapon, nadatnan niyang muli si Tyler sa salas. Kaya naman dumaan siya sa kusina pero hindi na katulad ng kahapon na sinalubong siya nito sa may kusina. Nakahinga siya ng maluwang saka siya umakyat ng hagdan.

"Sinasadya mo bang ilagay ang alaga mo sa living room, Ro?" Tanong ni Nez kay Rowan habang magkaharap silang kumakain ng hapunan.

"Alaga ko?" Bumaba ang tingin ni Rowan sa alaga niya.

"Perv!" Binato ni Nez si Rowan ng kamatis. Hindi naman ito agad nailagan ni Rowan. "Si Tyler ang tinutukoy ko hindi 'yang a-alaga mo..." Namumulang saad ni Nez.

Tumawa ng malakas si Rowan. "Nagbibiro lang ako. Of course, alam kong si Tyler ang tinutukoy mo."

Umirap si Nez.

"But you're cute when blushing." Dagdag ni Rowan habang nakangiti. "Yeah, I did. Sinadya kong inilagay doon si Tyler para may sasalubong sa 'yo kapag dumating ka ng hapon pero pinauwi ko na siya sa bahay ng magulang ko. Bakit? Ayaw mo ba?"

"Is that your way to help me on conquering my fear?" Nez aksed.

Tumango si Rowan. "Yeah."

Napaisip si Nez. Kunsabagay tama naman si Rowan pero makakaya niya kaya?

"You can do it." Sabi ni Rowan. "The one who can help you to conquer you fear is your own self, Love. Not me."

"Love? Nez ang pangalan ko at hindi 'love'."

Ngumiti si Rowan. "My endearment to you."

Nez wanted to ask Rowan if why is he giving him an endearment but she opted not to. Nagbaba siya ng tingin saka nagpatuloy sa pagkain.

Katulad ng nangyari kahapon, nadatnan muli ni Nez si Tyler na nasa salas, nakahiga ito sa sofa at natutulog. Ganun na ganun ang nangyayari tuwing darating ng hapon si Nez galing sa trabaho. Lagi niyang nadadatnan si Tyler sa living room. Minsan nadadatnan niya itong tulog, minsan gising naman ito. Laging dumadaan si Nez sa kusina pero isang araw nasanay na yata siya sa presensiya ni Tyler kaya naman minsan sinubukan niyang dumaan sa living room.

Alpha Rowan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon