CHAPTER 19

1.3K 75 2
                                    

NEZ has nothing to do. Even if it's weekend, may biglaang lakad si Rowan. Titignan nito ang hotel na pinapatayo malapit sa Shadow Town. Hanggang ngayon hindi pa niya natatanong si Rowan kung bakit Shadow Town ang pangalan ng lugar na 'to. Baka sakaling alam nito, dito ito nakatira, eh.

Sumandal si Nez sa kinauupuang sofa, tapos na niya ang lahat ng gawaing bahay at wala na talaga siyang maisip na gawin. Tapos naman na niya ang lesson plan niya kagabi. Kapagkuwan, nasulyapan niya ang kusina. Naalala niya si Rowan.

He always cooks for me. What if I will cook for him? But I know that I'm not a good cook but it's still edible.

Kusang gumalaw ang katawan ni Nez. Tumayo siya at nagtungo sa kusina pero pagpasok niya sa kusina hindi niya alam kung ano ang lulutuin niya. Napabuntong hininga siya saka kinuha ang apron at isinuot. Then she took her phone from her pocket and search simple dishes that she should cook.

"Pork Adobo? Chicken Curry? Sandwiches? Ang dami namang klaseng sandwiches 'to." Kausap niya sa kaniyang sarili. Ang dami pa niyang mga nakitang klase ng pagkain na hindi niya alam na nag-e-exist pala sa mundo.

Napailing na lang si Nez sa sarili saka pumili na lang ng kaya niyang gawin at lutuin. Kahit papaano kaya naman niyang magluto ng rice. Then she prepared the ingredients for the pork adobo and then she cut the pork meat. Madali lang niyang nagawa ang pagluto ng kanin at pork adobo pero sa Chicken Salad Sandwich siya nahirapan. Ang daming ingredients eh kaya naman ang 30 minutes less na dapat pag-prepare dito ay naging isang oras pero ayos lang dahil natapos din niya.

Now, she's texting her husband and asking where is he. Agad naman itong nag-reply sa kaniya.

'I'm still at the construction site, Love. Why? Do you want to come?'

Automatikong gumuhit ang ngiti sa labi ni Nez nang mabasa ang endearment sa kaniya ni Rowan. Hindi niya alam pero kapag tinatawag siya nitong ganun, sumasaya ang puso niya. Wait, he's been calling me that since we live on the same roof. Though not all the time. Gusto ba ako ni Rowan?

Kinuha ni Nez ang cellphone na nakapatong sa lamesa. 'I cooked lunch for you. Wait for me.'

'Really? Okay, I'll wait for you, love.'

Patakbong lumabas si Nez ng kusina saka umakyat ng hagdan. Nagtungo siya sa sarili niyang kwarto saka naligo at nagbihis. Nagsuot lang siya ng simpleng red shirt at jeans saka niya ito pinaresan ng pulang sneakers.

Nginitian niya ang sarili habang nakaharap siya sa salamin.

Nang masigurong maayos na ang kaniyang sarili, kinuha niya ang sling bag at inilagay doon ang wallet at cellphone niya. Kumuha rin siya ng panyo saka siya lumabas ng kwarto. Bumalik siya sa kusina saka inilagay ang mga niluto niya sa lunch box.

She took her car keys. Lumabas siya ng bahay saka ini-lock ito. Tinungo niya ang garahe at inilabas ang sasakyan na pinapagamit sa kaniya ng asawa niya.

Nang makalabas siya ng gate, ini-lock niya rin ito saka siya sumakay sa kotse. She drove the car towards her husband's place. Actually, kase-send lang nito ng address pero sana huwag siyang maligaw. Minsan kasi baliktad ang mapa niya, eh.

Kaya naman para hindi siya maligaw, tinawagan niya si Rowan.

"Malapit lang ang kinaroroonan ko sa Shadow Town, Love." Sabi ni Rowan habang nakikipag-usap siya sa tatlong engineer kasama si Harry. Natigilan ang babaeng inhenyera nang marinig ang 'love' na sinabi ng kliyente nila. Hindi niya ito mapigilang pagmasdan, ito na yata ang pinakagwapong lalaki na nakilala niya. "Love, kapag may nakita kang under construction na building ay 'yon na. Yes. Makikita mo agad."

Alpha Rowan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon